Chapter 10
Tumakbo siya palabas ng office at dali-daling pinindot ang button ng elevator.
Hilam na ang luha niya kakaiyak. Mas masakit pala kapag mismong mga mata mo ang makatuklas ng katotohanan. Bakit pa kasi siya umasa na magagawa rin siyang mahalin ng binata. Di sana hindi siya nasasaktan ng ganito. Dapat di na siya nag assumed na may forever pa sa pagitan nilang dalawa kahit saglit lang silang nagkasama at nagkakilala. Ganito ba talaga ang pagmamahal, lagi nalang nasasaktan at pandalian lang ang sayang idinudulot nito. Kung ganun naman pala bakit pa siya nagmamahal.
Kaninang umaga, narealized niya na hindi naman tama na magagalit siya kay Vince dahil natuklasan niyang hindi siya ang mahal nito. Nakapag decide na siya na gagawin niya ang step 1, to make Vince fall for her. Desperada na kung desperada pero yun lang ang paraan para hindi mawalan ng ama ang kambal. Mahal niya ang lalaki at ayaw niyang mawala ito sa buhay nila. Kaya nilunok niya ang natitirang pride na meron siya. Handa na siyang makipag ayos sa binata. Bumangon siya sa kama para ipagluto ito ng lunch. Hindi ito nag-almusal kanina dahil sa inasal niya. Masaya siyang nagluto ng pagkain, chicken curry at beef steak ang niluto niya dahil paborito iyon ng binata.
Nasa tapat na siya ng building ng Lim Group of Companies kahit kinakabahan dumiretso siya sa gusali hindi na siya hinarang ng mga guards dahil kilala na siya bilang ina ng mga anak ng boss nila. Nagpatuloy siya paakyat sa floor kung saan ang opisina ng binata. Masaya siyang binabati ng mga employees and she smiled back. Gusto niya kasing sorpresahin ang lalaki at humingi ng sorry sa inasal niya kanina. Hangga't maaari ayaw niyang magkaroon sila ng alitan. Hangga't kayang solusyunan gagawin niya wag lang siyang ipagtabuyan ng binata. Tanga man ang magpakamartir pero wala siyang magagawa mahal na mahal na niya ang lalaki at handa siyang masaktan para sa pagmamahal na iyon. Nakita niya ang executive ni Vince kaya lumapit siya rito para tanungin kung nasa loob ba ang boss nila.
"Andyan ba si Mr. Lim?" Tumingin sa kanya ang executive. Nagbago ang rehistro ng mukha nito ng makita siya para itong natatae na ewan. Hindi ito mapakali sa upuan.
"Y-Yes Ma'am, kaso po Ma'am may bisita siya sa loob." namumutlang sambit nito. Siguro pagod na ito sa trabaho dahil sa mga files na nakatambak sa table nito.
"No, it's okay. Ihahatid ko lang naman ito saglit sa kanya. Then, aalis na ako. Sige pasok na ako ha." Binuksan na niya ang pintuan. Pinigilan siya ng Executive pero huli na dahil nakita niya ang bagay na hindi dapat makita.
"P-Pero Maam----"Sana pala hindi niya nalang binuksan ang pintuan. Sana ibinilin niya nalang sa executive ang dala niyang lunch. Gusto niyang pag-untugin ang dalawa. She saw them kissing torridly and it's killing her to death. Nag-unahang tumulo ang luha niya. Namamanhid rin ang buong katawan niya kaya hindi na niya namalayan na naibagsak niya sa lapag ang lunchbox na ibibigay niya sana kay Vince. Akala niya ang binata ang masosorpresa pag nakita siyang nasa opisina nito, unfortunately siya ang nasorpresa sa nakita niya. Lumalabo na ang paningin niya ngunit kita parin niya ang pag smirk ng ex ni Vince sa kanya kaya tumakbo siya palabas ng opisina. Narinig pa niya ang pagtawag ni Vince ngunit hindi siya lumingon. Baka pag nakita niya ang binata ang at lingunin niya ito tuluyan na siyang mawalan ng lakas. Akala niya handa siyang masaktan pero hindi niya ineexpect na sobrang sakit pala kapag ikaw mismo ang nakatuklas ng mga kababuyan nila. Kahit kelan tanga siya na umaasa na magkakaroon din ng puwang ang katulad niya sa puso ng binata pero nagkamali siya.
Pinindot niya ang button ng elevator. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na siya ng mga tao. Ang gusto lang niya makalabas sa gusaling iyon at makatakas sa sakit na nararamdaman niya.
"Ang tanga-tanga ko. *huk* Umasa ka pa kasi Mecey na mamahalin ka niya. Hindi kana nadala." bulong niya habang walang tigil sa pag-iyak.
*ting*
BINABASA MO ANG
When Womanhater meets Manhater (Completed)
RomanceMecey's father passed away early, so she became the breadwinner for their family. She became a man-hater because she believed that men were just obstacles to her dreams. She became a scholar at Park University, a school for the wealthy, to study cul...