12

8 1 0
                                    


"How is she? Look, it was me who asked for another chance. So, don't get mad at her for giving me another chance. Kung gusto mo magalit, sa akin nalang. Huwag na kay Xanaya."


I slowly opened my eyes when I heard his voice. Bumungad sa akin ang liwanag ng ilaw. I tilted my head to the side to avoid the bright light. Napamulat ako ng maayos nang makita ko si Kuya at Oliver na nag-uusap. 


"Kahit naman bago mo pa sabihin 'yan ay galit na galit na ako sa'yo. Iniwan mo kapatid ko, eh! Alam mo ba kung ilang araw 'yan umiyak dahil sa'yo? Tapos malalaman ko na lang bigla ayos na kayo?" Kuya said. "Mahal ko ang kapatid ko kaya ganito ako. Ayaw ko lang siyang masaktan ulit."


"I promise, it was never my intention to leave her. Kailangan ko lang talagang iwan siya muna kasi alam kong masasaktan siya kapag nalaman niya ang totoo." 


"Anong totoo?" I asked. 


Napatingin silang pareho sa akin. I was about to sit when Oliver and Kuya guided me. Nang makaupo at makasandal ako sa kama ay tumingin ako pareho sa kanila. 


"Kung mag-aaway kayo, go lang. Panoorin ko pa kayo." Binigyan ko sila pareho ng isang pekeng ngiti. "Oh? Bakit hindi kayo nagbabangayan ngayon?"


"Sorry," sabay nilang sabi. 


I just rolled my eyes. I looked at Kuya. "I'm still mad at you for raising your voice at me. Hindi porket kinakausap na kita ngayon ay wala na ang galit ko sa'yo."


Napatungo si Kuya. "I'm sorry."


Nilipat ko naman ang tingin ko kay Oliver. "Galit din ako sa'yo," 


"Huh? Why? What did I do?" Napahawak siya sa chest niya. He pouted again which made him look like a dog. Naiinis ako sa kaniya ngayon kaya walang effect sa 'kin 'yang pa-cute niya.


"Ano ang totoo na sinasabi mo kanina?" tanong ko ulit. 


Kita ko ang paglunok niya. "'Yong totoo? Ano... Na mahal na mahal kita. 'Yon!" He gave me an awkward smile. 


Inirapan ko ulit siya."Bahala nga kayo d'yan," bumalik ako sa pagkakahiga. My body was still hurting kaya natulog na ulit ako. 


When I woke up, I felt someone holding my hand. Minulat ko ang mga mata ko at nakita kong hawak-hawak ni Oliver ang kanang kamay ko. He was sleeping, nakapatong ang isang kamay niya sa bakanteng side ng kama at iyon ang ginawang unan. He looked so cute while sleeping. Parang ang sarap pitikin sa noo. 


Napatingin ako kay Kuya na natutulog naman sa couch. Napatingin ako sa katabi niya at nakita kong nandoon rin pala si Ate Reese. Hanggang dito ba naman bebe time? Gabi na pala... Ilang oras akong tulog?


I reached for my phone using my other hand. I checked the time. It was 11 PM already. Pero hindi na ako inaantok kaya pinanood ko nalang silang matulog. Mayamaya ay nagising si Oliver kaya pumikit ako at nagkunwaring tulog. 

Going Back To YesterdayWhere stories live. Discover now