I LOVE YOU BUT,
LANCE P.O.
"Baka lang nakakalimutan mo Lance. Pinsan ko si Nadz kaya hindi lang ikaw ang nag-aalala." Tinabig n'ya ang kamay ko kaya wala din akong nagawa kundi ang bitiwan s'ya.
"Wala tayong magagawa kung init ng ulo ang paiiralin natin."
"Lance kaibigan din namin si Nadz kaya nag-aalala din kami."
"Hindi n'yo naiintindihan." Napaupo ako nang maalala na naman ang nangyari.
"Kahapon lang eh, kagabi lang! Kagabi lang sinagot ako ni Nadz, kagabi lang girlfriend ko na s'ya tapos ganito!" Natahimik sila sa narinig.
"Ang saya saya ko pa kanina dahil kami na. Ipagyayabang ko pa sa inyo na girlfriend ko na s'ya, na finally! Pero heto ang nangyari. Eh wala pa ngang 24 oras ang nagiging relasyon namin, wala pang 8 oras kaming nagkakasama simula ng sagutin n'ya ako. Bakit parang ang malas naman?"
"Lance huwag mo namang isipin 'yan. Walang masamang mangyayari kay Nadz."
"Mabuti pa ay pumunta muna tayo sa quarter sa J-Venile para mapag-isipan at mapag-planuhan natin ang dapat gawin." Suhesyon ni Stephen.
"Sandali!"
"Kung part ng council si Nadz, baka pwedeng humingi tayo ng tulong sa kanila."
"Tama si Xander. Hindi naman siguro papabayaan ng council si Nadz." Pagsang-ayon ko dito.
"Hindi tayo pwedeng lumapit sa kanila." Napapabuntong hiningang sabi ni Stephen.
"Kung sasabihin natin sa council na nawawala si Death Princess na s'yang nangunguna as a High Profiled Gangster ay baka mas lalo pa s'yang mapahamak. Hindi lahat ng miyembro ng council ay sang-ayon kay Nadz, baka gamitin pa nila itong paraan para tuluyan s'yang mawala sa landas nila."
"Kung ganun, anong gagawin natin?"
"Tama na! Alam ng kumuha sa kan'ya na boyfriend na ako ni Nadz at kami na. Kagabi lang kami naging official, sino ang makakaalam ng ganoong impormasyon kung hindi s'ya malapit sa atin?"
"Ano'ng ibig mong sabihin?" Hindi na ako nagsalita. Kung sino man ang may kagagawan ng lahat ng ito, siguraduhin n'ya na walang mangyayaring masama kay Nadz dahil hindi ko nasisiguro ang posible kong magawa sa kan'ya.
• • • • •
Dahil hindi kami pwedeng lumapit sa council ay sa headquarter namin kami dumiretso. Kailangan naming mag-isip ng paraan kung paano namin maiiligtas si Nadz. Lahat kami ay tutok sa harap ng mga computer, nagbabakasakaling may makuha kaming impormasyon sa maaaring kinaroroonan ni Nadz. Maging ang ilan sa mga pinagkakatiwalaang underlings namin na wala namang kinalaman sa nagaganap ay tumutulong na rin.
"Lance may nalaman ako tungkol kay Claire." Napatingin kay Stephen dahil sa sinabi n'ya. Lumapit ako sa kan'ya at halos bumagsak ang balikat ko nang makita na personal information lang pala iyon ni Claire.
"Pwede bang unahin muna natin ang paghahanap ng paraan para matulungan si Nadz?" Sabi ko at bumalik na sa pwesto ko.
"May nakalagay kasi dito na nagkaroon ng malaking utang ang pamilya ni Claire kay Nadz. Hindi ba't mayaman sina Claire at muntik na silang mapabilang sa top 10 richest people sa forbes? Kaya paano sila nagkaroon ng utang? At hindi lang basta utang dahil napakalaking halaga ng hiniram nila kay Nadz." Napatigil ako sa narinig.
BINABASA MO ANG
She's A Gangster Princess [COMPLETED]
Teen FictionThe top rank gangster in J-Venile, Cherry Nadine Smith who did her best to conceal her identity, was involved in a car accident during her summer vacation. The casualties were her dear mother and a stranger lady who happened to be Lance Reyes' mothe...