CHAPTER 2: BEST FRIEND
LANCE P.O.V
Hi Im Lance Reyes, senior highschool student. Kaming buong barkada ay all seniors at miyembro ng varsity. Lahat din kami ay mga goodlooking. Hindi naman sa pagmamayabang pero lapitin talaga kami ng mga babae.
We're all gangster. Nagsimula ang lahat sa di namin malaman na dahilan. Basta isang araw nagising na lang kaming magkakasama at lumalaban.
Transferee kami sa school na ito. Bakit kami lumipat? Kasi dito nag-aaral ang girlfriend ni Tyler.
Papunta kami ngayon sa covered court para tingnan sa bulletin na pinapaskilan ng mga announcement kung ano'ng section namin.
Habang papalapit kami ay biglang umingay ang paligid. Sari-saring tilian ang aming naririnig. Kahit saan yata kami magpunta ay hindi na maiiwasan ang ganitong klase ng eksena.
Kusang nahati ang daan. Ang kaninang kumpulan sa harap ng bulletin ay bigla na lang nawala at napunta sa tabi.
That's the perks of being handsome. Bukod sa pagiging gwapo matatalino rin kami kaya naman perfect dream guy kami para sa mga babae.
Andito na kami ngayon sa room at wala pa rin yung teacher namin.
Si Tyler busy sa cellphone. Malamang na ka-text ang girlfriend n'ya.
Si Steve at Xander nakaheadset at nagsasoundtrip lang.
Si Stephen ayun pinapairal ang kalandian.
At ako? heto nganga!
Tatayo na sana ako para pumunta ng canteen kaso bigla namang dumating ang teacher kaya di na ako tumuloy at muli na lang naupo sa upuan.
"Good morning class" bati ng techer namin pagkapasok n'ya.
"Goodmorning ma'am" tugon naman namin at tumayo bilang paggalang.
"Okay class take your sit. Im Ms. Almira Marasigan, your english teacher and adviser for the whole year. Nasa class A kayo so the expectation and pressure is immesureable, "
Andami n'yang sinasabi pero wala naman akong maintindihan. Tulad ng nakasanayan ay nagpakilala kami isa isa. Wala namang bago, pagkatapos magpakilala at ipaalam ang policy ng school ay kwentuhan lang ang naganap sa pagitan namin, no discussion as expected.
Hindi s'ya boring. Hindi rin strict. Sa edad n'yang lumampas na sa kalendaryo ay nagagawa pa rin n'yang sabayan ang mga trip ng kabataan ngayon.
Nasa kalagitnaan kami kwentuhan nang biglang bumukas ang pinto, kaya naman napahinto si ma'am nang pagsasalita dahil naagaw nito ang atensyon ng lahat.
Mula sa bumukas na pintuan ay nandoon ang dalawang magandang babae. Unang tingin pa lang dito ay agad nang mararamdaman ang otoridad sa mga ito.
Tindig pa lang ay alam mo ng karapatdapat silang igalang. Yung tipong dapat ay makuha ka na sa isang tingin pa lang.
Muli kong tinitigan yung isang babae dahil pamilyar.
Si Chesca yun ah! Ang babaeng kasama lang namin kanina. Pero ibang iba s'ya ngayon kumpara kanina. Pawisang pawisan s'ya at nakalugay ang mahaba n'yang buhok.
Pero sino yung kasama nya?
"Miss Min and Miss Smith, why are you late?" May bahid ng simpatya na tanong ng teacher namin.
BINABASA MO ANG
She's A Gangster Princess [COMPLETED]
JugendliteraturThe top rank gangster in J-Venile, Cherry Nadine Smith who did her best to conceal her identity, was involved in a car accident during her summer vacation. The casualties were her dear mother and a stranger lady who happened to be Lance Reyes' mothe...