Chapter 27

5.3K 184 2
                                    

CHAPTER 27: COMPLICATED







NADZ P.O.V

Nandito kami sa cafeteria ngayon at pinag-uusapan ang pagkaka-kidnap kay Claire. Tulad ng palaging nangyayari ay si Isabelle ang pinaka-OA ang reaction.



"Guys! Mauuna na ako sa inyo. May pupuntahan pa kasi ako." Pagpapaalam ni Margaux.



Alam kong may nagbago sa kan'ya, simula pa nang tapunan n'ya ako ng mango shake. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay galit s'ya sa akin. Kahit kina Claire ay medyo ilag din s'ya. Kapansin pansin rin ang palagi nilang pag-aaway ni Tyler dahil kahit sa mga public place ay nakikita silang nag-aaway.




"Guys! Wala ba kayong napapansin kay Margaux?"




"Sa totoo n'yan, feeling ko umiiwas s'ya sa atin."



"Tyler ano ba'ng nangyayari kay Margaux?" tanong ni Claire habang iniinom ang kan'yang frappe.



Nagkibit balikat lamang si Tyler at hindi pinansin ang tanong namin na s'yang nagpagulat sa amin. Hindi kasi iyon ang reaksyon n'yang inaasahan namin.



"Nag-away ba kayo?" tanong ko rito.



"Hindi" simpleng sagot n'ya na alam kong hindi totoo.



"Hindi naman magiging ganoon ang reaksyon n'yong dalawa kung hindi kayo nag-aaway eh!"



"Kung hindi rin lang kayo maniniwala, huwag na lang kayong magtanong!" Nagulat kami ng ibagsak n'ya sa mesa ang hawak n'yang baso at marahas na tumayo.



"Problema ng mga 'yon?"



"Hayaan na lang muna siguro natin sila. Magkaka-ayos din ang mga 'yan." Pag-aalo ni Xander nang makita ang reaksyon ni Chesca.



"Sana nga. Nakakalungkot din kasi na magka-away sila eh."



"Huwag mo na lang muna isipin. Mabuti pa umattend na tayo ng klase, magta-time na din oh!"



Habang nagka-klase ay nakatingin lang ako sa labas. Sobrang init ng panahon. Nakakatamad tuloy maglalabas ngayon, parang ang sarap lang mag-stay sa kwarto at matulog.



"Ui Nadz! Time na oh? Natulala ka na d'yan. Hindi ka man lang nakinig sa discussion." Napatingin ako kay Chesca at nagtatawanan naman ang dalawa sa tabi nito.



"Paano kayo nakapasok? Hindi ko naman kayo kaklase dito ah?" Tanong ko sa kan'ya. Iniligpit ko na rin ang ilan kong gamit na halos hindi naman nakibo.



"Duh? Bukas ang pinto tsaka ikaw na lang kaya ang tao dito." Tumayo na ako at niyaya sila palabas.



Habang naglalakad kami papunta sa parking lot ay napansin ko ang grupo ng mga kalalakihan at ilang mga estudyante na nag-uusap usap.



"Ano'ng meron?" Tanong ko kay Chesca dahil s'ya na lang ang kasama ko ngayon. Sa likod kasi sila nag-park samantalang sa harap naman kami ni Chesca.



"Ewan." Kibit balikat nitong sagot.



"Sandali lang huh!" Lumapit ako sa isang grupo ng mga estudyante.



"Sino sila?" Tanong ko at itinuro ang grupo ng kalalakihan na siguradong s'yang pinag-uusapan nila.



"Mga grupo daw po na naghahanap kay Empress."



"Nagbalik na daw si Empress."

'







LANCE P.O.V

"Dude, may problema ba kayo ni Margaux? Nag-aalala din kasi sina Chesca sa sitwasyon n'yo eh." Tanong ni Xander kay Tyler habang iniinom ang isang bote ng beer. Nandito kasi kami ngayon sa isang bar. Dahil biyernes ngayon at wala namang pasok bukas ay nag-kaayaan kami na lumabas.



"Honestly, I want to break up with her. I think I'm inlove but not her." Pag-amin nito at ininom ng diretso ang kan'yang beer.



"Dude, lasing ka lang kaya mo nasasabi 'yan"



"Alam ko kung ano'ng sinasabi ko. Iniisip ko ng hiwalayan si Margaux. I want to be available for that girl." Hindi ko nagugustuhan ang nararamdaman ko. May mali at pakiramdam ko ay hindi maganda ang kung ano mang iniisip ni Tyler.



"Alam mo dude payo ko sayo, pag-isipan mo muna 'yan ng mabuti dahil ang isang bagay kapag binitiwan mahirap na ulit mahawakan." sabi ko at tinapik ang balikat n'ya. Nabibigla rin ako sa mga sinasabi n'ya. Ang relasyon kasi nila ni Margaux ang hindi ko inaasahan na aabot ng hiwalayan kaya nakakabigla na sa maikling panahon ay hahantong kaagad s'ya sa ganitong desisyon.



"Gustong gusto ko na kasi s'ya eh. Alam kong mabilis pero hindi ko mapigilan."



"Sino ba 'yan at nagkakaganyan ka?" Tumingin lang s'ya sa akin umiling-iling.



"Komplikado eh."



Hindi ko na rin naman s'ya pinilit at iniba na lang namin ang usapan.



"Labas lang ako." Paalam ko sa kanila.



Habang naglalakad ako papalabas para magsigarilyo ay naagaw ng isang grupo ng gangster ang atensyon ko.



Rinig na rinig ko ang usapan nila at ayokong maniwala. Hindi ko gusto ang narinig ko. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko at kinuwelyuhan ko ang isa aa kanila.




"Ulitin mo nga ang sinabi mo. Nagkamali lang yata ako ng rinig." Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kuwelyo n'ya.




"S-si Emp-ress, nagbalik na!"










HAPPY READING 😘

She's A Gangster Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon