CHAPTER 5: TRANSFEREE
NADINE P.O.V
"Okay class. 3 of your classmates ay ngayon lang papasok. The two of them are transferies and si Margaux naman yung isa. I know that some of you already knew her dahil posible na naging kaklase n'yo na s'ya noong lower year." Sabi sa amin ng homeroom teacher namin.
"Ma'am bakit ngayon lang papasok si Margaux?" Tanong ng isa kong kaklase.
"Kapatid ni Margaux yung namatay na pinag-alayan natin ng prayer last week." Sagot naman ni ma'am at natahimik na ulit ang klase.
"Paparating na rin yung tatlo. Dumaan lang sila sa faculty para ayusin yung ilang credentials nila." Nang masabi 'yon ni mam ay bigla namang dumating yung tatlo.
"hayan na pala sila. Ladies please introduce yourself infront and we'll proceed in our discussion next." Sabay sabay naman silang pumasok habang nakangiti
"Hello, I'm Isabelle Del Valle. 17 from Florida. Hope that we can be friends."
"Hi guys! I'm Claire Nathalie De Vera. 17 also from Florida and I'm good in Mathemarics. Put an irony guys :)"
Psh' Del Valle at De Vera ang dalawang naglalakihang mga pangalan pagdating sa industriya. I secretly smiled because of that thought.
Hinding hindi ko makakalimutan kung paanong nilunok ng isang Del Valle ang pride n'ya ng minsan s'yang lumuhod sa harap ko para lamang magmaka-awang tulungan ko ang kompanya n'ya na muntik ng makuha sa kanya.
Maging ang reaksyon ng Chairman ng mga De Vera ng malaman n'yang ako ang isa sa pinaka mataas na boss. Nag-set s'ya ng appointment sa akin para makipag negotiate at kulang ang salitang 'nagulat' ng malaman n'yang I'm just a 17 year old and yet already a multi-billionare.
"Hello, I'm Princess Margaux Salvador. 17 and this two are my cousins." Sabi n'ya sabay turo doon sa dalawa.
"Okay, please occupy the vaccant seat at the back. Student, tommorow I want you to be prepared for a 50 item test. Get your books!" Nagsimula nang magsulat si Mam ng notes sa board at nag-discuss.
Nang matapos ang klase ay agad kaming dumiretso sa cafeteria. Tulad kahapon ay kasama pa rin namin ang grupo ni Lance. Mula kaninang umaga ay hindi ko pa s'ya nakakausap at wala naman akong pakeelam.
Walang pume-peste sa buhay ko at napakasarap noon sa pakiramdam. Ang buhay na walang Lance Reyes na umaaligid ay masasabi kong payapa.
Pagka-upo namin sa reserve seat namin ay doon ko lang napansin na wala sina Tyler at Margaux.
"Nadz, kapag ba niligawan ko si Chesca ay papayag ka?" Biglang tanong sa akin ni Stephen. Samantalang sina Xander at Chesca ay umubo ubo pa dahil nasamid sa kanilang iniinom kanina. Maging ako ay nabigla kaya't binigyan ko s'ya ng nagtatakang tingin.
"Bakit sa akin mo itatanong? Ako ba ang liligawan mo?" Masungit kong tanong. Totoo naman eih. Ako ba si Chesca para sa akin s'ya magpaalam?
"Nadz naman eh! Ang sungit, para nagtatanong lang. O Nand'yan na pala sina Tyler." Napatingin kami sa may entrance ng canteen. Kasama n'ya ang girlfriend n'ya at yung dalawang transferees.
"Guys pwede ba silang makijoin sa atin?" Tanong ni Tyler na ang tinutukoy ay yung tatlo.
"Sure mas marami, mas masya." natutuwang sagot ni Chesca.
"Ang ganda ng mga pinsan mo Margaux. Pakilala mo naman kami." Nang sabihin 'yon ni Lance ay biglang nag-init ang aking pisngi sa inis. Napaka babaero talaga. Pero ano ba namang pakeelam ko?
BINABASA MO ANG
She's A Gangster Princess [COMPLETED]
Fiksi RemajaThe top rank gangster in J-Venile, Cherry Nadine Smith who did her best to conceal her identity, was involved in a car accident during her summer vacation. The casualties were her dear mother and a stranger lady who happened to be Lance Reyes' mothe...