CHAPTER 17
Pumunta silang magpamilya sa mall para bumili ng mga baby dress ng kambal. Hawak-hawak ni Mecey sa kamay si Vincent at karga naman ni Vince si Zacey. Pumasok sila sa isang store kung saan maraming mapagpipilian na damit. Pumunta sila sa mga clothes section at halos lahat ng magaganda at paris na kulay blue at iba't- ibang kulay na newborn dress ay kinukuha niya at ibinibigay kay mecey. Abala din sa pagpili ng mga damit ang kambal at isa-isang binibigay kay Mecey. Napasimangot na lang siya sapagkat mukha na siyang sampayan sa dami ng damit na inaabot sa kanya. Para na siyang butiti sa ayos niya ngayon.
"Ito gusto ko 'to para kay baby boy! Parehas silang cute." saad ni Zacey.
"I want these stuffs to my younger buddies! Cool tignan." singit ni Vincent.
"How about this one, baby? diba maganda? Paniguradong astig tignan kapag sinuot nila ito." sambit ni Vince habang pinapakita sa kanya ang damit na napili nito. Pinagtitinginan na rin sila ng mga saleslady at mga taong namimili rin. Ngunit parang walang pakialam lang ang mag-aama kung pinagtitinginan na sila. May ibang napapangiti, ang iba naman kinikilig at ang iba walang pakialam. Lumapit kay Mecey ang isang saleslady at tinulungan siyang kunin ang ibang damit na inabot sa kanya ng mag-aama.
"Tulungan ko na po kayo Ma'am." offer ng saleslady sa kanya. Napangiti na lang siya dahil kahit papano hindi na masyadong mabigat ang dalahin niya. Imagine, ang bigat na nga ng kambal sa tiyan niya ginawa pa siyang sampayan ng mag-aama. Hindi niya lubos maisip na ganito magshopping ang mga to.
"Salamat." tumango naman ang saleslady.
"Alam mo Ma'am ang cute ng mag-aama mo. Napakaswerte niyo po dahil pinagkalooban kayo ng masayang pamilya. Sana ganyan din yung magiging future family ko." she giggled.
"Sobra. Sobra-sobrang blessing na ang natatanggap ko. Makita ko lang silang masaya, masaya na rin ako." masaya niyang pinagmasdan ang mag-aama niya. Nagbabangayan na rin ang twins dahil pinagpipilitan ng isa na mas maganda ang nakuha nito.
"Ma'am, akin na po yung ibang napili niyo. Ilalagay ko lang po ito sa counter." ibinigay niya yung ibang damit sa saleslady at nilapitan ang mag-aama na nag-iingay na.
"Twins, enough for the baby shirt stuffs. Don naman tayo sa mga laruan." kinuha niya isa-isa ang mga damit na hawak nito at ibinalik sa lalagyan.
"Baby, tignan mo 'to! ang ganda." binalandra ni Vince sa pagmumukha niya ang damit na napili nito. Isang paris na carter's baby clothes na magkaiba ang kulay. Kulay brown at isang kulay gray. It's comfy and cute with easy outfits na may unggoy at asong design sa hood nito.
"Okay, last na yan. Ilagay mo na yan sa counter para mabayaran na. Pagkatapos don naman tayo sa mga toys at feeding bottles." muntanga namang nakanganga si Vince. Kaya pinandilatan niya ito ng mata.
"Bakit?""Hindi ka ba magpapa-breastfeeding? Breastmilk is really good for the babies." binatukan niya ito kaya napahimas ito sa ulo kung saan niya binatukan.
"What was that for?" simangot nito. Pinagtawanan siya ng kambal sa inakto niya.
"Sino bang nagsabi sayo na hindi ako magpapa breastfeeding pagkatapos kung manganak. Syempre bibili tayo ng lahat ng kailangan ng twins para kapag umabot na sila ng one year old tig-isa na silang feeding bottles. "ngumisi lang ang lalaki sa sinabi niya.
"Pagkatapos nila ako naman. right baby?" kinilabutan siya sa sinabi ng binata kaya binatukan na naman niya ito.
"Pervert! Hindi ko alam na may perv side ka!" napahimas na naman ito sa ulo. Lumapit ito sa kanya at hinila siya
para yakapin. Hindi na siya masyadong maakap ng binata dahil sa laki ng tiyan niya. Kabuwanan na kasi niya ngayon pero heto sila at may gana pang maglibot sa mall. Ngayon lang kasi sila nagkaroon ng oras ni Vince sapagkat nagkaroon ng konting problema ang kumpanya ngunit naayos din naman pagkatapos.
BINABASA MO ANG
When Womanhater meets Manhater (Completed)
RomanceMecey's father passed away early, so she became the breadwinner for their family. She became a man-hater because she believed that men were just obstacles to her dreams. She became a scholar at Park University, a school for the wealthy, to study cul...