Chapter 29

5.4K 185 7
                                    

CHAPTER 29: BROKE




LANCE P.O.V

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Puting kisame, pink na pader at naglalakihang paintings ang nakapalibot sa akin. Sa kulay at disenyo pa lang ay alam ko ng babae ang may-ari ng kwartong 'to.



Kahit may iniindang sakit ay pinilit kong makabangon upang magpunta sa banyo. Nasa may pintuan pa lamang ako ay naaamoy ko na kaagad ang tila ibinubong pabango sa loob.



Naupo ako sa bathtub at iniangat ang suot kong T-shirt. May nakabenda na sa aking tiyan pero mababakas pa rin ang dugo mula rito.



Nilinis ko ang aking katawan at iniwasang mabasa ang mga sugat na nagamot na.



Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako sa naabutan ko.



Ano'ng ginagawa n'ya dito?



S'ya ba ang nakakita sa akin?



Pero paano?



"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Ibinaba n'ya ang hawak na tray na may lamang breakfast at lumapit sa akin. Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong sabihin. Wala akong makuhang mga salita.



"Ahh, dinalahan nga pala kita ng damit. Sakto at nakaligo ka na." Inilapag n'ya ang dalang damit sa ibabaw ng kama at tumalikod na sa akin. Ganoon na lang ba 'yon? Wala man lang ba s'yang ibang sasabihin o hindi ba s'ya magpapaliwanag sa akin? Nang akma na n'yang pipihitin ang sedura ng pinto ay pinigilan ko ang kan'yang braso at iniharap sa akin.



"Bakit ako nandito?" Tanong ko ng sa wakas ay nagawa ko ring magsalita. Ang huling naaalala ko ay nasa underground battlefield ako kaya bakit ako napunta dito?



"Nakita kasi kita sa parking lot malapit sa subdivision namin na sugatan at walang malay kaya dinala ka naming dito."


"Namin?" Itinuro n'ya ang isang photo frame na hindi ko man lang napansin kanina.



Ibig sabihin kwarto n'ya ito?






XANDER P.O.V

"Hon, hindi mo pa rin ba ma-contact si Nadz? Baka naman magkasama lang sila ni Lance." Tanong ko kay Chesca.



Nandito kami ngayon sa pad ko at pinag-iisipan namin kung paano makikita si Lance. Tatlong araw na kasi s'yang hindi umuuwi at wala rin kaming balita kung ano ba ang nangyari sa kan'ya. Hindi rin naman kami makapag-sumbong sa pulis dahil baka may kinalaman sa gang ang pagkawala n'ya. Isa kasi sa rules ng J-Venile na bawal ma-involve ang pulis sa kahit anong pangyayari dito.



Ang alam lang namin ay huling nakita si Lance sa underground battlefield kasama si Empress. Kaya nga malakas ang kutob ko na may kinalaman ito sa gang. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit sila magkasama ni Empress?



Simula ng maging kaibigan ko si Lance ay nalaman ko na rin kung gaano kalalim ang galit n'ya kay Empress.



"Hon, may nakuha sa CCTV footage ng parking lot malapit sa subdivision nina Claire. Si Lance na mukhang walang malay at isang babaeng nakamaskara." Tumabi ako kay Chesca para mas makita ko ng maayos ang footage.



"Si Empress." Bulong ko.



"Huh?"



"Ah wala. Sa tingin ko kailangan na nating makipag-cooperate sa iba para mas mapadali ang paghahanap kay Lance."



She's A Gangster Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon