CHAPTER 11

998 23 2
                                    

Lingid sa kaalaman nilang lahat.  Bago pa makasakay si Sam sa sasakyan nakita niya ang twins na kamukhang-kamukha ni Vince.  Mas lalo itong nag ngitngit sa galit ng malaman niya na nagkaroon din pala ito ng anak sa babaeng kinamumuhian niya.  Pero kasabay nun ang pag ngisi niya ng mala-demonyo.  Nilapitan niya ang kambal na kakababa lang sa school bus na lulan nito.

"Hindi ko alam na maswerte pa pala ako.  Akalain mo yun! meron pa pala silang pinaka-iingatan na pwedi nilang ikamatay." napangisi lalo sa isipan si Samantha.  Nakabuo siya ng plano na pweding maging kagimbal-gimbal kapag nasaksihan ni Vince at Mecey ang gagawin niyang plano.

"Hi mga bata! gusto nyo ng candy?" nagningning ang mga mata ni Zacey ng marinig ang sinambit ng dalaga.  

"Talaga po?" nanatili lang na nakatayo si Vincent at matamang tinitignan ang dalaga na ngayon niya lang nakita.  

"Oo, marami akong candy.  Nasa loob ng sasakyan.  Halika!" nilahad ni Sam ang kamay nito upang abutin ng maliit na kamay Zacey ng pigilan siya ng kambal niya.

"Are you stupid? We aren't allowed to talk to strangers.  Gusto mo bang isumbong kita kila Mommy at Daddy?  Stubborn as ever!" hinatak na niya si Zacey papasok habang nakanguso ito.  Hindi na nagpumilit si Zacey dahil ayaw niyang mapagalitan kaya wala siyang nagawa kundi ang magpatianod papasok ng bahay.

Napalatak si Sam dahil hindi siya nagtagumpay sa plano niyang makuha ang kambal na babae dahil sa pakikialam ng asungot nitong kapatid.  Pero marami pang susunod na bukas para pag planuhin ng mabuti ang mga hakbang na gagawin niya para mapakinabangan ang kambal na iyon.  Ang kambal siguro ang dahilan kung bakit ayaw siyang iwan ni Vince at isa ring dahilan kung bakit hindi na siya binalikan ng binata.  Napa halakhak sa isipan si Samantha ng mapagtanto ang mga posibleng dahilan kung bakit hindi siya pinili nito.  Kaya gagawin niya ang naaayon sa plano niya na masira ang pamilya ni Mecey just to bring Vince back kahit masagasaan pa ang mga taong pwedeng humadlang sa mga plano niya. 

"Sa tingin mo ba hindi na manggugulo si Sam sa'tin?" nakahiga sila ni Vince sa kama.  Alas 10 na ng gabi pero hindi magawang matulog ni Mecey sa pag-iisip kanina.  Posible kayang may gawing masama si Sam laban sa kanya.  Mas siniksik pa niya ang sarili niya sa dibdib ni Vince at niyakap niya ito ng mahigpit.  Napakabango nito at hindi siya magsasawa sa amoy ng binata.

Niyakap din siya pabalik ng binata at hinalikan ang noo niya.  "Hindi ko papayagan na saktan ka niya ulit.  Kapag ginawa niya ulit sayo yun mapipilitan akong ipakulong siya." Ayaw niyang umabot sa kulungan ang sitwasyon ngunit nag-aalala pa rin siya sa pweding mangyari.  Bakit ba lagi nalang siyang nagpapa-api sa mga tao na ni minsan wala namang ibang ginawa kundi ang pag-isipan siya ng masama.

"I love you, Vince." bulong ng dalaga kay Vince at pinikit na niya ang mga mata pero bago pa siya tangayin ng antok papunta sa kabilang mundo ng panaginip narinig niya ang sinambit ng binata dahilan para mapanatag siya.

"I love you too, Baby.  As long as you're with me hinding-hindi ko hahayaan na masaktan ka ninuman.  Good night."  Natulog siyang may ngiti sa labi. Bahala na ang mga susunod pa na araw.  Panatag siya na hindi siya masasaktan dahil may tiwala siya kay Vince.

Nagising siya sa sinag ng araw na hudyat na mataas na ang sikat ng liwanag ng araw na tumatama sa mukha niya.   Ngunit nanatili lang siyang nakapikit nang maramdaman niya ang mga maliliit na yabag ng kambal.  

"Mommy! wake up! wake up! Daddy told us that we are going to the beach today." ngumiti siya ng palihim habang niyuyugyog siya ni Zacey gamit ang maliliit na kamay nito.  Naka crossed-arms sa gilid ng kama sina Vincent at Vince.  Napangiti lalo siya ng makita kung gaano naiirita sa boses ang anak niyang si Vincent.  Wala ring reaksyon si Vince na matamang nakatitig sa kanya at kay Zacey.  May hawak na salbabedang duck si Zacey at nakasuot na rin ito ng swimsuit habang ang mag-ama ay naka summer get-up.  

"Yes, baby.  Maghihilamos lang si Mommy.  okay?" tumayo na siya at dire-diretsong pumasok ng banyo para maligo.  Umabot siya ng kalahating oras sa paglilinis sa katawan.  Kaya nang buksan niya ang pintuan nakita niya ang tatlong mukha na pare-pareho ang angle ng pagkakagusot.  Gusto niyang matawa sa reaksyon ng mag-aama. Iisa lang ang hulmahan ng mga mahal niya sa buhay.  It's find her cute.  Kaya hindi niya kailanman ipagpapalit sa anumang bagay ang meron siya ngayon.

"What took you so long?" tanong ni Vince na hindi pa rin maipinta ang mukha.  Lumapit ito sa kanya at kinuha ang towel para punasan ang basa niyang buhok.

"Tss. Girl things!" saad ni Vincent na ganun pa rin ang reaksyon.  Manang-mana talaga sa ama.

"Daddy! Mommy! Faster ! I'm so excited to see the beach!" sigaw ni Zacey na ngayon ay nakasuot na ang salbabida niya sa bewang nito.  Napangiti na lang siya sa iba't-ibang reaksyon ng mga kasama niya.

"Stubborn childish! Would you please shut your mouth up!" nag belat lang si Zacey at nagpakarga sa ama nito.  Kahit kelan talaga magkaibang-magkaiba ang ugali ng kambal.  Pero kahit ganun, mahal na mahal ni Vincent ang kambal niyang si Zacey kaya kahit sobrang naiirita siya sa kaingayan nito sinusungitan niya na lang.



When Womanhater meets Manhater (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon