NAKANGITI AKO na may halong kaba habang naka harap sa salamin at pinagmamasdan ang hitsura ko.
Ngayon kasi ang araw ng kasal namin ni Heart. Putcha! Nakaka kaba din pala kapag kinakasal.Nandito ang mga kaibigan ko sa hotel room habang ginugulo na naman nila ako. Kanina pa din nila ako inaasar na sasakalin na daw ako ni Heart. Handa naba daw ako na hindi lilingon sa ibang babae pag may dumaan.
Kahit kailan ay hindi naman ako tumitingin sa mga babaeng dumadaan sa harap ko. Kay Heart nga lang ako tinitigasan eh.
"Sino kaya ang susunod na ikakasal satin." Sabi ni Eros na inaayos ang suot niya.
"Baka si Raizen. Sugar daddy yan eh," natatawamg sabi ni Salem kaya pinukol ito ng masamang tingin ni Raizen.
"Wag niyong kalilimutan ang isa pa nating lover boy dito sa gilid." Nakangising sabi ni Salem sabay akbay kay Atticus na tahimik na nakaupo.
"Wengya! Niyaya niya ng kasal ang babae kahit hindi naman sila." Natatawang sabi ni Salem kaya agad siyang siniko ni Atticus na nalukot ang mukha.
"Hindi magandang trip yan, Atticus." Natatawang sabi ni Caiden.
"Oo nga, badtrip ang tawag do'n." Pang-aasar na naman ni Salem kay Atticus.
"Tigilan mo nga akong gago ka!" Inis na sigaw ni Atticus kay Salem.
"Tangina! Ikakasal na talaga si Lucifier mga tol." Nakangiting sabi ni Levi na may papahid-pahid pa ng luha sa mata kahit wala naman.
"Naku.. wala kang aasahan sa mga 'to pagdating sa wedding gifts." Sabi ni Salem sabay tingin kay Eros.
"Hayop ka! Hindi ko pa nakakalimutan ang binigay mo saking tabo na nido." Inis na sabi ni Salem kay Eros na nakangiwing lumipat ng upuan para hindi mabatukan ni Salem.
"Wala akong paki sa wedding gifts na yan. Ang mahalaga sa 'kin ay makasal kami ni Heart." Nakangiti kong sabi.
"Yun oh! Buti nalang mabait si Lucifier," nakangising sabi ni Eros at agad na tumayo saka lumapit sa lamesa.
Naglakad siya pabalik papunta sa 'kin saka inabot ang isang buong durian. "Anong gagawin ko dito?" Takang tanong ko.
"Yan ang regalo ko," inosente niyang sabi.
Tumayo naman si Salem na may kinuha din sa lamesa at inabot sa 'kin ang isang supot na santol. "Ayan ahh.. marami yan." Proud pa niyang sabi.
"Mga gago ba kayo?? Dapat mga gamit ang iregalo niyo. Bakitganito?!" Galit kong sabi sakanila.
"Akala ko ba wala kang pakialam sa ibibigay namin basta ba't makasal lang kayo ni Heart." Sabat ni Theo na kumuha pa ng santol na hawak ko saka 'to binuksan at kinain.
"Mga tarantado!!" Sigaw ko sakanila.
Tumayo naman si Caiden at agad na inabot sa 'kin ang regalo niya. "Dalawang kilo yan, pre. May mantika at itlog narin pang torta mo." Seryoso niyang sabi.
Ang sarap sakalin ng mga kaibigan ko talaga. Talong, itlog at mantika lang naman ang binigay niya sa 'kin.
"Uyy, sakto yung ire-regalo ko dyan." Sabat ni Levi na tumayo sa kinauupuan niya saka kinuha ang maliit na paper bag.
Napasapo ako sa nuo ko ng makita ko ang inabot niya sa 'kin. Isang pack lang naman ng magic sarap. Hayop na yan!
"Mga wala kayong kwenta!" Sigaw ko sakanila.
"Mabuti nga yan niregalo namin eh, maluluto kaya yan." Depensa naman ni Aizen.
Tumayo naman si Caleb at may kinuhang paper bag at agad na lumapit sa 'kin. "Sorry bud, napag usapan lang talaga namin." Sabi niya sabay abot sa 'kin ng regalo niya. Napakamot nalang ako sa ulo ko ng makita kong asin at bitsin ang nasa loob. Isaboy ko kaya 'to sakanila.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 5: Lucifier Montenegro
Romansa[✅Complete] || R-18🔞|| {Under Editing} The man with different eye color. Lucifier Montenegro, ang lalaking adik sa cerelac, banana flavor.