Kaya naman nagulat ako when Kuya Tyler posted a screenshot of us, talking at natuwa ako sa caption niya dahil pinanindigan niya talaga yung sinabi niya na dahil wala akong kapatid ay siya ang magiging kapatid ko.
'Meet my little cousin, she's back! @gail_v
Agad namang tumawag si Terrence kahit umagang umaga na kaya wala akong nagawa kundi sagutin yun.
"Terrence, hindi ako athlete para maagang gumising." Yun ang una kong sinabi kahit nakapikit pa ako dahil ang aga niya talagang tumawag sa akin.
"Nakita ko si Carl kanina, nakita niya yung ig story ng pinsan mo. Gago, 'di naman naka follow kay Tyler yun bakit nalaman?" Sunod-sunod na tanong ni Terrence na parang mas problemado pa siya kaysa sa akin na hinayaan na kasi hindi rin naman ako pagbibigyan ng pansin ni Carl.
"Baka nagkataon lang, 'wag mo ng isipin yun. Wala naman akong balak guluhin ang buhay ni Carl." Yun na lang ang sinagot ko kasi sa point na 'to wala na talaga akong balak ipagpilitan ang buhay ko kay Carl dahil alam kong masasaktan lang siya kapag pinagpilitan ko ang sarili ko na pumasok ulit sa buhay niya kung iisipin lang rin niya na iiwan ko ulit sila.
"Malay mo, pero curious pa rin siya sa kung ano nga ba ang ginagawa mo? Lalo pa at alam niya na nandidito ka na ulit." Minulat ko na ang mata ko at tiningnan ng masama si Terrence dahil ang mga salitang naririnig ko sa kanya ang mas lalong nagtutulak sa akin para isipin na baka nga gusto ulit akong makita ni Carl.
"Huwag mo na akong paasahin, Terrence, ang galit ni Carl hindi yan nagbabago, alam mo yan." Sagot ko naman sa kanya at napatigil siya aaglit saka tumingin sa akin.
"Malay mo magbago, 'wag mo maliitin ang sarili mo, Abegail." Pero umiling lang ako sa sinabi niya. At dahil hindi na ulit ako makakatulog dahil sa paggising niya sa akin ay lumabas na ako ng kwarto ko at kinausap na lang ang mga aso ko.
"Abegail, bakit ang aga mo nagising?" Mukhang kahit si Daddy ay nagtataka kung bakit maaga ang gising ko kaya namura ko sa isip ko si Terrence sa ginawa niyang paggising sa akin. Mamaya pa naman ang game nila at kahit 10 AM pa ako gumising ay makakanood pa rin ako ng laro ni Kuya Tyler.
"Manonood kasi ako ng game later," sagot ko sa kanya at ngumiti siya sa akin.
"Oo nga pala yung pinaabot na ticket ni Terrence sa akin kagabi." Saka naman mukhang doon lang naalala ni Daddy na may pinaabot na ticket sa kanya kagabi, siguro sa dami ng ginagawa niya ngayon sa trabaho ay sobrang busy niya.
Inabot niya sa akin yung isang ticket at ngumiti sa akin.
"Mag-enjoy ka anak, magandang laban yan, 'di ako makakanood busy sa trabaho." Lumapit siya sa akin at niyakap ako saglit bago niya kinuha ang susi ng kotse niya at umalis na rin.
Saktong 12:30 PM ay nasa MOA na ako para manood muna sa game ng Ateneo. Nagdecide ako na white na damit ang suotin ko saka nag jeans na lang ako at naka cap na maroon.
"Alam ko kung saan ang seat mo mamaya dapat makikita ka namin ni Gerry." Yun ang paalala ni Terrence sa akin habang papasok ako kanina sa arena. Dahil mamaya pa naman ang game nila ay hanggang mamaya pa ako nakatambay dito.
"Kung pwede lang lumapit sayo lalapitan ka sana namin mamaya." Si Gerry naman ang nagsabi nun pero umiling lang ako at ngumiti na lang sa kanila.
