CHAPTER 33: POISONOUS DANCE
NADINE P.O.V
"Yan na lang ba ang gagawin mo sa buhay?" Malamig at walang emosyon kong tanong sa kan'ya. Sinadya ko s'yang puntahan dito sa bar na itinuro ng private investigator ko.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at wala pa rin palang nagbago sa lugar na ito.
"My dear empress is here. You miss me?" Hindi ko pinansin ang sinabi n'ya at tinawag ko na lang ang bartender.
"1 martini please." Nang makita at makilala ako ng bartender ay kaagad n'yang inayos ang order ko.
"Hindi n'yo po nasabi na bibisita kayo ma'am. Nasabihan ko sana ang ibang staff." Sinenyasan ko s'ya na huwag na nang makita ko s'yang tinatawag ang ibang staff.
"Huwag na. Iba rin naman ang sadya ko rito." Nakita ko ang nagtatakang tingin sa akin ni Tyler at nang marealized n'ya siguro ang lahat ay napa-iling na lang s'ya. I hope he knew whom he's dealing with.
"Bakit ka na'ndito?" Nanindig ang balahibo ko nang magsalita s'ya. Something is wrong with his voice. Pain? Disappointment? Hindi ko alam at natatakot akong alamin.
"Gusto ko lang itanong kung alam mo kung nasaan s'ya." Sinabi ko iyon nang hindi tumitingin sa kan'ya. Tanging sa baso lang ng alak ako nakatingin habang iniikot ikot ang yelo dito hanggang sa matunaw.
Ayoko s'yang tingnan. Hindi ko kaya. Hindi na s'ya ang Tyler na nakilala at naging kaibigan namin. Everytime I look at his eyes, all I can see is red and I can't guarantee him safety in me.
"Sa akin ka pa talaga nagtanong."
"Kung gano'n ay wala na akong dahilan pa para magtagal dito." Tumayo na ako dahil sa sinabi n'ya. Mukhang wala rin naman akong mapapala sa kan'ya. Pakiramdam ko ay hindi ko kayang mag-tagal sa isang lugar na kasama s'ya. His presence made me feel so guilty over the things he'd done. Dahil alam ko na isa ako sa mga naging dahilan n'ya.
Sinenyasan ko ang bartender na tingnan na lang si Tyler at mukhang naintindihan n'ya naman. Habang paalis ako mula sa bar counter ay isang braso ang ang pumigil sa akin.
"Ano ba?" Pagpupumiglas ko nang hilahin n'ya ako papunta sa dancefloor. Maaga pa pero halos lasing at wala na sa katinuan ang lahat. Hindi rin nila kami napapansin dahil may kani-kaniya silang ginagawa.
"Please Nadz, kahit ngayon lang." Natahimik ako sa pakiusap n'ya. Nag-iba ang tugtog, bumagal ang kanta at ang pagsayaw ng iba pang tulad namin na nasa dance floor.
Inilagay ni Tyler ang kamay n'ya sa bewang ko.
"Please." Pakiusap n'ya nang alisin ko ang mga kamay kong nasa balikat n'ya. Nang makita kong may bouncer nang nakabantay sa akin ay napabuntong hininga na lamang ako at pumayag. Hindi rin naman n'ya ako masasaktan dito kung sakali dahil nakapalibot na ang mga tauhan ko sa akin.
"Kung iba lang ang sitwasyon, posible kayang maging tayo?"
"Tyler please. Tumigil ka na!" Pakiusap ko sa kan'ya. Ayoko nang pag-usapan pa ang mga ganoong klaseng bagay dahil alam ko, na kung mag-iiba man ang sitwasyon, masasaktan ko pa rin s'ya.
Napatingin ako sa mga mata n'ya. Malungkot s'yang ngumiti sa akin. Dahil sa tugtog, iniikot n'ya ako at muling hinawakan sa bewang.
"Sorry Nadz! Pero hindi ko pa rin kayang sumuko na lang." Hinigpitan n'ya ang pagkakakapit sa bewang ko at niyakap ako. Sinubukan kong magpumiglas pero hindi ako maka-alis sa pagkakayakap n'ya.
BINABASA MO ANG
She's A Gangster Princess [COMPLETED]
Ficção AdolescenteThe top rank gangster in J-Venile, Cherry Nadine Smith who did her best to conceal her identity, was involved in a car accident during her summer vacation. The casualties were her dear mother and a stranger lady who happened to be Lance Reyes' mothe...