CHAPTER 13

712 17 1
                                    

Limang buwan na ang nakalipas mula nang mangyari ang insidente sa pagitan nina Sam at Mecey.  Hindi na rin ito nagparamdam sa kabila ng pagbabanta nito sa kanya.  At sa loob ng limang buwan, nakumpirma niya na dinadala niya sa sinapupunan ang anak nila ni Vince.  Balak niyang surpresahin ang binata kaya nagluto siya ng hapunan.  Hindi mapagsidlan ang tuwa niya ng pumunta sila ng Bez niya kanina sa OB-gyne para magpacheck-up.  Hinain niya na ang tinolang manok at nilagay sa misa para pag-uwi ng tatlo sabay-sabay na silang kumain.

Umakyat siya ng kwarto para sana maligo ng tumunog ang cellphone niya.  Kinuha niya ito sa bulsa niya at nagtaka nang makumpirmang unknown ang tumatawag.  Nagdalawang-isip siya kung sasagutin niya ba ito o hindi pero sa huli mas pinili niyang pindutin ang green button.

"Hello? Sino 'to?" tanong niya.  Humalakhak naman ang ng boses babae sa kabilang linya kaya mas lalo siyang kinabahan. 

[Makinig ka Mecey----]pinutol niya ang anumang sasabihin nito sapagkat naiirita na siya sa kakatawa nito.

"Sino ka ba talaga? kung wala kang matinong sasabihin ibaba----" angil niya sa kausap niya.

[Ops! wag masyadong mainit ang ulo.  Kapag binaba mo ang telepono baka pagsisihan mo ang bagay na ito.] Mas lalo siyang kinabahan ng mabosesan niya ang babae sa kabilang linya.  Hindi maaari. Paano nya nakuha ang number na'to.

"S--Samantha?" 

[Bingo! ngayon makinig ka---] she cuts her words again.

"At sino ka para utusan ako na makinig sa walang kwenta mong---" naputol ang anumang sasabihin nito nang marinig niya ang sinabi nito.

[Napakaganda pala ng mga anak mo. Paano kaya kung isa sa kanila ang patayin ko. Ang gaganda ng ngiti nila habang naglalaro sa playground.] utas nito.  Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng marinig niya ito.  Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may masamang mangyari sa kambal niya.

"Wag na wag mo silang gagalawin kung hindi----" 

[Kung hindi ano? Grabe! natatakot ako. Hahaha!]

"Ano bang kailangan mo sa'min ha! Patahimikin mo na kami!" sigaw nito.  Hawak-hawak niya ang bibig para pigilan ang kumakawalang impit ng iyak niya.

[Makinig ka! Hindi ikaw ang kailangan ko. Si Vince ang kailangan ko kaya para manatiling buhay ang mga anak mo hiwalayan mo si Vince.  Don lang ako titigil kapag wala ka na sa buhay niya! Naiintindihan mo? Kung hindi, alam mo na ang pwedeng mangyari sa mga anak mo kapag hindi mo ako sinunod.] Nabitawan niya ang cellphone at nahulog ito sa lapag.  Dali-dali siyang pumunta sa kwarto at umiyak ng umiyak.  Hindi niya kayang hiwalayan si Vince pero mas lalong ayaw niyang may mangyaring masama sa kambal kapag naging selfish siya.  

Halos mugto ang mata niya kakaiyak. Kahit masakit mas gugustuhin niyang mailigtas ang kambal sa kamay ni Sam.  Mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga mata at saka kinuha ang susi ng kotse.  Pinasibad niya ito papunta sa paaralan ng kambal.  

Nakita nga niya ang twins na masayang naglalaro sa playground.  Patakbo siyang nagtungo doon habang nag uunahan ang mga luha sa mga mata.  

"Mommy!" salubong ni Zacey kasabay ng pagbaba nito sa swing.  Niyakap niya ito ng mahigpit pagkatapos nilapitan si Vincent na halatang nagtataka dahil lumuluhang niyakap sila ng Mommy nila.

"Where are your things? We need to leave. Are you okay? Were you hurt?" Mecey asked anxiously as she checked the twins carefully.

"What's wrong, Mom? Is something bothering you?" Vincent couldn't help but worry about his mother's behavior. Mecey kissed the twins and then grabbed their things near the tree.

When Womanhater meets Manhater (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon