Chapter 24

6.1K 211 11
                                    

CHAPTER 24: UNEXPECTED






NADINE P.O.V

"Oh my gosh girls!! Nakikita n'yo ba ang nakikita ko?"



"Is this for real?"



"Naka-couple shirt ang LanDine! Oh my god! Kinikilig ako!!"



Kung pwede ko lang takpan ang mukha at tenga ko nagawa ko na. Grabe sila kung mag-react. Ano ba'ng akala nila sa amin, artista? model? Hindi naman diba?



Kung bakit ba kasi ako nalagay sa sitwasyon na 'to. Nalaman kasi ni Lance na nasa apartment na ako at kanina pagka bukas ko ng pinto s'ya kaagad ang napagbuksan ko habang ini-aabot ang isang kulay itim na T-Shirt na may print ng kalahating puso.



Lalo pang lumakas ang ingay ng mga estudyante nang hawakan ni Lance ang kamay ko.



"Ano ba?" Singhal ko sakan'ya nang lalo n'yang higpitan ang pagkaka-hawak sa kamay ko ng subukan ko itong alisin pero hindi n'ya ako pinansin.



Habang naglalakad kami papunta sa classroom ay pinipilit ko pa ring alisin ang pagkaka-hawak n'ya.



"Yiieee... Ang sweet naman ng bagong dating. Dinaig ng dating status ang in a relationship oh!" Hindi ko pinansin ang pang-aasar nila at nagtuloy tuloy lang ako pagpasok.



"Gosh! hindi ba kayo nangangati. Feeling ko kase kahit asin nilalanggam na eh". Sinamaan ko lang ng tingin si Chesca at hindi sinasadyang napatingin ako kay Tyler na titig na titig sa kamay namin ni Lance. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pagka-ilang. Kaagad kong binawi ang kamay ko kay Lance at dumiretso na ng upo.



Ilang beses ko nang tinangka na alisin ang kamay ko sa pagkaka-hawak ni Lance pero kanina hindi ko alam kung bakit naging ganoon kadali sa akin na maalis 'yon.



Kahit hindi ako lumingon ay alam kong nakatingin pa rin s'ya sa akin. Kinuha ko ang spare phone ko sa bag para sana buksan ang website ko.




"Ano ba??" Napatayo ako sa gulat nang maramdaman kong nabasa ang damit ko.



"Oopss.. Sorry hindi ko sinasadya." Napatingin ako sa nabasa kong damit. Tumutulo dito ang malamig at malapot na mango shake. Alam kong sinadya n'ya iyon ang hindi ko alam at kung bakit?



"Ano ba'ng problema mo?"



"Hindi ko nga sinasadya eh. Isa pa, nag-sorry na ako di ba?"




Lumapit sa akin si Lance at pinunasan ang nabasa kong damit.



"Bakit mo ginawa 'yon?" Nagulat ako sa lakas ng boses ni Tyler. Ang ibang estudyante sa loob ng classroom at tahimik lang na nanunuod sa amin.



"Babe, hindi ko naman sinasadya eh. Nag-sorry na din ako." Yumakap si Margaux kay Tyler at yumakap habang umiiyak. Akala ko ay yayakapin din s'ya nito pabalik pero inalis n'ya lang ang pagkakayakap sa kan'ya ni Margaux.



"Nakita ko na sinadya mo."



"Tyler tama na 'yan. Sasamahan ko na lang si Nadz na magpalit" Ramdam ko ang mga makakahulugang tingin ng mga estudyante na nagtataka at naguguluhan. Kahit ang mga kaibigan namin ay ganun din. Siguro ay dahil sa naging reaksyon ni Tyler.



"Ako na lang ang sasama sa kan'ya. May extra shirt ako. I'm sure kasya yun sa kan'ya." Nabigla ako ng sabihin 'yon ni Stephen. Lumapit s'ya sa akin at pinunasan ang nabasa kong damit gamit ang panyo na ibinenda ko sa kan'ya noong isang araw. Nakita ko pa ang initials na naka-engrave doon na D.P



Nahagip naman ng paningin ko si Isabelle na puno ng pagtataka ang mukha. Nakabukas ang kan'yang bibig pero nakakunot ang kan'yang noo.



Pinigilan ko na ang kamay ni Stephen "Ako na. Kaya ko na."



Naglakad na ako papalabas ng pinto pero bago pa ako makalabas ay bigla akong nadulas dahil sa basang sahig na nanggaling sa ibinubong shake ni Margaux.



Hinihintay kong lumapat ang likod ko sa sahig pero isang braso ang naramdaman kong yumakap sa akin at nakita ko ang seryosong mukha ni Steve.




Nagsimulang magbulungan ang mga kaklase ko nang bigla akong buhatin ni Steve na parang bagong kasal.



"Steve, ano ba'ng ginagawa mo? Ibaba mo nga ako" Hindi n'ya ako pinansin at nagdire-diretso lang s'ya sa paglalakad.



"Ibaba mo nga ako! Ano ba?"




"Ibaba mo na ako please. Nakakahiya na."



Akala ko tulad ng mga nauna ay hindi n'ya pa rin ako papansinin pero bigla na lang n'ya akong binitawan sa mismong baitang ng hagdan. Ramdam ko ang sakit ng pagtama ng katawan ko, lalong lalo na sa may paa ko.



"Ano ba'ng problema mo, huh??" Bahagya lang s'yang ngumiti sa akin at muli akong binuhat.



"Na-sprain na ang paa mo. Hindi mo na magagawang lumakad kaya wala kang ibang choice kundi ang hayaan akong buhatin ka." Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko kung bakit n'ya ginawa yun. Bakit ba may mga topak ang tao ngayon?



Nang makarating kami sa clinic ay walang nurse na nakaduty. Dito n'ya ako idineretso at hindi sa cr dahil sa na-sprain kong paa na kasalanan din n'ya. Wala ding ibang pasyente na nandito.



Inalalayan n'ya akong maupo sa kama. Nanatili lang kaming magkaharap at walang nagsasalita kahit isa sa amin. Madami akong gustong sabihin pero hindi ko alam kung paano.



Nakita kong bigla na lang s'yang naging balisa at pinagpapawisan na rin ang noo n'ya. Bawat sandali rin at tumitingin s'ya sa may pinto.



"Steve? Okay ka lang ba? Ano'ng nangyayari sa'yo?" Nag-aalala kong tanong pero hindi n'ya ako pinansin at bigla na lang s'yang nag-mura.



"Shit!"



Hinubad n'ya ang suot na polo at pumaibabaw sa akin.




"Steve, ano bang..." Wala na akong ibang nagawa nang ilapat n'ya ang labi n'ya sa labi ko. Gusto kong magpumiglas pero hindi ko mai-galaw ang paa ko at iniipit n'ya ang mga kamay ko.




Bakit ba nangyayari sa akin 'to?











HAPPY READING 😘

She's A Gangster Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon