CHAPTER 14
Napadaing sa sakit ng magmulat siya ng mga mata. Akala niya kapag natulog siya mawawala ang lahat ng sakit na namamahay sa kanyang dibdib. Pinilit niyang bumangon at naupo sa ibabaw ng kama. Halos hindi na masabing kwarto ang master bedroom sa sobrang nakakalat na basilyo ng bote ng beer at mga upos ng sigarilyo na nakakalat sa apat na sulok ng kwarto. Ngumiti siya ng mapait at pilit na ninamnam ang mga ala-ala sa piling ni Mecey.
*FLASHBACK*
"Mecey Baby, kailan kaya magkakalaman yan?" turo niya sa tiyan ni Mecey habang nakadapa sa kama at hinihimas ng palad ang tiyan na wala pang laman na baby. Ngumiti lang si Mecey at binatukan ang pilyong si Vince.
"Tumigil ka nga diyan! Gusto mo lang maka-score e." lumayo siya sa tiyan ng dalaga at nagpantay ang paningin nila. Seryoso siya na magkaroon ulit ng baby dahil gusto niyang maranasan ang maging ama ulit. Mahal na mahal niya ang dalaga. Hindi niya ata kayang mabuhay kapag nawala ito. Tinitigan niya ito ng buong pagmamahal at saka maliliit niyang hinalikan ang buong mukha nito. Napakaganda ng dalaga at wala ng makakapantay pa sa kagandahang nakikita niya ngayon. Ito ang pangarap niyang makasama habang buhay at wala ng iba.
"I'm deadly serious, Baby. Lagyan na natin." at pagkatapos nyon, siniil niya ng halik ang labi ng dalaga kasabay ng malakas na pagtibok ng puso nya.
*END OF FLASHBACK*
Ngumiti siya ng mapait at nagsimula na namang tumulo ang luha niya.
"This is so gay!" Nagtungo siya sa banyo at tumambad ang sarili niya sa salamin. Pinagmasdan niya ng mabuti ang mukha niya. Mahaba na ang buhok niya at natatakpan na ang mga mata nito dahil sa bangs na nagsimula na ring humaba. Nagsisimula na ring kumapal ang balbas na hindi niya magawang ahitin. Napamura siya at malakas na sinuntok ang salamin nagdudugo ang mga kamao niya dahil sa mga bubog na bumaon sa kamay niya. Binuksan niya ang shower at tahimik na umiyak habang inaalala ang araw kung kailan nadurog ang puso niya.
*FLASHBACK*
Dali-dali niyang niligpit ang mga papeles at nilagay sa attache' case saka mabilis na nilisan ang opisina. 5th monthsary nila bilang mag couple at ito rin yung araw na magpo propose siya sa dalaga. Gusto na niyang pakasalan ang dalaga at makasama ito habang buhay. Bago umuwi ng bahay, dumiretso muna siya sa flower shop para bumili ng isang bouquet na bulaklak. Mabilis niyang pinasibad ang kotse at hindi na nag-abalang tawagan ang dalaga dahil sabik na siyang makita ito.
Pinarada niya ang kotse sa garage at mabilis niyang binuksan ang pintuan nito. Huminga muna siya ng malalim at ngumiti ng matamis. He can't wait to see her wife! Maingat siyang pumasok sa loob ng bahay para hindi siya marinig ng asawa. Hindi niya rin binuksan ang ilaw tsaka agad -agad na tumungo sa kwarto kung saan ang master bedroom nilang dalawa. Binuksan niya ang pintuan at madilim ang kwarto. Napangiti siya sa isipan na baka nakatulog sa pag-aantay ang dalaga sa kanya. Dahil sa ilaw ng poste sa labas na tumatama sa kwarto napansin niyang wala ang dalaga sa kama. Binuksan niya ng ang ilaw at nagkalat ang liwanag sa buong kwarto ngunit malinis at walang gusot ang kama at hindi man lang ito nahigaan. Binuksan niya ang banyo ngunit wala doon ang dalaga. Bumaba na rin siya sa kusina at nagbabakasakali na madadatnan niya doon pero wala rin. Kinakabahan na siya, huli niyang binuksan ang kwarto ng kambal ngunit nanlumo siya na wala doon ang twins. Naibagsak niya ang bouquet na bulaklak at saka mabilis na hinanap ang katulong.
"Manang, buksan nyo po ang pinto!" sunud-sunod niyang katok sa pintuan ng kwarto ng katulong. Ilang segundo rin binuksan ito ng katulong na pupungas-pungas pa dala ng kaantukan. Parang nagising ito nang mabungaran ang binata na napakaseryuso ng mukha.
BINABASA MO ANG
When Womanhater meets Manhater (Completed)
RomanceMecey's father passed away early, so she became the breadwinner for their family. She became a man-hater because she believed that men were just obstacles to her dreams. She became a scholar at Park University, a school for the wealthy, to study cul...