"Wave na lang kayo sa akin saka flying kiss okay na ako." Natatawang sagot ko naman sa kanila pero mukhang balak talaga nilang totohanin yung sinabi ko dahil kilala ko sila. Mukha lang silang seryoso pero marami silang kalokohan sa buhay.
Bago magsimula ang laro nila Kuya Tyler ay nakita niya ako sa may lowerbox malapit sa likod ng basket. Papasok pa lang kasi sila noon at nakita niya ako.
"You really came! Gian come here, it's my cousin, she's watching today." At tinawag na niya si Gian na kumaway din sa akin. Lumapit din ang ibang players ng Ateneo at nakita ko si Dave ngumiti siya sa akin.
Nakilala ko si Dave dahil kay Kuya Tyler kasi sinabi niya na may lumipat na player from NU kaya nakilala ko si Dave, he's kind naman 'di ko lang siya type, but he's a friend.
"Andito na pala si masungit, girl version ni Tyler!" Sigaw niya kaya natawa ako, I even noticed some fans are looking at me questionable, maybe because of how I interact with the players of Ateneo.
Nagsimula ang game at seryoso lang akong nanonood kasi ayokong mag-ingay kapag nanonood ako ang tinis pa naman ng boses ko kapag tumitili ako tapos mabilis pa ako mapaos kaya quiet lang ako the entire game.
At the end of the game naman ay nanalo ang Ateneo against FEU which I kind of expected? But then again, FEU played well, but so as Ateneo.
Habang free time dahil 4:30 PM pa ang next game ay nakatunganga lang ako o 'di kaya ay nagcecellphone habang inaantay ang next game.
I posted a photo of me sa ig story ko kung saan naka maroon na cap at white tshirt ako saka ang Ateneo ID ko. When I saw the reply of Gian.
'Multitask sa pag support ah,'
Napatawa naman ako kasi mukha akong balimbing dahil sa dalawang university items sa suot ko ngayon araw. I didn't reply to his message kasi wala rin naman akong sasabihin I jist simply reacted haha emoji to his message.
At 4 PM ay pumasok na ang players ng UP para mag warm-up, I saw how Carl wander his eyes from the crowd while his hand was placed on Harold's shoulder, probably talking about something. Nakita ko pa kung paano niya subtle na tinitingnan ang bawat kilos nina Terrence na ngayon ay hinahanap na siguro ako.
When Terrence saw me ay agad siya tumalon saka lumapit kay Gerry at gaya nga ng biro ko kanina ay kumaway sila at nag flying kiss kaya napatawa ako doon. Napatingin na rin ang ibang players ng UP sa akin dahil sa ginawa ng dalawa. Carl won't probably recognize me since I'm wearing a cap and a facemask kaya hindi ako kinabahan when he looked at me at nakakunot ang noo niya or something.
"Good luck!" Sigaw ko sa kanila at tumango naman sila. Tumingin ako saglit sa kung nasaan si Carl at kausap na niya ngayon yung head coach ng UP.
Tumingin pa siya saglit sa gawi ko, pero alam ko na maaaring hindi ako ang tinitingnan niya. Alam naman siguro niya na nakabalik na ako, pero hindi naman niya alam na manonood ako kasi wala naman siyang pakielam sa amin.
At the end of the game nanalo ang UP at player of the gane si Carl with 23 points. Tumayo na ako at wala ng balak pa na magstay ng kahit ilang minuto. Okay na ako, nakita ko na silang maglaro, ang layo na talaga ng nararating nila, tapos mahal pa nila yung ginagawa nila. Ngumiti ako saglit saka naglakad paalis.

YOU ARE READING
Mastermind | Carl Tamayo
FanfictionUP Fighting Maroons #2 Eunice Abegail Velo, a 21 years old student transferee from the US. When she was in high school she studied in National University, that's where she met Carl Tamayo whose now a player of UP Fighting Maroons. Eunice, being the...