Chapter 36

4.8K 160 11
                                    

CHAPTER 36: TO PROTECT YOU





NADINE P.O.V

"Hush Death! dont cry I'm here." Walang pag-aalinlangan ko s'yang niyakap. Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng mga luha ko. Iniiyak ko lahat sa dibdib n'ya.

"Blood, thank you." Bulong ko sa kan'ya.

"Sshhh... Just cry, your tears are safe with me." Nang sabihin n'ya yun ay mas lalo pa akong napaiyak. Mas hinigpitan ko rin ang pagkakayakap sa kan'ya. pakiramdam ko'y kinawawa ako ng lahat ng mga sandaling ito at nakakita ako ng kakampi sa katauhan n'ya.

Ilang sandali pa ang lumipas ay naramdaman kong binuhat n'ya ako na parang sa mga bagong kasal. Hindi ko na nagawa pang umangal dahil pakiramdam ko ay hinang hina ako. Nanlalambot ang mga tuhod ko at wala akong sapat na lakas para makipagtalo sa kan'ya.

Binuksan n'ya ang pintuan ng passengers seat at puno ng pagiingat akong ibinaba. Nang matiyak na maayos na ako ay umikot s'ya papunta sa drivers seat at kahit ang paglalagay sa akin ng seatbelt ay s'ya na ang gumawa.

Hindi pa rin n'ya binubuhay ang makina ng kotse at parehas lang kaming nakatingin sa labas. Pinapakiramdaman ang isa't isa. Ilang minuto lang ang lumipas ay marahas n'yang inalis ang seatbelt n'ya kaya napatingin ako sa kan'ya.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kan'ya pero hindi n'ya ako pinansin. Lumapit s'ya sa akin at niyakap ako.

"Promise me Death, Hindi ka na iiyak na mag-isa. Damn! I hate seeing you crying, especially when you're alone." Puno ng pag-aalala n'yang sabi. Nanlambot ang puso ko sa mga binitiwan n'yang salita. Iniangat ko ang kamay ko at niyakap s'ya pabalik.

"Thank you." Bulong ko.

"Today, at this moment. I promise to protect you with all my might." Inalis n'ya ang pagkakayakap sa akin at binuhay ang makina ng kotse samantalang nanatili naman akong nakatulala sa kan'ya; nagtataka.

"Hindi mo naman kailangang gawin yun. Hindi mo ako responsibilidad." Sabi ko nang makahuma sa nangyari. Nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan habang umaandar ito. Hindi ko s'ya magawang tingnan sa mga mata dahil natatakot akong makita na may nag-iba.

"Hindi naman kailangan na dapat may dahilan bago kita protektahan. I may be out of line pero gusto kitang ingatan at hindi mo ako mapipigilan." Napalingon ako sa kan'ya na nakatutok ang paningin sa daan. Bakit parang masakit? I should be happy right?

Hindi ko na lang s'ya pinansin at ibinalik na lang ulit ang tingin sa labas.






CLAIRE P.O.V

Nang mabasa ko ang text ni Isabelle ay kaagad akong tumayo, pero bago lumabas ay inilagay ko muna ang pinagkainan ko ng taho sa lababo.

"Hello, Napabisita ka." Bati ko sa kan'ya at nilakihan ang bukas ng gate para makapasok s'ya sa loob.

"Nalaman ko kasi kay Tita na mag-isa ka lang dito, isa pa, may nalaman kasi ako tungkol kay Margaux."

"Dito tayo sa salas mag-usap." Inabot ko ang basket na dala n'ya na may mga lamang prutas at kaagad nilantakan ang mansanas. Hindi ko na napahugasan kay yaya dahil mukha namang malinis at tsaka nakakatakam ang sobrang pagka-pula.

"Ano'ng nalaman mo tungkol kay Margaux?" Tanong ko nang makaupo kami sa sofa. Tinawag ko naman si yaya para humingi ng juice and sandwich.

"May CCTV footage kasi sa may park kung saan nakita dun si Margaux na tumatawid sa kalsada. She was almost hit by a car." Napa-inom ako ng juice dahil sa gulat.

"That's good news right? Kasi may lead na tayo kay Margaux and we know now na okay s'ya." Unsure na sabi ko sa kan'ya. Hindi naman masamang umasa diba?

"I don't think so. Kasi Claire, base sa CCTV footage, may lalaki na kumuha sa kan'ya."

"Ibig sabihin nakidnap si Margaux?"

"I don't know."

"I think, kailangan na talaga nating humingi ng tulong sa daddy n'ya. Hindi pwede na sa mga police lang tayo aasa, mabagal umusad kapag sila ang humahawak." Sabi ko sa kan'ya at kumagat sa bagong kuha kong mansanas.

I don't have any idea kung ano'ng nangyayari kay Margaux ngayon but I hope that she's fine and well.

"I'll inform Chesca and Nadz para masamahan nila tayo." Tumango ako sa kan'ya dahil may kagat kagat na apple ang bibig ko.

"What the? Pang-ilang apple mo na 'yan?" Gulat n'yang tanong sa akin. Ini-angat ko naman ang mga daliri ko at nag-sign ng 7.

"Akala ko ba hindi ka mahilig sa apple? Ano 'yan change of taste?"

"Oyy, judgemental ka! Favorite ko kaya 'to."

"Claire Nathalie hindi mo ako maloloko. Kahit ano'ng pilit ko sa'yo noon na kumain ng apple ayaw mo talaga. Magtapat ka nga sa akin!" sabi n'ya habang dinuduro duro ako. Inirapan ko lang s'ya. Ang babaeng 'to talaga kung ano ano ang iniisip.


"People change." sabi ko bago tumayo at dumiretso papuntang kusina para kumuha ng tubig.









HAPPY READING 😘

She's A Gangster Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon