CHAPTER 7

1.1K 26 0
                                    

CHAPTER 7

Maagang pumasok si Mecey sa trabaho. Eksaktong seven ng umaga ay nasa tapat na sya ng opisina ng boss nya. Kumatok sya ng tatlong beses bago pumasok sa opisina.

"Come in." sagot ni Vince. Tumikhim muna sya bago sya tuluyang pumasok sa loob. Kinakabahan siya sa unang pagkikita ng boss niya. Baka sa unang araw niya palang sa trabaho masisante na siya agad kapag hindi siya nagbigay ng galang dito. Yun ang ayaw niyang mangyari, kailangan na kailangan niya ng trabaho para sa kambal niyang anak.

"G—good Morning Boss!" Magalang na bati nya sa Boss niya. Nakatalikod ang boss nya sa kanya kaya hindi nya ito Makita ang mukha. Tumayo siya ng tuwid at pasimpleng inilagay ang ilang hibla ng buhok sa puno ng kanyang tenga.

May nakahanda rin syang magandang ngiti kapag humarap ito sa kanya para hindi siya pagsungitan o sigawan kung sakaling humarap ito sa kanya. Gagawin niya ang lahat para hindi siya mapatalsik o mapahiya sa pangalawang araw na pagpasok niya sa trabaho. Ano kaya hitsura ng boss nya? Gwapo kaya? Tanging nasa isip nya. Maya-maya pa't humarap na ito sa kanya.

"Hi Baby!" He smirked. Halos panawan siya ng ulirat sa lalaking kaharap nya ngayon. Naudlot ang ngiting nais sana niyang ihanda para sa Boss niya. Tumayo ito at humakbang papalapit sa kanya. Natulala sya nang makilala niya ang lalakeng nasa harapan niya ngayon ang lalaking ama ng kambal niya at ang lalaking minahal niya kahit sa maikling panahon na nakasama niya ito sa resort. Hindi sya makakilos sa sobrang pagkabigla.

"It's him!" Sigaw ng isip niya.

At mas lalo itong gumwapo. Napakurap sya at huli na dahil isang pulgada nalang at mahahalikan na sya nito. Sobrang bilis ng tibok ng puso nya. God! How can she missed this guy so much. Hindi parin nagbabago ang pabango nito. Nakakaakit sa ilong na mas lalong dumagdag sa kagwapuhan ng binata.

"V—Vince?" Tanging nasambit nya. Mas lalong napasmirk ito dahil nag-istammer sya. He bites her earlobe for God's sake! Andon pa rin ang kakaibang pakiramdam kapag seni-seduce siya ng lalaki. Mas lalo itong gumwapo. Nagririgudon na ang mga butterflies sa tiyan niya. Nag jejelly ace na rin ang mga tuhod niya sa sobrang excite at kabang nararamdaman niya ngayon. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ngayon ang unang lalaking nagpabuwag sa pihikan niyang puso. Ang unang lalakeng minahal niya sa maikling panahon.

"Surprise?" Nalalanghap nya na ang mabangong hininga nito. Nanlalambot ang mga tuhod nya. Buti nalang may konting lakas pa syang natitira para manatiling nakatayo. He doesn't changed! Mayabang parin at presko. Nananaginip ba sya? Kung pwedi pagising naman. Boss nya si Vince at ito ang may-ari ng company na puro lalaki ang employee. Arrggh!

Hinapit nito ang beywang niya at saka ngumisi ng nakakaluko. Pinasadahan ang kanyang mukha gamit ang hintuturo nito. Nakarehistro ang lungkot at saya at sa mga mata nito ngunit biglang naging blangko ang mga mata pinukol sa kanya.

Ibig sabihin siya yung lalaki na bitter parin dahil sa nangyari sa past niya. Nasaktan siya sa isipin na mahal parin ng binata yung ex-girlfriend nito. May parte sa kanya na nasasaktan siya dahil kahit kelan hindi siya mamahalin ng binata. Ito rin pala ang may-ari ng bitter na kumpanya na lalake lang ang emleyado. Napakaliit talaga ng mundo para pagtagpuin sila.

"Sana hindi nya nabasa ang PDS ko pero alam kong imposible yun dahil sya ang namimili ng empleyado nya!" Sambit ng isip niya.

"Y-yeah, h-hindi ko alam na ikaw pala ang—" hindi siya nito pinatapos sa pagsasalita.

"You didn't expected that I'm your boss." siya na ang tumapos ng dapat na sasabihin ko. Matiim siyang tumitig sa akin na halos matutunaw na ako sa kinatatayuan ko. Akala ko ba woman hater siya. Ba't ako ang napili niyang maging secretary.

When Womanhater meets Manhater (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon