"Present po, Ma'am!"
Tinaas ko ang kanan kong kamay nang marinig ko ang pangalan ko. First day ng Senior High ko ngayon at kinakabahan pa ako kasi bago lang ako dito. Halos lahat ng students sa paligid ko ay may mga ka-close na habang ako, eto, nasa pinaka-sulok ng classroom.
Well, may friend naman na ako dito sa school pero nasa ibang room. Iba kasi ang kinuha niya.
Nang matapos ang introduction of lessons ng prof namin ay dinismiss niya na kami para maglunch. Tinext ko agad si Clara nang makapunta ako sa canteen. Sabi niya kasi ay sasabayan niya daw ako maglunch.
Nag-vibrate ang phone ko at nakita ko na nagtext si Clara.
From: Clara
Mhiema, ikot-ikot ka muna sa campus huhu.. May pa-activity pa kasi si Sir kaya mala-late ako ng very very slight lang! Text kita pag nasa canteen na ako.
Hindi ko alam kung mag-iikot pa ba ako sa campus o dito nalang. Baka kasi maligaw ako dahil puro nasa labas ang mga estudyante. Tapos ang laki-laki pa ng school. Pero dahil hindi naman ako mapapakali lang dito, nag-ikot na ako.
I took pictures of every building here. May fountain pala dito? Maganda naman pala dito... Akala ko noong una parang boring. Kasi iyon ang sabi ni Clara. Matagal na kasi siyang nag-aaral dito. Sabi niya sa akin noong nalaman niya na dito ako magse-senior high, magre-regret daw ako na dito ako inenroll. Pero parang hindi naman, eh!
Umupo muna ako sa bench malapit sa fountain at nagpahangin. Ang tagal ni Clara, eh. Kumukulo na tiyan ko!
Mayamaya pa ay nagtext na sa akin si Clara at sinabing nandoon na siya sa canteen. May kasama pa daw siyang kaibigan at ipapakilala daw sa 'kin. Um-oo nalang ako kahit pakiramdam ko, maleleft out ako sa kanila mamaya.
"Naya!" tawag sa 'kin ng kaibigan ko.
Lumingon ako sa kaniya at nandoon siya sa table 8. May kasama siyang lalaki. Boyfriend niya ba 'to? Akala ko ba may papakilala siya sa 'king kaibigan niya? Eh, bakit parang boyfriend naman ata niya ang ipapakilala sa 'kin?
"Hi," mahinang bati ko. Napatingin ako doon sa lalaking kasama niya na nakatitig sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at ginatihan niya iyon ng ngiti. Umiwas agad ako at tumingin sa kaibigan ko. "Nasaan na 'yong sabi mong papakilala mo sa 'kin?"
"Eto!" Tinuro niya ang lalaking kasama niya. Tiningnan ko ulit ang mukha niya. Maayos naman. May itsura naman. Moreno, matangos ang ilong, ang ganda rin ng mata, ha! Tapos 'yong lips niya... mukhang...
Xanaya! Ano ba 'yang iniisip mo?!
"Baka matunaw ako n'yan, Miss, ha?" Nginisian ako noong lalaki.
I scoffed. "Kapal mo,"
"Kuh," tumawa si Clara. "Wala pang limang minuto nag-aaway na kayo d'yan. Alam mo, d'yan nagsimula parents ko!" Pang-aasar niya pa sa 'kin.

YOU ARE READING
Going Back To Yesterday
RomanceEver since she was a kid, Xanaya Eloise always dremt of being a writer. Then one day, a big opportunity came in her way. She was asked to write a story about love. She didn't know what to write about it not until she thought of writing about her own...