Chapter 16

7.4K 274 27
                                    

CHAPTER 16: KISS






NADZ P.O.V

Isang linggo na mula nang magpunta kami ng Batangas at isang linggo na din akong wala sa bansa dahil pagkatapos ng short vacation na iyon ay kaagad din akong nagpunta ng Korea para isara ang isang business deal kay Mr. Choi.



Naging sobrang busy ko sa loob ng halos isang buwan, dumagdag pa ang problema sa J-Venile na kagagawan ng Superior Five; ang grupo nina Lance. Ang sakit nila sa ulo, sa totoo lang.


Lance Reyes calling...



Napabuntong hininga na lang ako nang makita ko na namang tumatawag si Lance. Mula nang magpunta ako sa Korea ay araw araw na s'yang tumatawag. May minsan pang habang nasa kalagitnaan ako ng meeting ay bigla na lang nag-ring ang cellphone ko.



"Hello?"



"Hi Nadz, labas tayo? Punta na lang pala ako sa inyo." Naibaba ko ang hawak kong baso sa counter table dahil sa gulat. Inilibot ko pa ang paningin ko sa napakagulo kong apartment.



"Huwag ka ng pumunta dito. Magkita na lang tayo sa labas, bye!" Pinutol ko na kaagad ang tawag para wala na s'yang mai-angal.



Nagbihis ako ng mabilis at kinuha ang pouch ko na nasa drawer. Bago lumabas ay napa-iling pa ako ng makita ang kabuuan ng salas ko.



Halos magmukha ng flowershop ang salas ko dahil sa dami ng bulaklak na nakatambak dito. Nang wala kasi ako ay araw araw na nagpapadala ng bulaklak si Lance. Ewan ko ba kung anong klaseng utak ang meron s'ya. Kahit nga ang fridge ko ay puno rin ng chocolate dahil sa kan'ya.



Ibinigay lang naman sa kan'ya ni Chesca ang spare key ng apartment ko kaya malakas ang loob ng Lance na 'yon na magpupunta dito.



Ang sabi n'ya pa ay nanliligaw daw s'ya pero wala naman akong maalala na pumayag ako. Hindi man lang ako nakapalag nang sinabi n'ya sa akin 'yon dahil sobrang lapit ng mukha n'ya.



Lumabas na ako ng apartment dahil ayoko ng maalala ang araw na 'yon. Bwisit talaga kahit kailan ang lalaking 'yon.




CLAIRE P.O.V

'Alcantara Jasmine -30'

'Aguado, Freya - 25'

'Buenaventura Alice -26'

'Corpuz Mikaela -28'


Hanla! Oh my gosh!! Malapit na ang pangalan ko. Ayoko, ayokong marinig ang score ko. Hindi ako handa. Sana naman po mag-time na. Nakakahiya talaga.

'De Castro Angelie - 23'

Luhhh... Ako na!

'De Vera Claire Nathalie - 3'


Nabingi yata ako. 3 ba talaga o 30? Kitang kita ko ang paglingon sa akin ng mga kaklase ko kaya nginitian ko na lang sila at nag-peace sign. 3 nga yata talaga ang score ko. Grabe, huhu!



Bakit kasi naimbento pa ang math? Thee points every item yun eh, ibig sabihin isa lang ang tinamaan ko? Pisti talaga ang arithmetic sequence. Ibinagsak ako.



"Class dismissed. Ms. De Vera please stay here." Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Bakit ba kasi ako lang ang bumagsak sa quiz namin. Ako lang ba talaga ang bobo sa math? Bakit parang ang dali lang sa kanila na sagutan yung quiz.



She's A Gangster Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon