After the championship game nalaman ko kay Daddy na magpapakain ang family ni Luna dahil sa pagkapanalo ng UP.
"Abegail, sumama ka sa akin mamayang gabi. Pupunta tayo sa bahay ng mga Ynares for the celebration." Hindi na ako inantay ni Daddy na makasagot dahil umakyat na rin siya sa kwarto niya para siguro maghanda sa pagpunta sa bahay nila Luna since maraming mga kakilala niya ang pupunta roon ngayon.
Kaya unakyat na ako sa kwarto ko at naghanap na ng damit na susuotin ko pagpunta ko roon. Hindi rin naman kasi ako magtatagal kasi may mga tatapusin pa ako related sa school.
Pagbaba ko ay nag-aantay na si Daddy sa akin. May kausap pa nga siya sa cellphone niya na mukhang work kaya pagkakita niya sa akin ay nagpaalam na rin siya dun sa kausap niya.
Hindi naman matagal ang byahe since sa may Loyola lang kami at malapit sa Diliman ang bahay nila Luna. Pagpasok ko pa lang sa bahay nila ay puno na agad ng mga tao ang nandoon. I even saw some of the players from UP na kausap ang ibang mga alumni na nandidito na.
Lumapit kami nila Daddy sa iba niyang mga kakilala kung saan tinatanong siya ng kung ano-ano.
"Ito na ba ang anak mo Emilio? Ang laki ng bata ah, anong year mo na?" Tanong sa akin, ngumiti naman siDaddy at mukhang ready na agad magyabang pagkatapos marinig ang mga tanong sa kaniya related sa akin.
Nakita kong nasa kabilang table lang namin si Carl pati ang sa tingin kong Mama ni Luna kausap nila ang ibang alumni. Tumingin naman sa akin saglit si Carl kaya ngumiti ako sa kanya bago ulit lumingon kay Daddy.
"Itong anak ko, 2nd year Legal Management sa Ateneo, ever since she entered college ay part na siya ng Dean's list. She's even aiming for Latin Honor, kaya minsan hindi ko maintindihan kung paano niya napagsasabay ang panonood ng basketball at pagpunta sa bar tuwing gabi. Tapos she's even planning to enter law school to pursue law which is great." Pagpapakitang gilas ni Daddy at kita naman sa mukha ng mga kausap niya kung gaano nila nagustuhan ang sagot ni Daddy.
Lumingon ako sa kung nasaan si Carl at mukhang narinig din niya ang mga sinabi ni Daddy kaya ngumiti siya saglit sa akin pero pagkatapos nun ay umiwas siya ng tingin. Hindi rin nagtagal ay umalis siya sa kung nasaan siya at pumunta sa may sala at doon mag-isa umupo.
Mukhang napansin ni Daddy na nakatingin ako kay Carl kaya sumenyas na siya sa akin na puntahan ko na kung gusto ko. Dahan-dahan akong naglakad at umupo sa tapat niya kung saan mukhang nagulat siya na nakasunod pala ako sa kanya.
"Congrats Rookie of the Year," nakangiting bati ko sa kanya saka ko pinakita yung regalo na dinala ko for him. It's a necklace, ako mismo ang gumawa ng design bago ko pinagawa. Gusto ko kasi siya bigyan ng something na kahit wala ako ay makikita niya naman yung regalo ko sa kanya.
Inabot ko ito sa kanya at tiningnan niya ito na parang nagdadalawang isip siya kung tatanggapin niya. Umiwas ako ng tingin nung hindi niya pa rin kinukuha yun.
"Kunin mo na, alam kong hindi mo gustong tumatanggap ng regalo lalo na pag galing sa akin, pero sana tanggapin mo yan, kahit yan lang." Halos magmakaawa na ako habang sinasabi ko yun para lang tanggapin niya pero tumingin lang siya sa akin.
"Mas napaganda nga yung buhay mo nung umalis ka, I heard Dean's list ka tapos plano mo mag law after? Worth it pala lahat noh, nakapag-aral ako sa UP habang naglalaro ako, tapos ikaw umalis ka sa NU tapos nag US ka pagbalik mo sa Ateneo ka na nag-aaral tapos plano mo pa mag law." Pagkasabi niya nun ay kinuha niya yung regalo ko at ngumiti siya sa akin. Binuksan naman niya yun at tiningnang mabuti yung kwintas na binigay ko sa kanya.
