Chapter 3

11.5K 341 18
                                    

CHAPTER 3: J-VENILE; A GANGSTER LAIR




XANDER P.O.V

"Mukhang hindi kami gusto ng kaibigan mo Chesca." Pag-agaw ko sa atensyon nila. Nang makaalis kase si Nadine ay bigla na lamang natahimik ang paligid. Parang may anghel na biglang dumaan at nagawa noong ihinto ang kung anumang aming pinag-uusapan.

"Naku! Pasensya na kayo sa kanya huh! Ganyan lang talaga yan kapag hindi n'ya ka-close at bago. Pero kapag nakilala n'yo na s'ya sigurado ako na magugustuhan n'yo rin s'ya." Nakangiti n'yang pagdedepensa sa kaibigan.

Malaki ang pagkakaiba ng dalawa. Masyadong cold at nakaka-intimidate ang personality ni Nadine. Kung tumingin ang kan'yang mga mata ay parang walang halaga ang kanyang nakikita.

Nandoon iyong dating na isang tingin n'ya lang alam mong hindi s'ya basta basta.

Samantalang Bubbly at hypher naman si Chesca. Madaldal, friendly at napaka energetic.

S'ya yung tipo na madaling makisakay sa mga trip.

"She's familiar!" Bigla na lang sabi ni
Steve habang nanatiling walang reaksyon ang kan'yang mukha. Si Steve ang man of few words sa barkada. Kapag nagsalita s'ya pag-iisipin ka pa n'ya. Tulad ngayon.

"She's famous dude! Can't you see?" Pagrarason dito ni Stephen. Ang iba naman ay hindi na nagsalita at basta na lamang nakikinig.

"Sa J-Venile ko yata s'ya nakita." Lahat kami ay natahimik dahil sa sinabi n'ya. J-Venile is a Gangster Lair. Posible nga kaya na mapadpad sa ganoong klaseng lugar ang kinikilalang Campus Queen ng paaralan na ito?

"But never mind!" Kibit balikat nitong dagdag.

"Nag-iimprove ka na dude! Nakapagsalita ka na ng isang sentence eh! ACHIEVEMENT!" panunukso dito ni Lance na tinawanan naman ng grupo.

Madalang kase talagang magsalita si Steve. Kung hindi ko nga lang s'ya nakakasama ay iisipin kong nabulok na ang bibig n'ya dahil sa mga napapanis na laway sa bawat araw.

"Wait guys! Ano yung J-Venile?" Nagtatakang tanong ni Chesca. Lahat kami ay nakatingin sa kan'ya at nagpapakiramdaman kung sino ang sasagot.

"A Gangster Lair." simpleng sagot ni Tyler.

"Oh My God! Iniisip mo bang Gangster ang kaibigan ko? HAHAHAHA!!!! I can't believe it." Kunwarenay namamanghang tugon ni Chesca.

"Oo nga naman Steve. Yung taray na 'yon ni Nadine na mukhang hindi makaputol ng kuko, gangster? Sa catfight ko nga lang naiimagine ang laban na pwede n'yang kasangkutan eih. Ahahahaha." Nang-aasar na sabi ni Lance. Malamang na kung nandito si Nadine at narinig ang sinabi n'ya ay pagsisimula ito ng gulo.

"I didn't say that she's a gangster tsk!" kunot noong sabi ni Steve dito.

Oo nga naman sinabi lamang nitong pamilyar si Nadine at hindi n'ya sinabi na gangster ito.




CHESCA P.O.V

Nasa kalagitnaan kami ng pagkukwentuhan ng bigla naming marinig ang tunog ng bell. Hudyat na magsisimula ng muli ang klase.

Agad naman kaming nagpuntahan sa aming mga classroom at naupo sa mga upuan na hindi nalalayo sa isa't isa.

"Good Morning Class!!" Bati sa amin ng aming guro habang inaayos n'ya ang kan'yang mga gagamitin sa pagtuturo.

