CHAPTER 16

773 20 0
                                    

CHAPTER 16

"Daddy! it's you! Nandito ka ba para makita ang mga babies ni Mommy?" sambit ni Zacey habang nakayakap pa rin sa kanya.  Humiwalay ito sa pagkakayakap at isa-isang hinalikan ang mukha niya.  Nalilito siya sa sinabi ng anak niya.  Anong babies? 

"P--Princess, Oh God! where's your mom? I wanna see her.  Si kuya Vincent mo?" kinuha ni Zacey ang kamay niya at hinila papunta sa isang kwarto na natatabingan lang ng kurtina.  Hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita niya.  Hindi niya akalain na makikita niya dito ang kambal.

"Daddy! lumabas po si Mommy para bumili ng pagkain.  Iniwan niya po muna kami dito para hintayin yung..ay! nakalimutan ko na daddy!" palatak ni Zacey habang nakapangalumbaba at halatang iniisip kung ano ang nakalimutan niya.

Nakita niya si Vincent na nakatitig sa isang litrato.  Hindi nito napansin ang paglapit nila mababakas din sa mukha nito ang kagalakan habang nakatitig sa kung isang litrato.

"Kuya Vincent, andito na si Daddy!"  napalingon ng diretso si Vincent niya at hindi makapaniwala sa nakita na nasa harapan niya ngayon.  Mabilis itong lumapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap na hindi maikakailang na miss siya ito.  Napaluha rin si Vince habang yakap-yakap niya ito.  Hindi mapagsidlan ang tuwa niya ng mayakap ang mga anak niya na matagal niya ring hindi nakita.  Humiwalay sa pagkakayakap sa kanya si Vincent at sumimangot.

"I know! The picture of the bouncing baby boys!" Zacey exclaimed, surprised that he didn't get what she was referring to.

"Why took you so long? Don't you know that Mom cries every night? You're not even bothering to check if she's okay or not. She got pregnant with two bouncing little boys," she said, pouting before showing him the photo she was looking at earlier. He couldn't move or speak in his current position, just staring at the picture while still processing the news. He's going to be a dad again! For real! He froze in his spot when he heard the voice he hadn't heard in a long time. Suddenly, his heart started to beat fast, and he forgot why he was left behind. His heart was filled with joy because he finally found his family, and there was an unexpected surprise he didn't anticipate.

"Twins! andito na si Mommy!" sigaw nito sa di-kalayuan.  

Dahan-dahan siyang lumingon na halatang-halata ang pagkasabik niya sa dalaga.  Napadako ang tingin niya sa maumbok na tiyan ni Mecey at nanatili siyang nakatitig don ng ilang segundo.  Pagkatapos umangat siya ng tingin at nagtama ang mga mata nila.  Nakaawang pa ng konti ang bibig ni Mecey nang makita siya nito. 

Halos mabitawan ng dalaga ang bitbit niyang pagkain nang makita niya si Vince na nakaupo.  Hindi siya makahuma habang nakaawang ng konti ang bibig niya.  Nakangiti rin ang kambal ng makita ang dalaga kasabay ng pag-abot nito ng kamay sa Mommy nila para palapitin kay Vince na hawak din ni Vincent.  Nakatingala ang twins habang hindi mapuknit ang ngiti sa labi sa pagtatagpo nilang magpamilya.

~~~ 

Nasa aplaya sila ngayon ni Vince.  Ilang minuto na rin silang  nagkakatitigan ngunit walang sinuman sa kanila ang naglakas ng loob para magsalita.  Pareho silang naghihintayan.  Kinakabahan siya sa presensya ni Vince ngunit nanatili lang siyang kalmado para hindi siya mahalata na kinakabahan siya.  Daig pa kasi niya ang isang teenager na nanginginig ang tuhod para ihanda ang mga sasabihin sa binata.  Hindi niya alam na magiging miserable ang buhay ni Vince kapag nawala siya sa piling nito.  Halata rin ang mga eye bags nito sa gilid ng mata na tanda ng walang maayos na tulog.  Mahaba na rin ang buhok nito gayunpaman hindi maitatwa na gwapo parin ito.  Niyakap niya ang sarili dahil sa lamig na bumabalot sa buong sistema niya idagdag pa ang presensya ni Vince na mataman lang na nakatitig sa kanya.  Lumapit sa kanya ang binata at saka hinubad ang coat nito para isuot sa kanya.

When Womanhater meets Manhater (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon