CHAPTER 22: JEALOUSY
TYLER P.O.V
"Handa ka bang patayin s'ya King Andrew?" Napalingon ako kay uncle nang marinig ko ang tanong ni Nadz. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o makakampante dahil si uncle ang tinatanong n'ya. Si uncle na kadugo ko at dating miyembro ng council.
Bilang parte ng J-Venile ay may alam rin naman ako tungkol sa mga batas nito. Pero habang naririnig ko silang nag-uusap ngayon, nalaman ko na marami pa pala talaga akong hindi alam.
Isang parte pa lamang ng batas nila ang nalalaman ko ngayon pero sobra na ang parusa. Hindi ko nga alam kung para saan ang emblem na naka-tattoo sa braso n'ya malapit sa marka ng council.
Si uncle ay tahimik lang at nakayuko. Seryoso lang s'ya at hindi ko alam kung ano ba ang iniisip n'ya.
"Kung iyon po ang gusto n'yo young princess." Nabitawan ko ang hawak Kong cellphone dahil sa sinabi ni uncle. Ni hindi ko nga alam na may hawak pala ako.
"Uncle! Ano ba'ng sinasabi mo? Papatayin mo talaga ako? Para sa babaeng 'yan?" Nanginginig ang mga kamay kong itinuro si Nadz dahil sa galit. Ang babaeng akala ko ay kaibigan ko ang s'ya palang papatay sa akin.
"Tyler! Hindi mo naiintindihan." Ibinaba ni uncle ang aking kamay at hinawakan ako sa magkabila kong balikat. "Ang council ay may sariling batas na naiiba sa batas na sinusunod n'yo bilang gangster at may batas rin na para sa kan'ya lamang." Pagpapatungkol nito kay Nadz.
"Pinoprotektahan s'ya ng council mula sa mga mas mapapanganib na tao sa paraang pagtatago ng identity nito. Ang isa pang tattoo na nakita mo ay ang family emblem nila. Kapag may nakaalam na s'ya ang nagtataglay ng markang iyon ay malaking gulo ang mangyayari kaya kailangang patayin ang sinuman na nakakita nito. Naiintindihan mo ba?"
"Papatayin mo ako." Sa lahat ng sinabi ni uncle at iyon lang ang naintindihan ko. Papatayin n'ya ako.
"Bakit uncle, gaano ba kahalaga ang buhay ng babaeng 'yan para gan'yan n'yo na lang s'ya protektahan."
"Tyler, mas nakakataas pa rin s'ya sa'yo. Gumalang ka."
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" Sabay naming nilingon ni uncle si Nadz nang tumawa ito ng malakas. Halos punuin ng pagtawa n'ya ang buong kwarto ko.
"Kaya bilib na bilib ako sa'yo King Andrew eh. Tapat ka sa samahan. Masyado n'yo namang sineseryoso ang lahat. Nagbibiro lang naman ako." Lumapit s'ya sa akin at bahagyang yumakap sa aking leeg.
"Teka Nadz, ano ba'ng ginagawa mo?" Inalis ko ang pagkakayakap n'ya pero lalo n'ya lang hinigpitan.
"Thank you Tyler, for saving me." Bulong n'ya sa tenga ko na nagpatindig ng balahibo ko. Iba kasi ang dating sa akin ng ginawa n'yang 'yon.
"Nadz, ipagamot na natin kay uncle 'yang sugat mo para makapagpahinga ka na rin." Inalalayan ko s'yang maupo sa kama at sinenyasan si uncle. Nginitian n'ya lang ako at bahagyang umiling.
"Thank you King Andrew."
"Ako nga po ang dapat magpasalamat sa inyo. Salamat kasi hinayaan n'yo ang pamangkin ko."
"Ano ka ba King Andrew, kaibigan ko s'ya at alam ko naman na mapagkakatiwalaan s'ya." Napangiti ako sa sinabi ni Nadz. Kung gano'n ay wala talaga sa isip n'ya na saktan ako?
BINABASA MO ANG
She's A Gangster Princess [COMPLETED]
Novela JuvenilThe top rank gangster in J-Venile, Cherry Nadine Smith who did her best to conceal her identity, was involved in a car accident during her summer vacation. The casualties were her dear mother and a stranger lady who happened to be Lance Reyes' mothe...