CHAPTER 1
Malapit na ang pasukan ni Zarmecey Dawn kaya pumasok siyang part-timer bilang model. Namayapa na ang ama niya na si Mang Andoy at tanging ang kanyang ina nalang ang katuwang niya sa buhay. Nag-iisa lang siyang anak at ipinagpasalamat na rin niya na wala siyang kapatid sapagkat ayaw niyang makita ang sinuman sa mga mahal niya sa buhay ang naghihirap dahil sa kakapusan sa pera. Nagtitinda ng prutas sa palengke ang kanyang Ina at siya ay nag-aaral ng kursong Culinary Arts sa Park University. Isa siyang scholar kaya wala siyang problema sa pang tuition ang tanging problema nya ngayon ay ang gastusin nya sa pang araw-araw. Ayaw din nya kasing tanggapin ang kita ng Inay nya sapagkat ang katwiran nya gawin nalang pandagdag sa paninda nito at mga pangangailangan nila sa araw-araw.
Dahil sa malayo ang University na pinapasukan ni Mecey kumuha sya ng apartment na malapit sa kolehiyong pinapasukan nya. Kapag araw ng sabado at linggo ay nag momodel sya at pagkatapos dumideretso sya sa fast food chain kung saan nagseserve siya ng mga pagkain sa customer.
Maganda, maputi, may pagka koreana ang mukha ni Mecey. Nasa 5'7 ang taas nya kaya maraming mayayaman ang nahuhumaling sa kagandahan niya ngunit wala siyang magustuhan kahit isa man dito sapagkat masyado siyang abala sa pag-aaral. Nasa 20 taong gulang na siya ngunit NBSB ang status nya. Napapagkamalan nga siya minsan na tomboy sapagkat wala man lang itong nakitang boyfriend na kasama o kaibigan man lang na lalaki.
"Bez! Tara! sama ka sa outing sa Palawan siguradong mag-eenjoy tayo doon. Napakaganda ng mga sceneries doon tiyak na mafefreshen-up yang beauty mo pati na rin ang isipan mo." aya nang bestfriend nya na si Bea, isa rin itong kumukuha ng culinary arts. Maganda rin ito, balingkinitan ang katawan at mayaman katulad ng iba niyang kaklase. Pero ni minsan hindi siya nito tinrato na iba hindi katulad ng mga kaklase niyang mga babae na ang tingin sa kanya ay patay-gutom na sinang-ayunan niya sa huli dahil totoo naman. Kaya bihira siyang maglagi sa classroom pag vacant period dahil siya lagi ang pinagdidiskitahan ng mga bullied girls.
"Bez, alam mo naman na may part time job ako sa weekends diba, pwedi next time nalang?" Napalabi naman si Bea dahil sa huli niyang sinabi. Everytime kasi na isasama siya ang palaging dahilan niya ang 'part time jobs at ang nextime' dahil doon lang siya kumukuha ng panggastos niya araw-araw at sa mga projects niya sa school. Wala siyang magagawa sapagkat yun lang ang tanging paraan para makapagtapos siya ng pag-aaral. Kung tutuusin, napakaswerte ng mga kaklase niya sapagkat wala silang masyadong problema sa gastusin. Papasok lang sila sa school at mag-aaral pagkatapos uuwi na, kakain at matutulog. Samantalang siya pagkagaling niya ng school pupunta pa sa restaurant para kumita ng pera pandagdag sa mga gastusin niya. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi siya nagrereklamo dahil sanay na siya sa araw-araw na routine niya.
"Hindi ako papayag! Gusto ko kasama ko ang bestfriend ko sa Palawan. Look Bez! Ni hindi mo na-eenjoy ang college life mo dahil nagpapakanda-kuba ka sa pagtatrabaho. Kapag gumraduate tayo, trabaho na naman ang aatupagin mo. Okay ganito nalang... babayaran ko ng triple ang araw na masasayang mo para sa partime jobs mo this weekends; mga 4 days tayo doon kaya ako na ang bahala magpasweldo sayo. Isipin mo nalang na personal assistant kita sa loob ng apat na araw. preetty please?" nag pout si Bea kaya napa-sigh nalang siya bilang pagpayag. Kaya napatalon ito sa tuwa dahil sa wakas pumayag siya sa kauna-unahang pagkakataon.
Sumakay sila sa porsche na sasakyan ni Bea dahil alam ng Bez niya na bubully-hin lang siya sa school bus kaya nauna na silang pumunta ng Palawan.
"Bez, share tayo ng room ha! Bumili na rin ako ng tan lotion at 4 pairs of two piece." sabi ni Bea. Hindi niya pinansin ang mga sinabi ng Bez niya dahil hindi siya interesadong magsuot ng two-piece. Hindi siya kumportable magsuot ng swimsuit na hantad ang kanyang kabuuan sa karamihan.
