13

9 0 0
                                    


"Magkakilala kayo? Oh my god, what a small world?!"


Nakangiti pa sa amin si Sammy, hindi alam kung ano ang meron sa pagitan naming dalawa. As I looked at Liam, I could say he changed. Tumangkad siya ng konti but I know his attitude is still the same. Hinding-hindi mabubura ang sama ng loob ko sa kanya kahit mag-sorry pa siya.


"Yeah," Liam nodded. "We're friends." 


Napataas ang isa kong kilay dahil sa sinabi niya. Since when did we become friends again? As far as I could remember, I already cut off my friendship with him ever since that day. And I don't have a friend who lies just to ruin someone. 


Tinawag bigla si Sammy nang mga kaibigan niya kaya pumunta muna siya doon. Naiwan tuloy kami ni Liam. I secretly glared at him.


"Friends? Kapal naman ng mukha mo." Mahinang sabi ko. I wanted to yell it to him pero pagtitinginan kami ng mga tao kapag ginawa ko iyon. 


He smirked. "Aren't we friends?"


"We're not." 


He went closer to me. He held my chin at tinulak ko siya palayo. He chuckled, evilly. "Woah, so aggressive, Naya. I heard you and Oliver are on good terms again. I guess my plan didn't work. Sayang naman."


My hand formed into a rock. "Yeah, your plan didn't work. Alam mo, ang tanga ko noong panahon na mas pinaniwalaan kita kaysa kay Oliver. Ano bang gusto mo, ha? Bakit ba gustong-gusto mong sirain ang buhay niya?" 


"I just want him to suffer." He said. "At kulang pa ang pagdudusa na nangyayari sa kanya ngayon kaya kailangan pa madagdagan. Kaya if I were you, I would distance myself from him dahil baka pati ikaw madamay sa paghihirap na mararanasan niya." 


And he walked away. 


I wanted to punch him! Sobrang gago niya! I wish I could warn Sammy about his crush. But I don't want to break her heart. 


"Oh, anyare? Bad mood ka ata?" tanong ni Clara sa akin nang makita niya ako. 


Binagsak ko ang gamit ko sa tabi niya. "May asungot na demonyo kasing nagpakita."  


"Si Liam? Anong ginagawa n'on dito?" Naguguluhan na tanong niya. 


I shrugged. "Ewan ko. Pota, nakakainit ng dugo! May balak pa atang gawin kay Oliver. Subukan niya lang talaga!" 


Nang matapos ang school hours ay umuwi na agad ako. Nakakapagod ang araw na 'to! Chineck ko ang phone ko kung may message ni Oliver pero noong lunch pa ang huli naming text. I got worried. Paano kung may gawing masama sa kanya si Liam?


Paano kung maging miserable ang buhay namin dahil kay Liam? Paano kung sirain niya kung ano ang meron kami? 


Buong gabi akong nag-isip. He didn't even message me a 'good night'... May nangyari ba? Minutes later, I just found myself crying. Was it because of too much overthinking?

Going Back To YesterdayWhere stories live. Discover now