CHAPTER 10: BOTE NG GIN?
NADINE P.O.V
"Nadz!" Sigaw ni Chesca na tumatakbo papalapit sa akin. Huminto naman ako sa paglalakad para maabutan n'ya ako.
"Bakit?"
"Grabe Nadz! Excited na ako. Bukas na daw gaganapin yung pageant para sa bawat school sa district. I'm pretty sure na ikaw ang mananalo dun." Excited na excited nitong kwento. Akala mo naman s'ya ang lalaban, pero sandali...
"Bukas na ba yun? Akala ko next month pa?" Ang alam ko kasi next month yun naka-sched, base na rin sa nabasa kong memo.
"Ano nakalimutan mo?" Teka! Sinabi ko bang nakalimutan ko?
"Girls! Anong pageant yan? Pwede ba kaming sumali?" Bigla namang dumating sina Claire. Mahilig nga pala ang dalawang ito sa mga pageant at beauty contest.
"Bawal ang flatchested dun Claire" Pang-aasar sa kanya ni Isabelle.
"Ay! Sarili mo ba ang tinutukoy mo?" Hindi talaga lilipas ang araw na hindi nagbabangayan 'yang dalawa. Ewan ko ba, sila yung palaging magkasama pero sila rin ang malimit na hindi nagkakaintindihan.
"About nga pala sa pageant, between other academies kasi 'yon. Kailangan bawat school ay may mga representative and si Nadz ang representative natin dahil s'ya ang nanalo last school semester na Ms. Foundation. I'm sorry Claire but bawal na kaseng sumali. The elimination happens nung first week, eh absent pa kayo nun" pagpapaliwanag sa kanila ni Chesca
"Okay lang. Let's all support Nadz na lang. Ako ang magme-make up sayo huh!" Hindi ko maintindihan ang mga tao ngayon. Pakiramdam ko ay mas excited pa sila sa akin para sa pageant na ito
"May talent ka na ba at mga susuotin Nadz?" Tanong naman sa akin ni Isabelle. Talent? Madali lang yun, pero kase ang mga susuotin hindi pa ako nakakapamili.
"Wala pa eh. Nakalimutan ko kase"
"At teka! Ito nga pala ang mga criteria" Kinuha ni Chesca ang notepad n'ya at binasa ang nakasulat dito.
Production number - 15%
Sports wear - 15%
Audience Impact - 10%
Evening gown - 20%
Swimsuit competition - 20%
Talent - 20%
With a total of 100%"Teka! May swimsuit competition?" hindi makapaniwalang tanong ko. No! hindi pwede.
Hindi sapat ang taglay kong confidence para sa bagay na 'yan at kung talaga nga namang minamalas ako, eksaktong pagdating nina Lance kaya naman hindi malabong narinig nila ang pinaguusapan namin.
Napaka yabang pa naman ng taong ito.
"Nadz, seryoso magsusuot ka ng bikini? Baka naman ma-expose ang mga bilbil mo?" sinasabi ko na nga ba! Pero ano daw?
bilbil?
wtf?
Sino'ng nagsabi na meron ako nun? Ang kapal talaga ng taong ito.
"Ang bad mo Lance!" nakangusong wika ni Isabelle "Sexy kaya si Nadz"
"Oo nga naman dude! Ang sexy kaya ni Nadz" Pagsangayon naman ni Tyler.
"Ehem! sinong sexy babe?" sabay irap ni Margaux at tila nakuha naman ni Tyler ang ibig sabihin ng girlfriend n'ya.
Nakakatuwa talagang pagmasdan ng dalawang ito. Bagay sila sa isa't isa.
"Syempre ikaw babe" parang batang sagot ni Tyler sabay yakap sa bewang nito. "Alam ko namang sexy si Nadz, binibiro lang kita." Niyakap n'ya pabalik ang boyfriend nito. Kitang kita sa mga kilos nila na mahal na mahal nila ang isa't isa.
BINABASA MO ANG
She's A Gangster Princess [COMPLETED]
Teen FictionThe top rank gangster in J-Venile, Cherry Nadine Smith who did her best to conceal her identity, was involved in a car accident during her summer vacation. The casualties were her dear mother and a stranger lady who happened to be Lance Reyes' mothe...