"Ang ganda dito Bez! Salamat nga pala sa pagpupumilit mo sa akin na sumama ako sayo dito sa Palawan. Worth it naman na nasayang ang dapat na kita ko sa apat na araw may sweldo pa ako." nameywang si Bea sa harapan nya at nilapag sa ibabaw ng kama ang mga pinamili nya. Umupo ito sa tabi niya at hinawakan ang dalawang palad niya.
"Ano ka ba naman, Bez! As I've told you before, I will be the one to pay your salary since you are my personal assistant now, alright? Just enjoy the good weather and have fun! By the way, Bez, I will introduce you to my cousin who just came back from Switzerland. He's handsome and a lot of women are chasing after him there, but unfortunately, he's a woman hater." mahabang litanya ng kaibigan nya na halatang kinikilig nang binanggit ang pinsan nitong lalake. Seriously, papalilala siya nit sa woman hater baka ipalapa siya nun sa buwaya.
'Kahit na gwapo pa yun wala naman akong plano na pumasok sa isang relasyon hangga't hindi pa ako nakakapagtapos. Gusto kong bigyan ng magandang buhay ang Inay ko' sigaw ng isip niya at humiga sa kama. Mamaya nalang siya babangon dahil pagod siya sa byahe galing Maynila.
"Wala akong panahon sa lovelife ngayon." tanging sagot niya kay Bea at ipinikit na ang mga mata. Humalukipkip ang Bez niya saka tinignan siya na parang Alien.
"Magiging Old Maid ka niyan kapag trabaho ang palaging inaatupag mo. Bez naman! Nagkakakalyo na 'yang mga kamay mo sa pagiging subsob mo sa trabaho. Wala ba sa bokabularyo mo ang mag-enjoy at hanapin si Mr. Right?" Bea scolded her. She just shrugged and went back to sleep.
She was jolted awake by Bea's shouting. She was still sleepy and wanted to go back to sleep.
"Bez! Get up and come with me for a walk on the seashore!" Bea excitedly shook her. She was still sleepy and lazy, so she curled up in bed again.
"Let's do it later! I want to rest. You can go for a walk outside first, and deduct your so-called salary from mine." napailing na napangiti siya sa kaibigan at ipinikit na ang mga mata. Hindi niya naman kasi kailangang swelduhan pa dahil kapatid na rin ang turing niya dito. Ngunit dahil sa mapilit ito wala na siyang nagawa kundi sang-ayunan ang kalukuhan nito.
"Bez naman e! anong silbi ng pagpunta mo rito sa Palawan kung magmumukmok ka lang dito sa kwarto?" asik sa kanya ni Bea na salubong na ang mga kilay habang nakapameywang sa harapan niya.
Bea looks stunning in her black swimsuit that she bought from the mall before they left Manila. Her fair legs were exposed, enhancing her beauty. Even though her best friend has a bit of a crazy personality, she still hasn't found a man who can be with her for life.
"Mamaya nalang ako maglilibot sa buong resort. Masyado pang mainit para magbabad sa tubig. Kaya ikaw Negra, umiwas ka sa araw nang hindi ka lalong mangitim." Humagalpak siya ng tawa na ikinalukot lalo ng mukha ni Bea. "Waaah! Marunong kana rin mangbully Bez! Hindi ako maitim a. Morena lang ako pero hindi ako maitim, hmmp." Pagtatanggol nito sa sarili na lalo niyang ikinatawa. Nagbibiro lang siya sa tinuran niya kay Bea mas lalo ngang tumingkad ang ganda nito sa pagiging morena niya.
Napabangon siya ng kama ng makita niyang madilim na sa labas. May notes din na iniwan si Bea sa side table katabi ng lampshades na nagsasabi na nasa bar ito kasama ang mga classmates nito. Napailing nalang sya dahil masyadong magkaiba ang ugali at mundo nilang mag bestfriend pero sa kabila ng kaibahan nilang dalawa ni minsan hindi sya nito nilalaglag sa ere. Kaya kahit papaano blessing in disguise din ang pagtuntong nya sa paaralan ng mayayaman dahil doon sya nakatagpo ng totoong kaibigan.
Kinuha nya ang scarf sa walk-in closet at lumabas ng cottage. Gusto nya ring makalanghap ng sariwang hangin kaya naglakad-lakad sya sa buhanginan. Sinasabay ng hangin ang hibla ng kanyang mga buhok at bangs na nakatakip sa magaganda nyang mukha. Para syang nagmumusic video dahil napakagandang dalaga ni Mecey habang bitbit ang doll shoes nito.
BINABASA MO ANG
When Womanhater meets Manhater (Completed)
RomanceMecey's father passed away early, so she became the breadwinner for their family. She became a man-hater because she believed that men were just obstacles to her dreams. She became a scholar at Park University, a school for the wealthy, to study cul...