Chapter 13

7.8K 233 5
                                    

CHAPTER 13: TAYO NA



NADINE P.O.V

"ANGGGGGG GANDAAAAAAA!!!!!"



"WWHHHAAAAA!!! BATANGASSSSSS!"



Nagising ako dahil sa ingay nila. Papunta kami ng Batangas ngayon para magbakasyon at para na rin mag-celebrate daw dahil sa pagkakapanalo ko kahapon sa event.



Pagkarating namin sa rest house na tutuluyan namin ay niyaya ko kaagad si Chesca sa kwarto para makapagpahinga.



"Chesca, Sa'n kayo pupunta?" Napalingo kami kay Xander dahil sa tanong n'ya. Nandito na kasi kami sa itaas ng hagdan samantalang nasa ground floor naman s'ya.



"Sa kwarto. Napagod kasi kami sa byahe."



"Ah, CR kasi ang nand'yan. Sa kanan ang kwarto ng mga boys sa kaliwa naman ang sa inyo." Tatlo ang kwarto na kaharap namin ngayon. Nang makita namin ang tinutukoy n'ya at kaagad din kaming nagdiretsto. Family rest house nina Xander ang tinutuluyan namin ngayon kaya hindi na nakakapagtaka na pamilyar s'ya sa pasikot-sikot nito.







• • • • •







Nagising ako nang maramdaman kong wala si Chesca sa tabi ko. Halos tatlong oras din pala akong nakatulog. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina dahil naririnig ko sila dun na nagtatawanan. Pagkarating ko ay bumungad kaagad sa akin ang maraming karne na naka tusok sa stick.




"Para sa'n 'yan?" Tanong ko sa kanila at kumuha ng fresh milk sa fridge.



"For barbeque party. Yiieee... I'm so excited." Ibinaba ko ang hawak kong fresh milk at tiningnan ang ginagawa nila. Bukod sa mga karne may mga hotdogs din na nakatuhog sa stick at may mollows sa dulo. Inubos ko muna ang fresh milk at tumulong din sa kanila.



"Nadz, dun ka na lang sa tabi ni Lance. Ang sikip na kasi namin dito." Tatlo lang kami na magkakatabi at kasya pa ang dalawa, kaya ano'ng sinasabi ni Chesca na masikip na? Hindi na lang ako umangal at lumipat na lang ng pwesto.



"Alam mo Nadz, Si Lance ang naka-isip nitong bakasyon natin. Sagot n'ya nga ang 50% nitong expenses eh." Binato s'ya ni Lance ng mollows sa mukha at sinamaan ng tingin. Ano ba'ng nangyayari sa mga 'to?



"Anong ako? Si Stephen kaya ang naka-isip nito."




"Huh ako?" Nagtatakang tanong ni Stephen na nakatulala lang sa magkatabing Xander at Chesca. "Hehe, ako nga yata." Napailing na lang ako at iniwan na sila sa ginagawa.






STEPHEN P.O.V

Nandito ako ngayon sa likod ng resthouse habang umiinom ng beer. Hanggang ngayon kasi ay nag-aayos pa sila ng mga gagamitin para sa barbeque party mamaya.




Hindi ko na rin kasi matagalan ang eksena sa loob. Wala namang kakaibang nangyayari pero masakit pala na bukod sa nakikita mong magkatabi sila ay ramdam mo na may mas higit pa dun.




Para nga akong nakikipagtitigan sa araw ng walang sunglasses eh. Masakit sa mata, nakaka-iyak --nakaka-bulag.



Matagal ko na namang napapansin na may gusto si Xander kay Chesca at sa nakikita ko ngayon parang may gusto na rin si Chesca kay Xander. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang dapat kong maging reaksyon kapag nakakasama ko si Chesca kaya idinadaan ko na lang sa biro ang lahat. Pero huli na yata ako.



Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman ang koneksyon nila.



Kung paano nila tingnan ang isa't isa.




Kung gaano sila kasaya sa tuwing magkasama sila



at kung paano sila bumuo ng sarili nilang mundo kahit na magkakasama kami.




Ang sakit pala talaga magmahal ng taong alam mong hindi ka kayang mahalin pabalik. Na kahit anong pagpapa-pansin pa ang gawin ko kung sa iba s'ya nakatingin, wala rin.
Ang sakit lang na habang minamahal ko s'ya, may minamahal s'yang iba.



Ininom ko ang beer na hawak ko. Napa-iling na lang ako sa pait ng lasa at pagguhit ng kirot. Ganito pala talaga. Sana naman balang araw mapansin n'ya din na may tulad kong nagmamahal sa kan'ya.



Habang tinatanaw ko ang dagat ay hindi ko napansin na may mga luha na palang tumutulo sa aking mga mata. Kung ganito rin lang pala kasakit magmahal, sana hindi ko na naramdaman.



"Hoy ikaw!! Bakit ang daya daya mo? Minsan na nga lang ako magmahal, bakit dun pa sa taong may mahal na iba? Ayaw mo ba akong maging masaya?" Tutal wala namang tao dito ay isinigaw ko na lang ang lahat ng hinanakit ko.




"Alam mo, kapag hindi ka mahal ng taong mahal mo huwag kang magreklamo. May mga tao rin na hindi mo mahal pero mahal ka, kaya quits lang" Napalingon ako sa nagsalita. Akala ko ako lang ang mag-isang nandito. Nakita n'ya ba ang lahat? Siguro awang awa na s'ya sa akin. Kalalaki kong tao pero ang lakas ko mag-drama.




"Ikaw pala." Ininom ko muli ang beer nang maramdaman ko na naupo s'ya sa tabi ko.



"Mukhang brokenhearted ka ah"



"Parang ganun na nga." Tapos sinulyapan ko s'ya pero agad ko din namang ibinalik ang tingin ko sa dagat.




"Alam mo iyak lang ang katapat n'yan. Hindi naman kasi masamang umiyak. Kapag ang luha pinigilan lalong magpupumilit lumabas at kapag ang lungkot sinarili, lalong sasakit 'yan. Isa pa pwede mo naman akong iyakan. Promise! Secret lang natin."



Dahil sa sinabi n'ya at hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Lahat ng bigat sa dibdib at sakit sa puso ay pinilit kong mai-labas para isang bagsakan na lang.



Baka sakaling mawala na.



Sana hindi na maulit.




"Isabelle?"



"Hmmm..."



"Pakiramdam ko ang bakla ko na. Siguraduhin mo lang na secret lang natin 'to huh!" Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at tumayo.




"Tayo na!" Inilahad ko ang kamay ko sa harap n'ya. Maga-alas sais na rin kasi at baka hinahanap na rin kami sa loob.




"Tayo na??"





"Oo, sa loob."








HAPPY READING 😘

She's A Gangster Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon