CHAPTER 15

684 17 0
                                    

CHAPTER 15

Ihahabilin niya sana kay Tiyo Ben niya ang kambal na maiwan muna saglit ngunit nagpumilit ito na sasama sa bayan. Gusto daw nilang makita ang baby sa sinapupunan niya kaya wala siyang nagawa kundi ang isama ito. Sinuot niya ang bagong bili niyang maternity dress na kulay puti at saka hinayaan nakalugay ang abot bewang niyang buhok. Pagkatapos niyang mag-ayos kinuha niya ang susi sa bag at lumabas ng bahay habang nag-iintay sa kanya ang kambal.

Napangiti na lang siya sa kabibuhan ni Zacey na halatang excited na makita ang baby. Ganundin ni Vincent na hindi pinapahalatang masaya siya ngunit ang totoo mas excited pa siya kay Zacey na masilayan ang nakakabatang kapatid nila.

Nagpaalam na siya kay Tiyo Ben at sinumalang paandarin ang kotse palabas ng baryong Ignacia. Makitid ang daan na tinatahak nila at tanging kotse niya lang ang pweding magkasya sa lubak na daan na dinadaanan nila. Sa kanang bahagi ay makikita ang malawak na pataniman ng palay at abalang-abala ang magsasaka sa pagtatanim ng palay. May ilan pa dito na kumaway sa kanila gamit ang sumbrerong yari sa anahaw. Malugod itong kinawayan ng kambal habang nagtitili sa kagalakan.

"Wow! That was amazing," Zacey exclaimed as she leaned halfway out of the window to admire the beautiful view.

Nakarating sila ng maayos sa bayan ngunit bago sila pumunta sa clinic dumaan muna sila sa Mall para bilhan ng mga damit ang kambal. Wala kasi siyang dalang extrang damit nung umalis siya ng Mansion.

Hinawakan niya sa magkabilang kamay ang twins para hindi ito mawala. May kaliitan ang mall kumpara sa MOA ngunit tama na rin para sa mga gustong mamasyal at maglibot sa Mall tuwing weekends.

"Mommy! gusto ko po nun!" turo ni Zacey sa candy store na may tindang gummy worms, gummy whale and gummy butterflies. Pinandilatan niya ito sapagkat masama ang pagkain ng candy lalo na at matatamis. Ngunit nag puppy dog eyes ito kaya hindi niya natanggihan.

"Okay, pero ngayon lang 'to ha. Dahil baka masira yang teeth mo. Gusto mo ba yun?" umiling lang si Zacey. Hindi niya namalayan na wala na sa tabi niya si Vincent. Kinabahan siya nang hindi niya ito nakita sa paligid.

"Nakita mo ba ang kambal mo?" umiling lang si Zacey habang kumakain ng gummy worms. Hinawakan niya ang kamay ni Zacey at nagsimulang maglakad para hanapin si Vincent. Malaki ang mall at hindi niya alam kung saan hahagilapin si Vincent lalo pa hindi nito masyadong kabisado ang lugar.

~~~

Pagkatapos niyang makausap si Bea dali-dali niyang pinasibad ang kotse niya papuntang Brgy. Ignacia. Hindi na siya makapag-antay na makita ang mag-iina. Nalaman niya na tumawag si Mecey sa kanyang ina noong isang araw na nasa probinsya ito at ang kambal kaya sinabi kaagad sa kanya ni Bea kahit na ayaw ipaalam ng Ina nito ang kinaroroonan ng dalaga.

Papunta siya ng baryo para hanapin ang mag-iina niya matapos siyang pumunta sa munting bahay ngunit hindi niya naabutan doon ang mag-iina ang Tiyo Ben lang ni Mecey ang naabutan niya. Magpapacheck-up daw ito at hindi niya alam kung bakit magpapacheck-up si Mecey hindi kasi sinabi sa kanya ang dahilan kung bakit pupunta ng clinic ang dalaga. May sakit ba ito? Kaya ba siya iniwan dahil may nararamdaman itong sakit at ayaw nitong pabigat sa kanya. Isa yun sa posibleng dahilan na naisip niya kung bakit siya iniwan ng dalaga ngunit kahit anong dahilan pa yan gusto niya pa ring malaman kung bakit ito umalis?

He stopped the car at the mall's parking lot to eat at a restaurant. It had been two days since he ate. His hair and beard were still long, but he didn't pay attention to them. He just put on shades and went into the mall. He started to feel hungry, and also tired and dizzy, but he ignored it. He continued walking, but his vision started to blur. His senses began to ache, and he tried to open his eyes, but his vision was still blurry. He held onto his senses, which started to hurt. He forced himself to open his eyes, but his vision was still blurry. He slowly fell down, and everything went black. However, before he lost consciousness, he heard a familiar voice that he would never forget.

"Vincent! I've been looking for you! Come over here."

