Gaya ng sinabi ni Terrence at Gerry ay tumawag din sila saglit pagkatapos umalis ni Carl sa kwarto nila.
"Umiyak ka ba?" Tanong agad ni Terrence pagkatapos kong buksan ang camera ko at agad naman akong tumango.
They've been asking the reason I decided to leave and I didn't even bother to tell them the reason, that's why I decided to tell them now, kasi at some point, they deserve to know.
"Kasi-" napatigil ako kasi kahit gusto kong sabihin, hindi naman kasi ganoon kadali yun. Napansin siguro ni Terrence ang itsura ko kaya ngumiti siya sa akin at tumango.
"Kahit 'wag mo na muna sabihin, maiintindihan ka naman namin, kung hindi man edi sana hindi tayo magkausap ngayon." Paliwanag niya kaya tumango ako at napaiyak na lang habang kausap silang dalawa.
Ilang taon man ang lumipas, si Terrence, ang bestfriend ko, siya pa rin ang nakakakilala at unang umiintindi sa akin kahit ano pa yan. Hindi niya talaga ako iniwan, kahit ako yung unang nang-iwan.
"Huwag ka na umiyak, miss mo na talaga kami." Natatawang biro naman ni Gerry kaya tumango ako, kasi totoo naman na miss ko na sila. Ilang beses ko ring tinangka na tumingin ng balita about sa kanila pero pinipigilan ko lalo ang sarili ko kasi grabe ko ibaba ang sarili ko during those times.
Ganito lagi ang nagiging scenario, every night after the game ay tumatawag parehas si Terrence at Gerry sa akin para kamustahin ako. At naaappreciate ko sila ng sobra dahil sa effort nila kahit pagod sila after game.
"Manood ka na sa game namin against La Salle, bukas na yun padala namin ticket sa bahay mo." Pagpipilit ni Terrence sa akin kahit si Gerry ay tumatango na rin sa likod niya para pumayag ako na manood.
"Sige na nga, anong oras ba yan?" Tanong ko ulit sa kanila at mukhang naging excited sila pagkatapos nilang marinig na pumayag akong manood.
"4:30 PM sa MOA, sa Daddy mo na lang kaya namin ipadala? Pupunta ata siya dito para tingnan kung kamusta training namin eh." Paliwanag pa ni Terrence at pumayag na lang ako sa kung anong gusto nila kasi, gusto ko rin naman silang makita nahihiya lang talaga ako na harapin sila, kaya minsan 'di ko maintindihan itong dalawang 'to, masyado silang mabait sa akin.
"Kausapin mo na si Carl, natalo kami last game wala pa rin sa mood yun." Pagkukwento ni Terrence at agad akong umiling when he said na kausapin ko si Carl.
"Kung wala siya sa mood tapos bigla akong uusbong at kakausapin siya baka matalo lang kayo next game." Sagot ko naman sa kanya at mukhang narealized din naman niya kung gaano ka tanga nung suggestion niya sa akin.
"Ang hirap kasi palambutin ng puso nun eh," dagdag pa ni Gerry at tumango ako kasi totoo naman eversince mahilig talaga magtanim ng sama ng loob si Carl, high school pa lang farmer na siya.
Kaya pagkatapos akong tawagan ni Terrence ay desidido na ako na kausapin si Carl, pero hindi sa tunay na pangalan ko. Ayokong bigyan siya ng mga motivational quotes tapos galing sa akin, hindi na siya magiging motivational para kay Carl.
--------------------------------------------------------------
Carl Tamayo
carltamayo10 • instagramPoison Ivy
God has plan for what's right for you.
Good evening, MiraCarl.Seen just now...
Carl Tamayo
Thank you, bawi kami next game.Poison Ivy
Kumain na kayo?Carl Tamayo
Maya-maya pa kakatapos lang ng training namin.
Poison Ivy
That's great, pwede naman sigurong magpadala ng foods diyan sa hotel niyo?
YOU ARE READING
Mastermind | Carl Tamayo
FanfictionUP Fighting Maroons #2 Eunice Abegail Velo, a 21 years old student transferee from the US. When she was in high school she studied in National University, that's where she met Carl Tamayo whose now a player of UP Fighting Maroons. Eunice, being the...