CHAPTER 21: DURA LEX SED LEX
LANCE P.O.V
"Chesca, hindi mo ba talaga alam kung nasa'n si Nadz?" Nandito kami ngayon sa hallway at kanina ko pang kinukulit si Chesca para sabihin kung nasaan ba talaga si Nadz. Isang linggo na kasi itong hindi pumapasok. Nag-aalala na ako.
"Ilang beses mo bang itatanong sa akin 'yan Lance? Hindi ko nga alam eh. Promise! Kung alam ko lang, sasabihin ko sa'yo."
"Bakit ba parang wala lang sa'yo na hindi natin alam kung nasaan si Nadz ngayon? Bestfriend mo s'ya hindi ba?" Ayaw ko mang kwestyunin ang pagkakaibigan nila ay hindi ko mapigilan. Nag-aalala na kasi talaga ako.
Isang linggo na s'yang hindi nagpaparamdam at hindi namin alam kung paano man lang ito mako-contact.
"Ano ka ba Lance? Alam mo, hindi na kasi bago sa akin na bigla na lang mawawala si Nadz ng matagal. Alam mo bang nang una 'yang mangyari, isang buwan s'yang nawala at nag-alala talaga kami ng sobra tapos malalaman lang namin na nagbakasyon pala s'ya sa lolo n'ya. Nasundan pa iyon ng maraming beses kaya naman nasanay na ako na bigla na lang talaga s'yang mawawala. Kaya kung ako sa'yo, huwag ka ng mag-alala. Uuwi rin 'yon."
Hindi pa rin ako nakampante sa sinabi ni Chesca. Nagpunta na lamang ako sa field para magpahangin. Hindi muna ako aattend ng practice ng basketball dahil mukhang hindi rin naman ako makaka-concentrate.
Nasaan ka na ba kasi Nadz?
Nahagip ng mata ko ang isang anino. Ang bilis nitong kumilos at ang bawat galaw n'ya ay kasing bilis ng isang pagkurap. Para s'yang isang ninja. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan.
Sinundan ko ito sa kabila ng mabilis nitong pagkilos. Nakarating ako sa likod ng abandonadong classroom. Inilibot ko ang aking paningin para makita kung mayroon bang kakaiba pero mukhang wala naman. Maliban sa pulang tinta na nasa pader.
'HINDI MO KAMI MATATAKASAN'
Lumapit pa ako dito at hinawakan ang pulang tinta.
Dugo?
NADINE P.O.V
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa nakasiwang na bintana.
Hindi ako pamilyar sa kwartong ito.
Hindi ko alam kung sino ang nakakita sa akin sa eskinitang iyon.
At hindi ko alam kung kakampi ba s'ya o kaaway. Kaya kailangan kong makaalis din kaagad dito.
Kahit mabigat ang pakiramdam ko ay pinilit ko pa ring makabangon. Hindi ako pwedeng magtagal dito.
Ramdam kong muli na namang kumikirot ang aking sugar pero hindi ko na lamang pinansin. Pinilit ko ang sarili kong makabangon.
Nang hindi ko na matiis ang sakit sa aking tagiliran at napahawak ako dito at kaagad kong naramdaman ang pagdugo nito.
Doon ko lang din napansin na iba na ang suot ko at kitang kita ang itim na rosas at pulang baril na tattoo sa aking braso. Ang tattoo na nagsasabing miyembro ako ng council at isa sa kinikilalang gangster princesses.
Walang batas ang council na nagsasabing bawal makita o ipakita sa iba ang markang ito. Pero may batas kami na kailangang mamatay ang sinumang makakakita ng marka ko. Ang markang nagsasabi na ako si Death Princess.
Narinig ko na may mga taong paparating kaya kahit masakit ay pinilit kong makakilos upang lumiban sa bintana.
Ang ilan sa mga tauhan na lang namin ang papakilusin ko para sa mga taong nakakita ng marka ko.
'Ahhhh.' Daing ko nang madulas ako. Hindi ko mapigilang mapaungol sa sakit. Nakita kong may pumipihit na ng seruda ng pinto kaya wala din akong nagawa kundi ang manatili dito.
"King Andrew?"
"Tyler?"
"Kamusta na po ang pakiramdam n'yo young princess?" Tinanguan ko s'ya bilang pagkilala.
Si King Andrew ay isa sa mga retired gangster prince ng council. Gangster Princes and Princesses ang kinikilalang pinakamataas na miyembro nito at upang bigyan ng pagkilala ang mga nagawa nila nang parte pa sila ng council ay tinatawag na King at Queen ang mga nagretiro na.
"Dumudugo ang sugat n'yo. Tyler kunin mo ang gamit ko sa ibaba." Itinaas ko ang kamay ko para pigilan sila sa pagkilos.
"Maayos ang lagay ko." Tumingin ako kay Tyler "Nakita mo ang marka hindi ba?" Hindi n'ya naman ako sinagot at tiningnan n'ya lang si King Andrew.
"Young princess. Ang batang ito ay pamangkin ko at kaibigan mo. Alam ko naman na mapagkakatiwalaan s'ya."
"Alam mo ang batas natin King Andrew." Walang pamilya o kaibigan para sa mga taong makakakita ng markang iyon. "Naging miyembro ka rin ng council."
Ang markang dahilan kung bakit ako ipinapahanap ni Tanda.
Isa iyong family emblem na naka-tattoo sa braso ko, malapit sa tattoo ko bilang bahagi ng council.
Napagpasyahan ng council noon na upang maprotektahan ako, ang sinumang makakakita ng marka kong iyon; ang family emblem ng mga Smith ay kailangang mamatay para hindi na kumalat pa ang totoo.
"Handa ka bang patayin s'ya King Andrew?" Namutla si Tyler sa kan'yang tabi ng maintindihan ang tinutukoy ko.
"Pero young princess.."
"Ang batas ay batas King Andrew."
HAPPY READING 😘
BINABASA MO ANG
She's A Gangster Princess [COMPLETED]
Novela JuvenilThe top rank gangster in J-Venile, Cherry Nadine Smith who did her best to conceal her identity, was involved in a car accident during her summer vacation. The casualties were her dear mother and a stranger lady who happened to be Lance Reyes' mothe...