"Good Morning Ma'am!" Masigla naming tugon.

"Okay! Please be seated. Before we start our discussion ---" hindi pa man natatapos ni Ms. Mendez; ang kasalukuyan naming teacher ngayon, ay nag-almahan na agad ang aking mga kaklase.

"Ma'am naman, first week pa lang discussion agad!" Si Stephen ang nagsabi n'yan habang itinataas pa ang kamay. Makapal din pala ang mukha nito eh.

"Oo nga po. Nextweek na tayo magklase!" Pagsang-ayon naman ni Xander.

"Ma'am! Class free po muna!" Sabay sabay ang reklamo ng mga kaklase ko kaya naman malakas na hinampas ni Ms. Mendez ang table upang agawin ang atensyon nila. Samantalang nanatiling nakaheadset at walang pakeelam naman si Nadz.

"Shut up!" malakas na sigaw ni ma'am at nagsitahimikan naman ang buong klase.

"As I was saying before we start our discussion --" muli sanang magrereklamo si Stephen pero sinamaan na s'ya ng tingin ni Ms. Mendez kaya tumahimik na ito.

"I want to inform you guys that tommorow morning exact 6 a:m we'll going to have a prayer meeting for the relative of one of the student here who passed away yesterday. And the prayer will be led by you, Ms.Smith."

Napatingin ako kay Nadz nang marinig ko 'yon. Pikit pa rin ang mga mata n'ya habang may headset na nakasalpak sa kan'yang tenga.

"Psh" siguradong hindi n'ya narinig yung sinabi ni Ma'm.

Mahina kong siniko ang tagiliran n'ya. "Ui Nadz!"

Marahas n'yang tinanggal ang headset sa kanyang tenga at sinamaan ako ng tingin.

"Ano??" singhal n'ya sa akin.

"Magle-lead ka daw ng prayer bukas sabi ni Ms. Mendez. Akalain mo 'yon pagdadasalin ka. Ikaw, si Cherry Nadine Smith magle-lead ng prayer? Bago yun ah!" Pagbibiro ko dito. Sino ba naman kaseng matinong tao na may sa demonyo ang maiisipang magdasal?



NADINE P.O.V

Binigyan ko ng masamang tingin si Chesca dahil sa sinabi n'ya at kunot noo naman akong tumingin sa harapan.

Bakit naman ako ang napili ng teacher na ito eh ang dami dami namang estudyante dito.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mainsulto.

Matuwa dahil napakabuti ng tingin nila sa akin o mainsulto dahil pakiramdam ko ay ipinapamukha nila sa akin kung gaano ako kasamang tao.

Ako? Magdadasal? Kailan ba ako huling pumasok sa simbahan? Kahit nga ang simpleng panalangin bago ako matulog ay hindi ko na matandaan kung kailan ko huling ginawa dahil sa sobrang tagal ng panahon ang lumipas. Tapos ngayon ay bigla ko na lamang papangunahan ang pagdarasal?

Huh! Ibang klase.

Simula ng mamatay ---patayin si mommy ng mga masasamang tao na 'yon sa mismong harap ko ay kinalimutan ko ng mayroon pang diyos.

Pinatunayan lamang ng pangyayaring iyon na ang 'diyos' ay kathang isip lamang at pawang parte lamang ng imahinasyon ng tao.

Tayo lang ang gumagawa ng sarili nating emosyon. Ng sarili nating kakatakutan, kasiyahan, kalungkutan at kung ano pa.

Ang ating isipan lamang ang s'yang lumilikha sa mga bagay na hindi natin nakikita upang tugunan ang ating mga pantasya.

Kung totoong mayroong diyos ay bakit niya hahayaan na maging ganito ako? Bakit hindi tulad ng iba na simple at payapa ang buhay ko?

Bakit n'ya hahayaan na kagalitan at talikuran ko s'ya kung tunay ngang anak n'ya ako?



HAPPY READING 😘

She's A Gangster Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon