CHAPTER 6
Niyaya nalang niya ang kambal para mag mall. Wala naman kasi syang pasok ngayong araw dahil nga maaga syang pinauwi ng boss nya. Ang bait nga e, dahil hindi man lang sya sinisante nang mahuli sya nitong nakikipagchikahan sa phone.
"Mommy! I want to eat cornetto ice cream. Let's go to the ice cream parlor!" nag-puppy eyes si Zacey sa kanya habang nakanguso kaya paano ba nya ito matatanggihan kung ganito ka-cute ang baby nya. Ngumiti sya at tumango na ikinasiya nito.
Nanatili lang na hindi umiimik si Vincent. Naiirita ito sa pagiging maingay ng kapatid nya. Kaya naka straight-faced lang ito at madalang kung magsalita.
"Zacey! Stop being stubborn and childish! Mom, doesn't have enough money to buy that ice cream of yours! Grow up! She's tired from her work at kung kaya ko lang magwork para hindi na magwork si Mom.... Tsk! I want to grow faster." Napatanga sya sa sinabi ni Vincent.
Halos maluha-luha sya sa sinabi ng anak nya. Sa edad na three years old mulat na ito sa katotohanan. Siguro namana ni Vincent ang katalinuhan sa ama nito. Hindi nya masabi kung anong ugali ang namana ng kambal nya dahil hindi nya lubusang nakilala ng mabuti ang ama ng kambal.
"Stop crying Mom! Let me wipe your tears." dagdag nito at hinalikan ang mga luha sa mga mata nya. Lumapit sa kanila si Zacey na hindi parin nauubos ang cornetto na hawak nito.
"Me too, I want to wipe your tears Mommy....by kissing you like this." at pinupog na sya ng halik ni Zacey sa mukha. Hinalikan nya rin ito at kiniliti. Napuno ng ice cream ang mukha niya. Napakaswerte nya sa kambal dahil binigay ito sa kanya. Kaya nagpapasalamat sya kay Vince dahil binigyan sya nito ng mapagmahal na mga anak.
'Kung andito kalang.'
Lingid sa kaalaman nya, napalayo sa kanya si Vincent dahil nacurious ang batang lalaki nang makita nya ang kamukha nyang lalaki na nakablack suit.
"Where's your Kuya Vincent, Baby?" Tarantang tanong nya sa anak nya.
"I don't know Mommy?" Nagshrug lang ito ng balikat at saka sya tumayo at hinigpitan ang hawak sa kamay ni Zacey habang nagpapalinga-linga sya sa buong paligid. Nagsisimula na syang mag-alala ng wala sa paligid si Vincent.
~~~
Gustong makipag lunch meeting ni Mr. Yu sa mall. Kaya kahit na papantastikuhan ay hindi na sya nagtanong pa. Habang nasa kotse sya hindi nya maiwasang isipin ang unang tagpo nila ng bago nyang sekretarya sa loob ng opisina nya. Gusto nya itong yakapin at hagkan ng mabungaran nya ito sa loob ng opisina ngunit natigilan sya ng may kausap ito sa cellphone nito at halatang inspired ito sa kung sinumang kausap nito sa cellphone.
Nakaramdam sya ng matinding selos na may ibang nakakapag pangiti kay Mecey at hindi man lang sya napansin nito na nakapasok na sya ng opisina. Pero ang sabi naman nito hindi nya boyfriend ang kausap nya kanina sa cellphone. Napilig nya ang ulo nya. Simula kasi nang may mangyari sa kanila ng dalaga sa resort four years ago hindi nya na ito nakalimutan. Ipinagtanong nya ito sa pinsan nyang si Bea pero ang sabi hindi na sila masyadong nagkikita dahil hindi na ipinagpatuloy ng dalaga ang pagkuha ng culinary arts.
Araw-araw tinatawagan nya si Bea at nagbabakasakali kung tumawag ito sa pinsan nya ngunit hindi na raw nito makontak ang number ng bestfriend nya. Kaya nagpasya muna syang bumalik sa Switzerland para asikasuhin ang naiwang trabaho. Ngunit tumagal sya ng dalawang taon sa ibang bansa dahil nagkaproblema ang company nila. Nagkaroon ng sabotage ang company nya na ang mastermind ay karibal nila sa field of business. After the incident, umuwi sya ng Pilipinas at kumuha ng Private Investigator para hanapin ang dalaga.
BINABASA MO ANG
When Womanhater meets Manhater (Completed)
RomanceMecey's father passed away early, so she became the breadwinner for their family. She became a man-hater because she believed that men were just obstacles to her dreams. She became a scholar at Park University, a school for the wealthy, to study cul...