NAKIKINIG LANG AKO SA SINASABI NG obgyne ko habang pinagsasabihan niya ako na mga bawal kung gawin muna. Sinugod kasi ako ni Caleb sa hospital ng makaramdam ako ng sobrang sakit sa balakang ko. Kaya hindi nag dalawang isip si Caleb na isugod na ako sa hospital.
Mabuti nalang ay naagapan ng obgyne ko, pinagbabawal niya akong magkikilos ngayong eight months na ang tyan ko, mababa na daw kasi masyado ang baby. Siguro dahil ito sa paglalakad ko sa umaga at sa hapon kaya pinayohan ako ni doc na wag na muna akong mag lalakad-lakad at baka daw lumabas ang baby ko ng wala sa oras.
Binigyan niya din ako ng gamot pampakapit. Nang matapos ang check up namin ay agad akong inalalayan ni Caleb palabas ng hospital.
"Kailangan naka higa ka lang, Heart. Wag kana sanang maging makulit," pangangaral sakin ni Caleb.
Kanina pa ako sinesermonan ni Caleb, hindi ko na nga mabilang kung ilang ulit niya ng tinawag ang pangalan ko sa sobrang inis niya sakin.
Naglalakad kasi kami kanina nila Dodong at Mika ng biglang sumakit ang tyan ko kaya dali-daling tumakbo si Dodong papunta sa bahay namin saka tinawag si Caleb.
"Are you even listening, Heart?" tanong sakin ni Caleb na halatang na iinis sakin sa ka'kulitan ko
Naka nguso akong tumingin sakanya saka tumango. Napabuntong hininga naman si Caleb at agad na hinawakan ang balakang ko na para akong inaalalayan.
Bumalik kami sa dati ni Caleb na parang walang nangyaring tapatan ng damdamin. Mabuti nalang at ganon ang nangyari, napag usapan namin na hanggang magkaibigan lang talaga ang turingan naming dalawa.
Dahan-dahan ako bumaba ng hagdan habang ang kamay kong isa ay hawak ni Caleb at ang isang kamay niya ay nasa balakang ko parin.
Napatigil kaming dalawa ni Caleb sa pag hakbang ng may lumapit samin na babae. Tumingin sakin ang babae mula ulo hanggang paa at parang maiiyak ng makita ang tyan ko. Hindi ko naman siya kilala kaya nagtataka ako kung bakit ganon ang expression ng mukha niya.
Naka suot ang babae ng school uniform, maganda ang babae na may maliit na mukha, kulay brown din ang kanyang mga mata, mahaba ang kanyang buhok at sakto lang ang kutis niya, I mean.. hindi maputi, hindi maitim.
Tumingin ako kay Caleb at napansin agad ang magkasalubong niyang kilay. Kilala kaya niya ang babae?
"Do you know her?" tanong ko kay Caleb, nakatitig parin kasi ito sa batang estudyante na nasa hula ko kasi ay nasa 17 lang ang edad niya.
Agad na umiling si Caleb saka hinawakan lalo ang kamay ko, napatingin naman ang babae sa kamay namin ni Caleb na magka hawak saka ulit tumingin sa mukha ni Caleb.
Sa hindi ko malaman ay agad na tumulo ang luha ng babae saka ito umalis sa harap namin ni Caleb.
"Hala.. anong nangyari don?" tanong ko kay Caleb habang naka sunod ang tingin ko sa babae."Don't mind her," saad ni Caleb sa baritonong boses.
"Pero, parang kilala ka niya," saad ko.
"Hayaan mo na yun, masyadong makulit ang batang yun," inis na sabi ni Caleb saka humakbang ulit pababa ng hagdan kaya agad akong humakbang.
"Makulit? Ibig sabihin kilala mo?" takang tanong ko.
"Sort of," tipid niyang sagot. Mukang may tinatagong lihim sakin si Caleb.
Nang makababa kami ng hagdan ay sabay kaming nagulat ni Caleb ng may humarorot na kotse sa harapan namin na akala mo ay may-ari ng kalsada. Hindi namin nakita ang tao sa loob n'on dahil tainted ang sasakyan.
"Gago yun ah," bulong ko.
"Hayaan mo na, ganon din naman ako mag maneho minsan," natatawang saad ni Caleb kaya inirapan ko siya.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 5: Lucifier Montenegro
Romance[✅Complete] || R-18🔞|| {Under Editing} The man with different eye color. Lucifier Montenegro, ang lalaking adik sa cerelac, banana flavor.