~~~

Halos mapagod na siya kakahanap kay Vincent ngunit hindi niya ito makita. Nakita nya ang mga nagkukumpulang mga tao at may pinagkakaguluhan. Lalapit na sana siya dito para tignan kung anong nangyayari nang makita niya si Vincent na nakatitig sa TV screen na naglalaman ng litrato nilang mag-iina na palabas sa TV. Sinasabi don na kung sino man ang makakita o makahanap sa nasabing litrato ay makakatanggap ng limang milyong pabuya. Agad niyang hinawakan ang kamay ni Vincent at saka huminga siya ng malalim.

"Vincent! kanina pa kita hinahanap! Halika nga rito." pag-aalalang tanong niya dito. Lumayo sila doon para makaiwas sa pweding makakilala sa kanila. Dumiretso siya sa department store para bumili nang shades nilang tatlo at pati na rin ng mga damit. Saka mabilis na nilisan ang mall.

Halos magtatalon sa tuwa ang kambal ng makita nila sa screen ang kanilang nakakabatang kapatid. Nakakatuwang isipin na isang malusog  na kambal na naman ang pinagbubuntis niya.  Parehas na lalaki ang gender nito kaya napaluha nalang siya habang pinapakinggan ang malakas  na tibok ng puso ng twins niya.  Sinong mag-aakala na kambal na naman ang pinagbubuntis niya.  Kung sana andito lang si Vince paniguradong matutuwa ito kapag nalaman niyang kambal na naman ang magiging anak nila.  Kumusta na kaya siya?

"Ang ganda-ganda ng  mga anak mo Mrs. Lim.  Bihira lang sa isang pamilya ang manganak ng magkasunod na kambal.  Kailangan mo rin nang konting ehersisyo sa katawan para hindi ka mahirapang manganak sa kabuwanan mo.  Wag mo ring hahayaang ma stress ang sarili mo at baka makakasama ito sa mga anak mo.  Ito ang mga vitamins na iinumin mo para kumapit ng husto ang twins sa sinapupunan mo" payo ni Dra. Reyes sakin habang nakangiti ng matamis.

"Kuya Vincent, kamukhang-kamukha mo yung nasa kaliwang baby at kamukha ko rin yung nasa kanang baby boy. " lumapit pa ito sa screen at inilapit ang nguso nito para halikan ang twins.  Tuwang-tuwa naman ang Doktora sa inakto ni Zacey.  Nagpatianod na rin si Vincent at ginaya ang ginawa ng kambal niya.

"Mom, thank you for making me feel this way. I am really excited to see my younger siblings, even if you and Dad are not okay. But it would be happier if he was here. We know that Old Man has been wishing for you to have a baby for a long time. If only he could see these precious gifts," Vincent said, making Mecey look at him with tears in her eyes. She hugged and kissed him on the forehead. She couldn't deny that he was mature for his age.

"V-Vincent baby, of course your Dad will be happy if he sees another set of twins," Mecey said with a small smile as Vincent hugged her.


Minulat ni Vince ang mga mata niya  at puro puting kulay ang nabungaran nito.  Nagtaka siya kung nasaan siya ngunit nabungaran niya ang isang doctor na natitig sa kanya.  Chineck ulit nito ang vital signs nya at nang masuri na okay na siya saka ito nag wika;

"Magpahinga ka muna.  Okay naman ang mga vital signs mo.  Masyado ka lang na stress nitong huling araw kaya ka nawalan ng malay.  If you'll excuse me may mga pasyente pa akong pupuntahan." ngumiti ito sa kanya at saka umalis.  Sinipat niya ang sarili niya at isa-isang tinanggal ang mga nakakabit sa katawan niya.  Hinubad niya rin ang hospital gown at saka mabilis na lumabas nang kwarto.  

Sa kakalingon niya para hindi siya makita ng doktor na tumatakas nabangga niya ang babaeng buntis kaya ito natumba.  Sa kamalas-malasan, binuhat niya ito papunta sa OB-gyne para matignan kung ayos lang ba ito o hindi.

Nawalan kasi ito ng malay nang magkabanggaan sila.  Sinipat niya ang hitsura nito at halatang namumutla ang mga labi nito.  Nangangalumata rin ang mata nito pero di maipagkakailang maganda ito.  

"Damn! Nurse, saan ba banda ang Ob-gyne dito?" tinuro ng nurse ang hinahanap niya at mabilis na pumasok sa loob.  

"Doc, please help her survive! I don't know why she passed out!" he shouted frantically inside the office of Dr. Reyes. He couldn't sit still because he still had somewhere to go. He needed to find his partner and their children. He was afraid that if the woman knew he was in town, she would run away again.

"Daddy?!" napalingon siya sa batang babae na tumawag sa kanya.  Nanaginip ba siya? Hindi niya pinansin ang batang tumatawag sa kanya dahil baka nag hallucinate na naman siya.  Kinulbit siya nito at saka dinamba siya ng yakap.  



When Womanhater meets Manhater (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon