CHAPTER 19
Nagising siya agad nang bigla siyang hinila ng lalaki na kasakukuyang nakasuot ng itim na bonet. Tago ang buong mukha nito at tanging mga mata lang ang nakalabas. Ngunit nakilala niya ito nang magsimula itong magsalita. Si Aaron. Napansin niya ang baril nito na nakasuksok sa kaliwang beywang kung saan siya nakapwesto.
"Andyan na ang asawa mo! Subukan mo lang mag-ingay hindi ako magdadalawang isip na patayin ka." Banta nito sa kanya. As if naman matatakot siya ngayong alam na niya kung gaano ito kasama. Magsama sila ni Samantha sa empyernong pinanggalingan nila. Don kasi sila nababagay Maiitim ang budhi. Hindi nalang siya sumagot at nagpatianod palabas ng kwarto.
Nakita niya sa di-kalayuan si Vince dala ang bag na may lamang pera. Hindi mababakas dito ang takot. Rumihestro ang pag-aalala nito sa mukha ng makita siyang nakagapos. Lalapit sana ito sa kinaroroonan niya ngunit sumigaw si John na ikinatigil ng hakbang niya.
"Hanggang diyan ka lang!"
"Paano ako makakasiguro na papalayain mo ang asawa ko! Bitawan mo siya at bibitawan ko rin ang perang 'to!" sigaw ni Vince. Kinalat niya ang paningin sa paligid at nakita niya si Sam sa gilid habang patagong nakatutok sa kanya ang baril.
"Alam mo na ang gagawin mo?" bulong sa kanya ni John. Binitawan siya nito ngunit alam niyang papatayin siya ng mga to! Kaya mabilis niyang binunot ang baril na nasa tagiliran ni John at tinutok ito sa kanya.
"Mecey! Baby!" nag-aalalang sigaw ni Vince sa kanya.
"Bitawan mo yang baril!" Tiim-bagang na saad ni John. Nanggagalaiti na rin sa galit si Sam na nanatiling nakatago habang nakatutok sa kanya ang baril.
"Hindi! Magkamatayan na tayo pero hindi ko bibitawan 'to! Alam kong mamamatay din naman ako kaya bakit hindi ko pa kayo unahan!" nanggigigil siya habang madiing hawak ang baril na nakatutok sa ulo ni John. Nakatutok rin sa kanya ang baril ng dalawang lalaki na kasamahan ni John.
"Lumabas ka Samantha sa pinagtataguan mo! Wag mong itago ang tunay mong anyo, demonya ka! Kung sakali man na magtagumpay ka sa plano mo hinding-hindi ka parin magiging masaya! Tayo ang magtuos!" binitawan niya ang gatilyo at pinaputukan sa kinaroroonan ng dalaga kaya napilitan itong lumabas.
"Inuubos mo talaga ang pasensya ko! Haliparot ka!" sigaw ni Sam habang nakatutok parin ang baril sa kanya. Hindi rin makapaniwala si Vince sa nalamang rebelasyon. Tumakbo sa kinaroroonan niya si Vince na halatang-halata ang galit sa mukha.
"Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito Sam? Ganun kana ba kadisperada na makuha lahat ng pera ko para diyan sa walang kwenta mong luho! Walang kasalanan sa'yo si Mecey! Ba't kailangan mo pang mandamay ng ibang tao para sa pagiging ganid mo sa pera ha! Ito! Sayo na lahat yan! At wag kanang magpakita pa samin kahit kailan!" tinapon ni Vince ang bag sa kinaroroonan ni Samantha ngunit lalo lang itong nagalit. Halos kulay kamatis na ito sa pula habang nagsisimulang umiyak.
"Sa tingin mo ba pera mo lang ang habol ko sayo? Zach! Mahal kita at hindi ko matatanggap na ang loser na babaeng yan ang makakatalo sa puso mo! Akin ka lang!" mas diniinan nito ang baril. Lumabas na rin ang mga pulis na nakasunod kay Vince. Napapalibutan na sila ng mga pulis. Nataranta naman si Aaron kaya marahas na inagaw ang baril kay Mecey para gawin siyang pamain ngunit hindi ito nagtagumpay at nakalabit ni Mecey ang gatilyo kaya natamaan ito sa tiyan. Napaawang ang bibig niya sa maraming dugong tumakas sa tiyan nito kaya napayakap siya kay Vince.
"Bitawan mo na ang baril mo Sam. Napapalibutan kana ng mga pulis. Wala ring saysay kung ipipilit mo ang gusto mo. Si Mecey lang ang mahal ko at mamahalin ko habang buhay. Hindi ako ang lalaking magbibigay sayo ng masayang buhay." pangungumbinse ni Vince kay Sam ngunit mariin lang itong umiling.
"Papatayin ko muna ang babaeng yan bago ka mapunta sa kanya! Oo pinagsisihan ko lahat ng ginawa ko at ang pagtalikod ko sayo. Pero matagal ko ng pinagsisihan yun. Please Zach, bumalik kana sakin. Mahal na mahal parin kita. Bubuhayin ko tong babaeng 'to! Basta sumama ka lang sa'kin. Magpakalayu-layo tayo." Nanginginig ang kamay nito habang nakatutok parin kay Mecey ang baril.
"Patahimikin mo na kam----" pinutol nito ang sasabihin ni Mecey.
"Manahimik ka! Hindi kita kinakausap! Kung hindi ka sana dumating sa buhay niya di sana masaya na kami ngayon! Kung hindi lang naman siya mapupunta sakin mabuti pang patayin nalang kita!" kinalabit nito ang gatilyo ngunit bago tumama sa dibdib ni Mecey mabilis na bumangon si Aaron para isalag ang balang tatama kay Mecey. Bumulagta ito sa damuhan habang habol ang hininga. Sumusuka na rin ito ng dugo. Mabilis naming pinaputukan ng mga pulis si Sam at ngayon ay naliligo ng dugo. Dead on the spot si Sam sa tama ng bala na bumaon sa noo nito. Napahikbi naman si Mecey dahil sa takot.
"John! Bakit mo ginawa yun? Akala ko ba kaaway kita!" hinawakan ni John ang kamay ni Mecey habang hinahabol nito ang paghinga.
"A---Alam kong *cough* *cough* m--mamamatay din ako. P---Patawarin mo s—sana *cough* a---ako. I s---still *cough*l---love y----" binawian na ito ng buhay. Hindi niya lubos maisip na mamamatay ang kaibigan niya dahil sapera. Napayakap siya kay Vince at doon umiyak ng umiyak.
Sumuko na rin ang dalawang kasama ni Sam at ipinasok ang mga labi nina Sam at Aaron sa ambulance para dalhin sa morgue.
"Tahan na! Ligtas kana. Uuwi na tayo," pagpapatahan sa kanya ni Vince. Mahigpit siyang niyakap ng binata na halatang nag-aalala sa kalagayan niya. Hinalikan siya nit sa noo at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanya.
BINABASA MO ANG
When Womanhater meets Manhater (Completed)
RomanceMecey's father passed away early, so she became the breadwinner for their family. She became a man-hater because she believed that men were just obstacles to her dreams. She became a scholar at Park University, a school for the wealthy, to study cul...