CHAPTER 18

732 13 1
                                    


CHAPTER 18

Dumating nga ang mga magulang ni Vince galing France. Ngunit, si Mecey lang ang naabutan ng mag-asawa sa kwarto. Katabi nito ang kambal na kalong ng dalaga sa magkabilang side. Lumapit ang mga ito sa kanya na mababakas ang sobrang kagalakan sa mukha nila ng masilayan ang mga apo. Biglang napawi ang pagod nila mula sa byahe kaya inangat nito ang dalawang kamay para kargahin ang mga apo nila. Tig-isa silang mag-asawa. Napangiti rin ng tipid si Mecey ngunit naiilang parin siya sa presensya ng mag-asawa.

"Ang g-gwapo nila, Manang-mana sila sa akin." Sabi ng Mommy ni Vince habang hinahalikan ito sa noo.

"Mas mana sila sa akin. Tignan mo naman hindi nagkakalayo ang hitsura namin sa isa't-isa." Hindi rin nagpadaig ang Daddy ni Vince.
"Paanong nagmana sa'yo e kulubot na yang mukha mo." Sambit ng Mommy ni Vince na ikakunot ng noo matandang lalaki.

Bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang mag-aama na may dalang pagkain. Lalong natuwa ang dalawang matanda ng makita ang kambal na sina Zacey at Vincent.

"Mom! Dad! Kakarating nyo lang po ba?" humalik si Vince sa Mommy at Daddy niya habang ang kambal ay nanatili lang na nakatayo at matamang nakatitig sa dalawang matanda.

"Mga apo parin ba namin yang nagkukyutang bata?" tanong ng Mommy niya habang nakangiti ng malapad.

"Ah oo nga pala Mom! Dad! Meet my lovely wife, Mecey at ito naming nasa kanan ko (pinisil niya ang pisingi ni Zacey). Her name is Zacey, my one and only little princess and a genius/ brave prince na si Vincent na manang-mana sakin , magkambal din sila. And last but not the least, our cutie new born twins na si Thunder Jace na hawak mo ngayon Mom! At si Zion Gabriel na kalong mo Dad! So! Anong masasabi niyo? Mas magaling parin ako gumawa ng kambal compaired to our relatives." Pagmamalaki ni Vince habang pinapakilala niyang isa-isa ang pamilya niya. Malapad na ngumiti ang dalawang matanda at nginitian ang kambal.

~~~
Napilitan si Mecey na bumalik ng Maynila dahil nahihirapan ng bumyahe si Vince papuntang resort. Hindi na rin kasi ito natutulog sa sobrang abala sa trabaho. Lagi din itong naaalimpungatan sa madaling araw dahil sa iyak ng kambal. Kaya kahit gustuhin mang matulog ng binata hindi niya maatim na patulugin mag-isa ng dalaga ang twins.

Sabado ngayon at inilabas ni Mecey ang kambal sa bakuran malapit sa may swimming pool para paarawan. Tig-isa ito ng scroller at binigyan niya ng mga laruan na angkop sa edad nila para hindi umiyak. Nasa limang buwan na ang kambal na sina Thunder Jace at Zion Gabriel kaya hindi na rin masyadong mahirap alagaan kumpara nung mag-iisang buwan pa lang ito.

Hindi na niya ginising ang binata dahil alam niyang pagod na pagod ito galing sa trabaho. Nagpatimpla siya kay Manang ng gatas para sa twins. Habang nilalaro niya ang mga ito pumarada sa tapat ng Mansion nila ang kulay itim na kotse. Nagtaka si Mecey kung sino ang may-ari ng kotse kaya hindi niya inalis ang pagkakatitig niya dito. Niluwa ng kotse si Samantha na napaganda sa suot nitong dress na hapit na hapit sa hubog nitong katawan. Napakasexy rin nito na kahit sinong lalaki ay mahuhumaling sa taglay niyang ganda.

Napangisi ito sa kanya at pagkatapos ibinaling ang tingin sa kambal na kasalukuyang naglalaro. Kung noon natatakot siya sa pagbabanta nito ngayon hindi na. Hindi siya magpapasindak kay Samantha.

"Anong kailangan mo?" tanong niya dito nang makalapit sa kinaroroonan niya. Ngumisi lang ito at saka umismid. Nagtitimpi lang siya ng galit dahil nag-aalala siya sa kambal. Baka kung saktan ito ng dalaga.
"Well, nagpunta ako dito hindi para sayo. Nagpunta ako rito para kay Zach. Ngayong andito kana rin naman dapat ipapaalala ko sayo na hindi pa tayo tapos. Matapang ka rin. Hindi ka nasindak na pwedi kung gawin ang pwedi kong gawin sa mga anak mo lalo na at nadagdagan pa. Hindi ka lang nakinig nagpaanak ka pa! I'm really impressed!" utas ni Samantha habang nakangiti ng mapang-uyam. Hinarap niya ito.

When Womanhater meets Manhater (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon