Chapter 40

4.5K 140 4
                                    

CHAPTER 40: CHERRY NADINE SMITH JUST GOT JEALOUS







NADINE P.O.V

Napangiti ako nang makita ko si Cassandra sa kabilang bleachers habang hawak hawak ang banner ng school nila. Nang mapatingin s'ya sa direksyon ko ay kaagad s'yang tumayo at patakbong pumunta sa pwesto ko habang sumisigaw.





"Wwwhhhaaaa... I miss yoouuu!!"





Napawi ang ngiti ko nang lampasan n'ya lang ako. Napatingin pa ako sa nakalahad kong braso na s'ya ko sanang isasalubong sa kan'ya.




"Fiance! Na-miss kita!" tili nito habang nakayakap sa leeg ni Lance. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung saan nanggagaling ang inis na nararamdaman ko.




'Magkakilala sila?'





'Tsaka, fiance? wtf?'




"Aacc- cckk, Cassandra, wai-t, hindi ako makahinga." Reklamo ni Lance habang inaalis ang pagkakayakap ni Cassandra sa leeg n'ya.




"Whaaa!! Na-miss lang talaga kita. Grabe! Ang tagal din nating hindi nagkita. Kung bakit ba naman kasi hindi mo 'ko nagawang bisitahin." Mariin kong ipinikit ang aking mga mata sa hindi magandang pakiramdam na mero'n ako ngayon. Ayokong mangibabaw ang negatibo kong nararamdaman dahil lang sa napaka-simpleng bagay.





"Ahh, guys! Sa Clinic lang kami. Sumama kasi ang pakiramdam ni Claire, sasamahan ko lang s'ya." Kahit ang ginawang pamamaalam ni Isabelle ay hindi ko na nabigyan pa ng pansin. Nanatili lang ang buo kong atensyon sa dalawang taong nasa harapan ko.





Nang mapansin ako ni Cassandra ay kaagad n'ya akong niyakap.
"Nadz! Ikaw nga. Gosh!! Antagal nating hindi nagkita." Puno ng saya n'yang bati sa akin pero tulad kanina ay hindi ko pa rin magawang mag-react.






"Wala man lang ba na 'I miss you' d'yan?" Biro n'ya na hindi naman nakakatawa. "Straight face ka pa rin." Dagdag n'ya at bahagyang binanat ang aking pisngi para ngumiti. Sa sobrang inis ko ay tinabig ko ang kamay n'ya at naglakad papalayo.





"Aww... Sorry Nadz!" Rinig ko pang sabi n'ya pero hindi ko na nilingon.




Hindi ko alam kung bakit, pero nakaramdam ako ng inis sa kan'ya. Alam kong mali pero hindi ko maiwasan.




S'ya yung tipo ng tao na may pagkaisip bata at napaka insensitive. Lahat ng gusto ay nakukuha n'ya at sanay na naman ako sa ugali n'yang 'yon, pero ngayon ay hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko.






Nakarating ako sa office ko dito na kung saan may nakalagay na 'ENTER AND YOU'RE DEAD' at hindi ko inaasahan na s'ya pa ang maaabutan ko. Bakit pa nga ba ako magtataka? S'ya lang naman at si Chesca ang nakakapasok dito. Hindi ko na lang s'ya pinansin at nagpatuloy na lamang ako sa pagpasok.




Hindi pa ako tuluyang nakaka-upo ng maayos nang mabilis kong masalo ang ibinato n'yang stufftoy na display dito sa opisina ko.
"What?" Singhal ko sa kan'ya at pabalyang naupo sa swivel chair.






She's A Gangster Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon