Chapter 2

42.1K 841 73
                                    

PAPAUWI na ako galing sa Herreros hospital. Mabuti nalang pinauwi ako ng maaga ni doctor Salem na siyang boss ko.

Naisipan kong dumaan sa grocery store dahil paubos narin ang stocks ko sa bahay. Plano ko dalawin ang kapatid ko bukas kaya dadagdagan ko ang bibilhin ko sa grocery para sa mga pamangkin ko.

Pumasok agad ako sa grocery at kumuha ako ng basket. Inuna ko muna ang pagkain ng mga pamangkin ko. Kumuha narin ako ng isang carton ng cerelac para sa pamangkin kong 8 months old.

Kumuha pa ako ng ibang mga kailangan ko at kulang ko sa apartment.

Ako lang din naman kasi mag-isa. Nasa probinsya kasi ang mga magulang ko. Ang kapatid ko naman ay nasa Quezon City at do'n na nakapag asawa.

Nang napuno ko na ang basket ko ay agad akong naglakad papunta sa counter. Nakayuko ako naglalakad ng may biglang umagaw ng basket ko. Agad ako nag angat ng tingin para tignan kong sino yun.

Pinaningkitan ko ng mata ang lalaking nasa harapan ko. "Ano na naman kailangan mong lalaki ka?"
Kunot nuo kong tanong kay Lucifier.

Nandito na naman kasi siya. Lagi nalang ako nagtataka sa lalaking ito. Paano ba naman kasi.. kung nasaan ako ay nadoon din siya. Tapos sasabihin pa niya sa 'kin na kesyo daw stalker daw niya ako, sinusundan ko daw siya. Ang sarap niyang sakalin.

He chuckled. "Ako na magbubuhat nito. Baka lalo kang lumiit kapag ikaw pa nag bitbit nito." Pang-aasar niya
sa 'kin. Wala na yata siyang ginawa kundi asarin ang height ko.

Kinuha ko ang basket na hawak niya at tinalikuran siya. "Wait, Heart." Tawag niya sa 'kin ngunit hindi ko siya nilingon.

Nahabol parin naman niya ako, ang iikli naman kasi ng mga bias ko. Samantala sakanya ay mahahaba. Malaki din ang katawan niya, malapad at halang batak na batak sa gym.

Naalala ko pa ng inalagaan ko siya. Ako kasi ang napili ni doctor Salem para maging personal nurse ni Lucifier.

Halos manginig ang mga kamay ko no'n nang punasan ko ang katawan niya ng towel. First time ko kasing maka kita ng eight sexy abs, isama mo narin ang vline niya. Hindi ko talaga makakalimutan ang araw na yun dahil sobra ang pagka-ilang ko.

Tulog naman si Lucifier sa mga oras na yun, akala ko tulog siya, ngunit hindi pala. Kaya ang ending inasar niya ako ng inasar. May pagnanasa daw ako sakanya.

Hindi ko alam pero nasasanay na ako sa pang-aasar niya sa 'kin. Wala kasi akong kapatid na lalaki na gustong-gusto ko magkaroon. Kaya siguro naging malapit ako kay Lucifier.

Napatigil ako sa paglalakad ng humarang si Lucifier sa dinadaanan ko. Kailangan ko pang iangat ang mukha ko para makita ko ang mukha niya. Hanggang dibdib lang kasi niya ako, kaya lagi niya akong inaasar na minions. Kainis diba!

Naka suot siya ng sunglass, black polo tshirt na bumabakat ang muscle niya at ragged jeans. Sumimangot ako sa harap niya. "Bakit ba?"

Mahina naman siyang tumawa saka kinuha ulit sa 'kin ang basket. Hinawakan niya ang kamay ko saka niya ako hinila papuntang counter.

Hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko  kapag hinahawakan ni Lucifier ang kamay ko. May kakaiba talaga na hindi ko maintindihan. Hindi ko naman kasi ito nararamdaman kay Jett kahit ilang beses na kaming magkahawak kamay. Parang wala lang sa 'kin, hindi katulad kay Lucifier na parang may lumilipad na paru-paru sa tyan ko.

Minsan nga pinag-aawayan namin ni Jett si Lucifier. Nagseselos kasi siya, lalo na nakikita niya kami minsan na magkasama ni Lucifier. Lagi ko naman sinasabi sakanya na nagkataon lang ang pagkikita namin ni Lucifier. Kaya minsan talaga umiiwas ako kay Luc para hindi na kami mag-away ni Jett.

Assassin Series 5: Lucifier MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon