Chapter 30

5.5K 185 9
                                    

CHAPTER 30: AMBUSH





LANCE P.O.V

"Bakit ako nandito?" Tanong ko ng sa wakas ay nagawa ko ring magsalita. Ang huling naaalala ko ay nasa underground battlefield ako kaya bakit ako napunta dito?



"Nakita kasi kita sa parking lot malapit sa subdivision namin na sugatan at walang malay kaya dinala ka namin dito."



"Namin?" Itinuro n'ya ang isang photo frame na hindi ko man lang napansin kanina.



Ibig sabihin kwarto n'ya ito?



"Talaga bang nasa kwarto ako ni Nadz? Pero paano? Sagutin mo nga ako Claire, Bakit kay Nadz mo ako dinala?" Malayo kasi ang subdivision nila sa apartment ni Nadz atsaka bakit hindi sa hospital?



Muli kong inilibot ang aking paningin. Bukod sa photo frame na itinuro n'ya ay wala ng mga larawan pa si Nadz. Ang mga paintings lang ang s'yang nagbibigay buhay sa kwarto.



Kinuha ko ang photo frame ni Nadz at tiningnan ang picture n'ya. Mukha pa s'yang bata dito at hindi man lang nakatingin sa camera pero ang mga ngiti n'ya sa picture na ito ang nagpaganda ng lahat.



"Hindi ito ang apartment ni Nadz. Ang sabi n'ya dati daw nila itong bahay."



Ibinaba ko ang photo frame nang marinig ko na bumukas ang pinto. Nandoon si Nadz habang nakakunot ang noong nakatingin sa akin at muling tumingin kay Claire. Lumapit s'ya sa akin at iniabot ang pares ng damit.



Doon ko lang naalala na tanging ang robe na nakuha ko lang sa banyo ang s'ya kong suot ngayon.



"Magbibihis lang ako." Kaagad kong kinuha ang damit pero bago pa ako muling pumasok sa banyo ay tinawag ko si Nadz na papalabas na ng pinto.



"Nadz! Hindi mo man lang ba ako kakamustahin?" Pero sinamaan n'ya lang ako ng tingin at lumabas. Napakamot na lang ako sa ulo. "Sabi ko nga magbibihis na 'ko eh."



Nang matapos ako sa pagbibihis ay lumabas na ako ng kwarto para sumunod sa kanila. Naabutan ko sila sa kusina na seryosong nag-uusap.



"Hindi ba s'ya magagalit sa'yo kapag nalaman n'ya ang ginawa mo?"



"Alam kong kakamuhian n'ya ako kapag nalaman n'ya ang totoo kaya inihahanda ko na ang sarili ko."



"Ang hirap naman ng sitwasyon mo-"



"Ano ba'ng ginawa mo Nadz?" tanong ko. Lumapit na ako sa kanila dahil wala akong maintidihan sa pinag-uusapan nila. Sa tabi ako ni Nadz naupo at ininom ang tasa ng kape na nasa harap n'ya.



"Kanina ka pa ba? seryosong tanong sa akin ni Nadz.



"Hindi naman. Halos kadarating ko lang din. Ano ba'ng pinag-uusapan n'yo?"



"Usapan 'yon ng babae kaya huwag kang chismoso." Natawa si Claire sa sinabi ni Nadz kaya tumahik na lang ako. Baka masabihan pa ako ng chismoso kapag nag-usisa pa ako. Kahit kailan talaga ang complicated ng mga babae.



Nang magpalaman ako ng tinapay ay doon ko lang naalala na may dinalang breakfast si Claire sa itaas dahil sa sugat ko.



"Sino nga palang nagbenda sa akin?" Tanong ko.



"S'ya!" Itinuro ni Claire si Nadz na seryoso lang na kumakain at walang pakeelam.



"Kung ganoon, nakita mo Nadz ang katawan ko?" Pagbibiro ko sa kan'ya pero hindi yata uso ang biro sa babaeng ito.



She's A Gangster Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon