CHAPTER 5
FOUR YEARS AFTER!
Ang dating part-time nya sa pagiging model sa beauty products ay naging regular dahil sa pagtangkilik ng mga costumers sa kanilang products kaya mabintang-mabinta ito sa lahat ng pamilihan at mall. Meron na ring mga ineexport sa ibang bansa kaya mas lalong naging paborito sya ng kanilang manager sa pagmomodel. Natalbugan na nga nya ang dating sikat na model na si Samantha Lee. Nagtapos rin sya bilang isang secretary dahil huminto sya sa pagkuha ng culinary arts dahil sa kadahilanang nabuntis sya kaya kailangan nyang huminto dahil maselan ang pagbubuntis nya at hindi nya kayang tustusan ang pagpapaaral sa sarili niya dahil medyo kinakapos na siya sa panggastos sa pang araw-araw. Pansamantala siyang tumigil sa pag momodel dahil lumalaki na ang tiyan niya.
Kaya kumuha siya ng ibang kursong secretarial. Dalawang taon lang ang secretarial kaya natapos niya ito nung magtatlong taon ang twins. Lalaki at babae ang kambal niya at kamukhang-kamukha ng ama nito si Vincent na isinunod nya sa pangalan ng ama. Kahit ang mga pangalan nito at apelyido ay sinunod din nya sa ama nito. Hindi man nila nakilala ang ama nito ay binigyan naman niya ng pangalan ang dalawang munting anghel niya sa apelyido ni Vince. Ang dating barung-barong nila sa tondo ay napalitan ng isang condominium unit. Nasa 34th floor building ang condong nabili nya. Kasama niya sa tinitirhan nyang condo ang Inay niya at ang twins na sina Vincent at Zacey Mae. Nagbunga ang unang gabing pinagsaluhan nila ni Vince sa resort na iyon. Kaya masayang-masaya siya nung mga panahong makumpirma niyang buntis siya at ang ama ay si Vince. May bahid na lungkot ang nararamdaman niya ngunit sa kabilang banda nagpasalamat nalang siya sapagkat may naiwan ang binata ng ala-alang habang-buhay niyang makakasama at yun ay ang nasa sinapupunan niya. Nag attempt siya na alamin kung andon pa sa resort si Vince para sabihin dito na buntis siya pero ang sabi ng Bez nya nakabalik na ito ng ibang bansa. Hindi rin alam ng Bez niya na nabuntis siya dahil huminto na siya sa pag-aaral. Gusto man niyang ipagtapat dito ang katotohanan mas pinili niyang magtago upang hindi na mamroblema ang Bez niya sa kinakaharap niya ngayon.
Nasa tapat siya ngayon ng napakataas na building at dito niya balak mag-umpisa bilang secretary. Napapantastikuhan siya dahil maraming nagsasabi na lahat ng employee sa kompanyang ito ay mga lalaki. Kaya kahit 0.0001% ang posibilidad na tanggapin siya sa nasabing company ay nagsubmit parin sya ng resume at kahapon nga tumawag sa landline nila na tanggap na raw siya bilang isang secretary at bukas ang umpisa niya. Halos hindi magkamayaw ang saya niya ng matanggap siya bilang secretary ng CEO ng company.
Nahalikan niya rin ang kambal sa tuwa nang matanggap siya. Kaya lalo siyang hindi naniwala na mga lalaki lang ang kinukuha ng kompanyang papasukan nya kahit pa sabihing lalaki ang nag inform sa kanya na hired na sya. Anong company ba ang merong lalaki lang ang pweding tanggapin? Eh mas may kapasidad din ang mga babae pagdating sa opisina. Kung kaya ng mga lalaki kaya rin naming mga babae. Inayos nya ang blouse nya at ibinaba ng konti ang skirt nya na lampas tuhod. Lumakad na sya papasok ng building ngunit hinarang sya ng guard na sa tantiya nya ay nasa mid 30's palang ito. May hitsura ang guard ngunit hindi ito kasinggwapo ng ama ng twins nya. Ipinilig nya ang ulo.
'Hindi ko dapat iniisip ang lalaking yun, andito ako para magtrabaho hindi para isipin sya'.
Nagpabalik sa realidad nya ang guard na kanina pa nagsasalita at ngayon ay nakakunot na ang noo.
"Maam?"
"Ha?" Napakamot ito sa batok nya.
"Ang sabi ko po bawal po kayo pumasok. Mahigpit pong ipinagbabawal ni Sir Lim na bawal ang sinumang babaeng pumasok sa building na ito. Kung may appointment man po kayo sa CEO ng kompanyamg ito ay magpagawa nalang kayo ng appointment letter at ako ang maghahahatid sa head of company. Sorry po Maam." napatanga sya sa sinabi ng guard. Ano bang klaseng kompanya ito? Bakit bawal ang babae sa building na ito? At Lim ang apelyido ng CEO, imposible kayang si— pero maraming Lim sa Pilipinas at imposibleng sya yun dahil nasa ibang bansa iyon ngayon.
BINABASA MO ANG
When Womanhater meets Manhater (Completed)
RomanceMecey's father passed away early, so she became the breadwinner for their family. She became a man-hater because she believed that men were just obstacles to her dreams. She became a scholar at Park University, a school for the wealthy, to study cul...