Inabot niya sa akin yung kwintas kaya nagtaka ako saglit bago ko nalaman na gusto niya na ako ang magsuot sa kanya. Nakangiti ako habang sinusuot ko yun sa kanya kasi feeling ko kahit papaano ay lumalambot na ulit ang puso niya sa akin.
"Maganda, bagay sayo." Compliment ko sa kanya saka ko hinawakan saglit ang balikat niya bago ako bumalik sa upuan ko.
Tumingin siya sa akin na parang may gusto siyang sabihin, pero hindi niya tinuloy.
"Nagpapasalamat ako sa pagbawi mo sa lahat, Eunice. Naiintindihan ko naman kung bakit mo nagawa yun, siguro I was immature that time kaya nagalit ako. But, when I heard yung reason mo, naiintindihan ko na at nakikita ko naman ngayon na mas makabubuti yun para sayo during those time." Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita siya at alam ko na kung saan pupunta ang usapang ito. Ito rin ang isa sa mga rason kung bakit hindi ako naka amin sa kanya noon.
"Pero hindi ko matatanggap ang pagmamahal na binibigay mo sa akin ngayon. Marami pa akong pangarap at alam mong madali akong mawalan ng focus. Masaya ako na bumalik ka na at masaya ako na nagagawa mo ng magsabi." Pagkasabi niya nun ay yumuko ako habang pinipigilan ko ang luha ko. Napakalakas niya para masabi ang lahat ng ito sa akin. Na sa kabila ng lahat ay magagandang salita pa rin ang lumalabas sa bibig niya habang tinatanggihan niya yung pagmamahal ko para sa kanya, yun yung mas masakit.
Napansin niya ata ang hindi ko pagsasalita kaya tumigil din siya. Tumingin ako sa kanya at mukhang napansin niya yung pamumula ng mata ko kaya napatayo siya saglit na parang gusto niyang lumapit sa akin pero umiling ako at pinigilan siya. Kasabay ng pagpunas ko sa mga luha ko at pagngiti ko sa kanya ay ang pagdating ni Luna.
"Aalis na ako, congratulations ulit." Pagkasabi ko nun ay tumayo na ako at ngumiti saglit kay Luna bago ako umalis sa living room at pumunta sa pool area nila kung nasaan si Cyril na naabutan ko rin bago ako umalis.
"Cyril, kumusta?" Tanong ko sa kanya at ngumiti naman siya sa kain at niyakap ako saglit. Nag-usap lang kami saglit bago ko puntahan sila Terrence at Gerry na kausap ngayon yung isa nilang ka teammate.
"Abegail, this is Anton, Anton this is Abegail our bestfriend." Pakilala ni Terrence sa akin tumingin naman ako kay Anton at ngumiti sa kanya. I think he's half halata rin sa pormahan niya.
'Di rin nagtagal ay umalis rin si Anton kaya kaming tatlo na lang ang natira. Pinaggitnaan nila ako pareho saka tinuro si Carl na kausap na ngayon ng mga kaibigan ni Daddy.
"Ano pinag-usapan niyo at bakit parang masama ang timpla niyo pareho?" Tanong ni Gerry at bumuntong hininga ako pero ngumiti rin agad.
"Basted ako," yun lang ang sinagot ko kaya agad silang napatingin kay Carl na lumingon din sa kung nasaan kaming tatlo. Umiwas lang ako ng tingin sa kanya kasi ayokong ma pressure siya dahil sa dalawang katabi ko ngayon.
"So suko ka na?" Tanong ni Terrence ay wala akong nagawa kung hindi tumango na lang. Kasi yun naman ang plano ko na kapag nalaman niya yung feelings ko for him at tanggihan niya yun ay susuko na ako.
"Naiintindihan ko naman siya, basketball ang main priority niya at ganoon din naman ako sa pag-aaral ko lalo pa at after nito ay papasok ako sa law school." Yun na lang ang sinabi ko at wala na rin naman silang nagawak kundi intindihin ang situation namin ni Carl kasi pareho kaming may goal para sa sarili namin.
YOU ARE READING
Mastermind | Carl Tamayo
FanfictionUP Fighting Maroons #2 Eunice Abegail Velo, a 21 years old student transferee from the US. When she was in high school she studied in National University, that's where she met Carl Tamayo whose now a player of UP Fighting Maroons. Eunice, being the...