Chapter 23

6.3K 219 15
                                    

CHAPTER 23: IN A RELATIONSHIP






THIRD PERSON P.O.V

"Guys may sasabihin sana kami sa inyo ni Xander." Nakangiting bungad ni Chesca sa kan'yang mga kaibigan nang magpunta sila sa cafeteria.




Ngayong second semester kasi ay hindi na sila magkaka-klase kaya naman sa tuwing break na lamang sila nagkakasama-sama.




"Ano naman yun Chesca?" Tanong ni Claire sa kaibigan. Ang iba naman ay nagpanggap na interesado at hindi alam kung ano ang tinutukoy nito kahit na ang totoo ay may ideya na sila sa sasabihin ng kaibigan.




Dahil sa kakaibang tingin na ibinibigay ng mga kasama, nakaramdam si Chesca ng pagka-ilang. Kaya siniko nito ang tagiliran ng katabing si Xander.




"Xander ikaw na!" Bulong nito sa katabi na narinig naman ng lahat. Hindi tuloy maiwasan ng mga kaibigan nila ang matawa.




"Ikaw na!"




"Ano ba? Ikaw ang lalaki kaya ikaw na."




"Ikaw na. Ikaw naman ang unang nagsalita eh."




Hindi na alam ng mga kaharap nila kung paano pa pipigilan ang kanilang mga tawa. Natutuwa kasi ang mga ito sa dalawa na hindi magka-intindihan kung sino ang magsasabi. Samantalang alam na naman nila ang sasabihin ng mga ito.




"Ikaw na kasi!" Napakamot na lang sa ulo si Xander at sandaling nagbuntong hininga bago tumingin sa mga kaibigan.




"Ahh guys..."




"Kami na!" Dahil sa mabilis na pagputol ni Chesca sa sasabihin ni Xander ay hindi na napigilan pa ng grupo na tumawa. Sasabihin din naman pala ay nagkahiyaan pa.




"Pfftt.. Hahaha!! Ano ba 'yan Chesca, akala ko ba si Xander na ang magsasabi?" tanong ni Claire habang nakahawak sa sumasakit n'yang tiyan dahil sa pagtawa. Napuno tuloy ng asaran para sa dalawa ang buong cafeteria.




"Pero sa totoo lang, noong isang araw pa namin alam. Kasama kaya kami ni Xander sa pagpaplano" Dagdag ni Isabelle.




Sinamaan ni Chesca ng tingin si Xander na ngayon ay nakangiti lang sa kan'ya habang naka-peace sign ang daliri.




"Eh kayo ba Claire, kailan mo liligawan 'yang si Steve?" Pang-aasar ni Chesca nang maupo ito sa tabi. Mula kasi ng maging tutor ni Claire si Steve ay panay na ang pagpapapansin nito kahit na mukha namang pakeelam ang lalaki.




"Chesca, here oh!" Inilagay ni Xander ang slice ng pizza sa plato gamit ang kaliwang kamay kaya naman lihim na napatingin si Stephen sa magkahawak na kamay ng dalawa.




Pakiramdam niya ay nagsisikip ang kan'yang dibdib. Iniisip nito na sana ay s'ya na lang ang nasa tabi nito. Gaano nga naman ba kasakit ang magmahal ng taong hindi ka gusto?




"Ang totoo n'yan ay kami na kahit na hindi sya nanliligaw. Diba baby?" Pinisil pa nito ang ilong ni Steve na agad namang umangil dahil sa ginawa n'ya. Hindi nga s'ya pinapansin ni Steve at hindi rin naman ito kumokontra kaya tuwang tuwa s'yang asarin ito.




"Easy to get ka kase." Binato n'ya si Isabelle ng kinakain n'yang pop corn at dinilaan ito. Hindi naman sila nagagalit dahil sanay na naman ang mga ito sa isa't isa. Sa kanilang lahat nga ay sila talaga ang magbestfriend.


"Akala mo naman kung sino. Nasa 21st century na kayo tayo tsaka noong nasa America ba tayo nagpapaligaw ka? Hindi naman diba? Isang tingin nga lang sa'yo jowa mo na agad eh."

She's A Gangster Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon