14

8 1 0
                                    


[I miss you already, my love.]


Napaiwas ako sa camera nang bigla niyang sabihin 'yon. We're on a video call right now kasi hindi raw siya makatulog pa. It's been months since we've been officially together. We became more open to each other and we got to know each other more clearly now.


"Miss na rin kita," sabi ko. "Hindi ka pa rin ba talaga inaantok? 2 AM na d'yan, ah?" tanong ko.


Nasa USA kasi si Oliver ngayon. May kailangan daw kasi silang ayusin sa company nila. Sem break naman namin ngayon kaya wala akong masyadong ginagawa. Tsaka tinapos ko na rin kasi lahat ng requirements ko noong first week ng sembreak kaya wala na akong gagawin ngayon.


[Gising na gising pa kaluluwa ko, Love.] Inaantok na sabi niya. [Gising na medyo inaantok pala.] Dagdag niya.


Umiling ako. "Matulog ka na, Oliver. Masamang magpuyat, sige ka, magmumukha kang panda niyan." 


He chuckled. [But you love pandas right?] 


"Ewan ko sa'yo," inirapan ko siya. "Sige na, take a rest na po."


[Alright, take a rest din po ikaw. Bye.]


"Bye," I was about to end the call when he suddenly spoke.


[I love you.]


I smiled. "I love you more."


[I love you the most.] 


Napataas kilay ko. Aba, ayaw magpatalo? "I love you the mostest! Period!"


[Hmm, okay po.] He sighed and accepted his defeat. [Sige na, b-bye. I love you more than infinity.]


And the call ended. 


Umob-ob muna ako saglit at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako dahil sa sunod-sunod na pagv-vibrate ng phone ko. Kinusot ko ang mga mata ko dahil inaantok pa ako. I checked my phone at napuno ang notification bar ko ng sunod-sunod na message galing kayna Clara at Tita.


From: Clara

Huyyyy nyare kay Oli??
Nagtext saken kapatid niya sinugod daw sa ospital


From: Tita

Naya anak, don't tell Oli na I told you this pero sinugod kasi namin siya kanina sa hospital
Ang sabi nya kanina ay masakit daw ulo nya then seconds later, he fainted
May nasasabi ba sayo si Oli about this?


Agad akong nagpanic. Tinawagan ko agad si Oliver dahil sa sobrang pag-aalala. He was okay a while ago. What happened?!


[Hi, Lovey.] bati niya.


"Okay ka lang? Anyare sa'yo?" Nag-aalalang tanong ko. "Masakit pa ba ulo mo? I told you, take a rest. Oliver naman, eh."

Going Back To YesterdayWhere stories live. Discover now