CHAPTER 14: TRUTH OR DARE
NADINE P.O.V
"Guys! Check muna natin ang lahat." Nakaupo lang ako dito habang pinapanuod sila sa ginagawa nila. Si Chesca ang s'yang namumuno sa pag-aayos ng lahat. Ang dami nilang pinaplanong gawin.
Ang boys ay nasa gilid at magsisindi Daw ng bonfire dahil papatayin daw nila ang mga ilaw mamaya. Ang mga babae naman ang s'yang nag-iihaw ng mga hotdogs and barbeque.
"Nadz! Steve! Okay na lahat. Tara na dito" Kami lang kasing dalawa ang hindi gaanong tumulong. Tumayo na ako at kumuha ng isang nalutong hotdog.
"Lance ano ba! Huwag mong ubusin 'yang barbeque, mag-ihaw ka ng sa'yo." Napatikhim ako dahil feeling ko ay ako rin ang sinabihan n'ya. Sa mga naihaw din kasi ako ni Claire kumuha ng hotdog.
"Truth or Dare tayo!!" Napalingon kami kay Margaux nang sumigaw s'ya. Nakapalibot na sila sa bonfire at kinakawayan kaming tatlo.
Inilagay muna ni Claire ang mga naihaw n'ya sa isang tupperware bago lumapit.
"Wait guys! may kulang. Nasa'n sina Isabelle at Stephen?" Dahil sa tanong ni Margaux ay doon pa lang napansin ng iba na kanina pa nga wala yung dalawa. Tinatamad akong kumilos Maya hindi ko na sinabi sa kanila kung nasa'n yung dalawa, tutal ay alam ko naman na papunta na rin ang mga yun dito.
"Guys we're here!" Napailing na lang ako sa dalawa. Ngiting ngiti pa silang lumapit sa amin na akala mo walang nangyari.
"Since kumpleto na tayo, pwede na nating simulan ang laro. Bale, ganito ang mechanics ng game. Kapag 'truth' dalawang tanong ang kelangan mong sagutin at kapag hindi mo nasagot, kailangan mong uminom ng isang canned beer. Kapag naman 'dare' isang utos lang pero pag hindi mo nagawa dalawang canned beers ang iinumin mo. Maliwanag ba?" pagpapaliwanag ni Margaux.
Nagsimula nang i-spin ang bottle. Una itong tumapat kay Chesca at si Claire naman ang magtatanong o mag-uutos.
"Truth" sagot ni Chesca na hindi na hinintay pa ang tanong.
"Ito ang tanong. Chescka..." Inilapit ni Claire ang mukha n'ya kay Chesca kaya natawa kami ng muntik na itong matumba. "May nagpapatibok na ba ng puso mo?" Hindi mai-alis ni Xander ang kan'yang mga mata kay Chesca samantalang nag-iwas naman ng tingin si Stephen. Ang ibang hindi alam ang sitwasyon ay panay ang panunukso.
"Meron!"
"Yiieeee.... Sino?? Gosh! Nakakakilig." Itinulak tulak pa ni Claire ang braso ng kanyang katabi na si Tyler at Steve. Parang robot naman si Steve na walang karea-reaksyon, samantalang halata ang inis sa mukha ni Tyler dahil sa ingay ni Claire.
"Is that for the second question?" Mukhang na-hulaan ni Claire ang gagawin ni Chesca kaya napanguso na lang s'ya.
"Yup!" sagot ni Margaux na halata namang interesado rin sa magiging sagot ni Chesca. Tulad ng inaasahan, ininom ni Chesca ang isang canned beer.
Kaagad na pinaikot ni Chescka ang bote at tumapat kay Tyler.
"Truth or Dare?" Sabay sabay naming tanong.
"Dare" nagpapalakpak pa si Isabelle nang marinig ang sagot ni Tyler. S'ya kasi ang mag-uutos dito.
"Nakikita mo ba ang dagat na yun? tanong ni Isabelle na may hindi magandang ngiti. "Kailangan mo lang magbabad dun sa loob ng tatlong minuto."
BINABASA MO ANG
She's A Gangster Princess [COMPLETED]
Fiksi RemajaThe top rank gangster in J-Venile, Cherry Nadine Smith who did her best to conceal her identity, was involved in a car accident during her summer vacation. The casualties were her dear mother and a stranger lady who happened to be Lance Reyes' mothe...