CHAPTER 41: ARCHERY
NADINE P.O.V
"Gooo Lance!!! whoooo!!!"
"Kyyaaaaaaa... 3 points!!!"
"Perfectionist!!! Perfectionist!!!"
"Shoot it Fiancceeeee!!!"
Kanina pa akong naiinis sa panonood ng basketball game nina Lance. Kung makasigaw wagas. Eh di s'ya na ang fiance, pakeelam ko ba? Tapos 'yang Lance na 'yan wala man lang ibang ginawa kundi ang ngumiti ng ngumiti. Kung patayin ko kaya 'yang fiance mo, makaka-ngiti ka pa?
Nakita kong lumingon sa akin si Lance at kinindatan ako. Wait! Kinindatan ako? Napa-ismid na lang ako at sinamaan s'ya ng tingin.
"Kyyyaaaa... Kinindatan ako ni fiance." And that hit me. Napalingon ako sa likod ko at nakita ko dun si Cassandra na nagtititili, tss.'
"Ui Cassandra, diba school n'yo ang kalaban namin? Mali ka yata ng ichini-cheer." Tumatawang sabi ni Chescka. Yeah right! School nga nila ang kalaban nina Lance.
"Ahahaha, I don't care. Mas gusto kong manalo sina fiance." Sabi n'ya. Gustong gusto ko nang manapak sa tuwing maririnig ko ang fiance thingy na 'yan. Fiance lang naman s'ya, kung maka-angkin akala mo pag-aari n'ya.
"Nadz, bakit hindi ka nagchi-cheer sa kanila."
"Oo nga naman Nadz!"
"Psh' asa naman kayo kay Nadz, eh KJ 'yan." I just rolled my eyeballs sa sinabi na yun ni Chesca. I will never waste my energy, shouting and cheering.
"Oh my gosh! Oh my gosh!" Tili ni Chesca habang itinuturo ako. "Nakita ko yun!" Napakunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka.
"Ako?" Tanong ko pa habang itinuturo ang sarili ko.
"Yaaa... you rolled your eyeballs, oh my gosh! Dalaga ka na Nadz yieee... Pwede na s'ya mag-boyfriend." Tili nito at inuga-uga pa ang braso ko. Kahit ang iba naming mga kasama ay nakiki-tukso na rin. The hell with these people? Tinabig ko ang braso ni Chesca at tinalikuran sila.
Pagbaba ko ng bleacher ay sa tapat ako ng scorer napa-punta. Napakunot ang noo ko nang makita ang score na 78 - 43 at lamang kami. Ganun ba talaga sila kagagaling?
Nakita kong si Lance ang may hawak ng bola at pinapalibutan s'ya ng tatlong player sa kabilang team. Nang may makita s'yang butas ay kaagad s'yang nakaalis sa pagkaka-bakod sa kan'ya pero mabilis din ang naging kilos ng mga kalaban.Kaagad s'ya nitong naharangan kaya't wala na s'yang nagawa kundi ipasa ang bola kay Reniel, isa sa mga teammates nila.
"Go Bae!" sigaw ng girlfriend nitong si Recheane. Required ba talaga na i-cheer sila?
Pumwesto s'ya na isu-shoot ang bola Kaya lalong lumakas ang pag-cheer ng mga nanonood.
BINABASA MO ANG
She's A Gangster Princess [COMPLETED]
Teen FictionThe top rank gangster in J-Venile, Cherry Nadine Smith who did her best to conceal her identity, was involved in a car accident during her summer vacation. The casualties were her dear mother and a stranger lady who happened to be Lance Reyes' mothe...