"Anong sinasabi mo? Nakahithit ka ba, ha?!"
Tinanggal ko ang bracelet na sinuot nya sa braso ko at binalik iyon sa kanya. Hindi naman sa 'kin 'yon, eh! Baka nagkakamali lang siya. Wala akong matandaan na nagpunta na ako dito... At mas lalong wala akong matandaan na nagkita na kami noon.
He shook his head. "I'm telling the truth, Xanaya. Ikaw 'yon... Sigurado ako." He kept on making me believe him.
"I'm sorry, Oliver. Pero hindi talaga ako 'yon. Maybe magkamukha lang kami... pero hindi talaga ako 'yon." I ran away from him.
Bumalik ako sa canteen at nakita kong nandoon pa rin si Clara. Agad akong lumapit sa kanya dahil gulong-gulo na ako.
"Oh? Anyare sa mukha mo? Away na naman ba kayo ni Oli?" tanong nya sa akin.
"Nakapunta na ba ako dito dati?" I asked her. I swear, I really don't remember going here before.
Umakto si Clara na para bang ang lalim ng inisip niya. "Hindi... Ay! Oo! Nakapunta ka na dito!"
My eyes widened. So, nakapunta na nga ako... Kailan? At bakit wala akong matandaan ni isang detail?!
"Wala akong maalala, Clara," sabi ko. "Sigurado ka ba?"
Tumango siya. "Sure ako, beh! May picture pa nga ako, eh! Teka, hanapin ko."
Kinuha niya ang phone niya. After a few minutes, pinakita niya sa akin ang picture na kinuha raw namin noong first time ko pumunta dito.
"Foundation day n'yan," pagkwekwento niya. "Naligaw ka pa nga d'yan! Tapos buti nalang tinulungan ko nung nakita mong lalaki... Na naging crush mo!"
"Ano?" gulat na tanong ko. "So, totoo 'yong sinabi ni Oliver?"
Siya naman ang naguluhan. "Si Oli? Ha? Ano? May sinasabi ka bang hindi ko alam?"
Umiling ako at kinuha ang phone niya para tingnan ang ibang image. Muntikan ko na mabitawan 'yong phone ni Clara nang mapansin kong pareho ang bracelet na suot ko sa picture at 'yong bracelet na meron si Oliver.
"Naknam..." I muttered a curse. "Wait lang! Gago, wait!" Tumayo ako at binalik sa kanya ang phone niya.
I went back sa garden, hoping to see Oliver still there. Pero wala na... Pumunta ako sa classroom niya pero ang sabi ng blockmates niya wala rin daw doon si Oliver. Nasaan 'yon?!
Nag-ring na ang bell kaya kinailangan ko na ulit bumalik sa classroom. Buong klase ay hindi mapakali ang utak ko. I felt so guilty for not believing him. At nagtataka rin ako kung bakit hindi ko 'yon maalala? Did I have amnesia? Wala naman sinasabi si Kuya, eh!
Noong uwian ay si Oliver agad ang hinanap ko. Pero ang sabi ni Clara ay hindi na raw pumasok si Oliver. Bumalik ako sa classroom at nakita ko si Liam doon. Sakto.
"Liam," I called him.
"Hey," he greeted me. "Bakit parang tinakbo mo yata ang buong campus? Hingal na hingal ka, ah? You okay?"
I nodded, still panting. "Alam mo ba kung nasaan si Oliver?"
Agad na nagbago ang timpla ng mukha niya. Anong problema niya? "Bakit mo ba hinahanap ang pinsan ko? I already told you, sakit lang madudulot niya sa'yo."
"Kailangan ko lang siya makausap." I told him. "Andaming tanong sa isip ko ngayon, Liam. At alam kong siya lang ang makakasagot ng lahat ng iyon."

YOU ARE READING
Going Back To Yesterday
RomanceEver since she was a kid, Xanaya Eloise always dremt of being a writer. Then one day, a big opportunity came in her way. She was asked to write a story about love. She didn't know what to write about it not until she thought of writing about her own...