CHAPTER 26: EMPRESS
CLAIRE P.O.V
Nagising ako sa isang madumi at mukhang abandonadong lugar na may masangsang na amoy. Napansin ko rin ang mga upuang nakatumba at lamesang may mga bote ng alak at upos ng sigarilyo.
'Nakidnap ba ako for ransom? Grabe naman! Babago pa lang kaming nakakabawi mula sa pagka-bankrupt, for ransom agad?'
Tatayo sana ako para tumakas pero nakatali pala ang mga kamay ko at paa. Hindi naman ganoon kahigpit ang pagkakatali nito sa kamay ko dahil hindi naman ako nasasaktan pero ang pagkakabuhol sa isa't isa ay magulo kaya ang hirap alisin.
Nahinto lang ako sa pag-aalis ng tali nang may pumasok na isang lalaki.
'S'ya ba ang kidnapper ko?'
Ang gwapo n'ya naman para maging isang kidnapper. Papasa pa nga s'yang model eh.
Ang ganda ng mata n'ya, kulay green. Tapos matangkad at maskulado run ang katawan.
'Baka naman nadukot ako ng mga sindikato? At magiging biktima ng human trafficking?
"Pwede ba, isara mo 'yang bibig mo?' Doon lang ako ulit natauhan. Antipatiko ang bwisit.
Iniiwas ko na lang ang aking paningin na agad ko din namang ibinalik sa kan'ya nang maalala ko na na-kidnap nga pala ako.
"Teka nga! Bakit ba ako nandito? Kung pera ang kailangan n'yo, nagkamali kayo ng dinukot kasi wala na kami nun!" Sabi ko sa kan'ya pero hindi n'ya ako pinansin at nanatili lang s'yang nakatutok sa cellphone n'ya.
"Alam mo, gwapo ka naman kaya malaki ang chance mo na maging model ng isang magazine. Mas malaki pa ang magiging sweldo mo, hindi mo na kailangan pang mang-kidnap ng tao."
"Manahimik ka!!" Napangsinghap ako sa gulat nang sumigaw s'ya. Nakaramdam tuloy ako ng takot dahil galit talaga s'ya.
"Kailangan na daw nating umalis Tres. Natawagan na ni Boss si Empress at ilang sandali lang ay darating na yun dito!" Kaagad namang umalis ang gwapo kong kidnapper na may berdeng mata.
"Hoy! Iiwan n'yo lang ako dito??" Sigaw ko pero hindi man lang nila ako nilingon at nagdirediretso lang palabas.
Nakarinig ako ng malalakas na pagkalabog sa labas. Parang may mga nag-aaway. Siguro dumating na ang saviour ko. Ganoon naman sa mga action film diba? Pero bakit naman ako pa ang napili nilang biktima ei wala naman silang mapapala sa akin?
Nagulat ako sa nakita ko nang magbukas ang pinto.
"Oh my god! -- " hindi ko natapos ang sasabihin ko ng ilapat n'ya ang kan'yang daliri sa labi ko para sabihing huwag akong maingay. Nakangiti naman akong tumango sa kan'ya.
"It's Empress by the way."
"Ikaw si E-empress??"
THIRD PERSON P.O.V
Papauwi na mula sa school si Steve nang makatanggap s'ya ng text message mula sa unknown number na nagsasabing nasa kanila si Claire kasama ang isang address. Hindi sana s'ya maniniwala nang may natanggap s'yang multimedia message kung saan mayroong picture ni Claire habang nakatali ang mga kamay at paa sa isang upuan at walang malay.
Dahil sa nakita ay hindi na s'ya nagdalawang isip. Kaagad n'yang pinaharurot ang sasakyan papunta sa address na ibinigay ng isang unknown number.
Iba't ibang klaseng mura na ang nabitiwan n'ya dahil sa pagmamadali. Hindi n'ya kasi mapigilang makaramdam ng kaba sa mga posibleng mangyari.
Nang makaliko s'ya papuntang highway at hindi na umusad pa ang mga sasakyan. Sinubukan n'yang tawagan sina Lance para sana humingi ng back-up pero hindi n'ya naman makontact ang mga ito. Mukhang haharapin n'yang mag-isa ang kung sinumang may pakana nito.
"Manong bakit po sobrang traffic dito?" Tanong ni Steve sa katapat nitong driver ng jeep.
"Naku iho, naputol daw ang tulay na dinadaanan papuntang City Mall." Dahil sa narinig ay ipinark n'ya ang kan'yang kotse sa tabi at nilakad na lang ang pagpunta sa lugar na nakalagay sa address.
Hindi na rin naman s'ya makakatuloy gamit ang kotse dahil sa naputol na tulay. Mukhang inaayos lang ang daan sa kabilang area at doon sila papaikutin papuntang bayan.
Lakad takbo ang ginawa n'ya para lang mabilis na nakarating.
Isang abandonadong building ang bumungad sa kan'ya ng makarating sa address na tinutukoy. Wala na s'yang pinalampas pa at kaagad pumasok sa loob.
Bawat palapag ng building ay tinitingnan n'ya kung naroon ba si Claire pero mga walang malay na katawan lang ang kan'yang nakikita. Nakaramdam tuloy siya ng kaba dahil baka nahuli na s'ya ng dating.
Sa pag-akyat n'ya sa ikatlong palapag at nagulat s'ya ng makita si Claire na nakangiting naglalakad at walang kagalos-galos.
Samantalang, nang marinig ng babaeng tinatawag na Empress na may dumating ay naghanda na s'ya sa pag-alis.
"Claire, pwede bang isikreto mo na nagkita tayo dito o na nakita mo ako?"
"Oo naman, no worries."
Mula sa itaas ay kitang kita n'ya sina Steve at Claire na maayos na umaalis. Bumaba na rin s'ya at naglakad papalabas.
Iniisip n'ya kung sino ang nasa likod ng pangyayaring iyon dahil kung sino man s'ya ay tiyak na gusto nitong magtagpo sila ni Steve at mabuko ang kan'yang pagkatao.
Nang papalabas na s'ya ng pinto ay may napulot s'yang isang pirasong papel kung saan nakalagay ang address na kinaroroonan nila. Mayroon ding logo na nakalagay sa may itaas na parte ng papel na sobrang pamilyar sa kan'ya.
Mukhang hindi talaga s'ya titigilan ng mga ito.
ENJOY READING 😘
BINABASA MO ANG
She's A Gangster Princess [COMPLETED]
किशोर उपन्यासThe top rank gangster in J-Venile, Cherry Nadine Smith who did her best to conceal her identity, was involved in a car accident during her summer vacation. The casualties were her dear mother and a stranger lady who happened to be Lance Reyes' mothe...