PILIT KUNG KINAKALIMUTAN ang mga sinabi sakin ni Heart kahapon. Halos hindi ako makapag maneho sa sobrang sakit ng mga sinabi niya sakin.
Hindi ko nga alam kung paano ako naka uwi ng Manila dahil lutang na lutang ako. Para akong nawawala dito sa mundong ibabaw. Pakiramdam ko ay para akong naliligaw sa madilim na lugar na hindi ko mahanap-hanap ang liwanag.
"Kuya Lucifier naman, kanina kapang umaga umiinom." sabi sakin ni Kier na binabantayan ako.
"Iwanan mo na kasi ako dito, promise dito lang ako sa bar mo." sagot ko sabay inom ulit ng alak.
Nagkamot naman ito sa ulo niya saka bumuga ng hangin. "Lagot ako kay ate Ruwi kapag pinabayaan kita," saad nito.
"Si Ruwi.." natatawa kong sabi. Kung sana ay hindi si Caleb ang pinabatay niya kay Heart, eh di sana, hindi magkakagusto si Heart kay Caleb. Sana isang babaeng elite force nalang ang pinabantay niya kay Heart.
"Kuya Lucifier, lagi kana lang umiinom, may problema kaba? Pwede kang mag kwento sakin." sabi sakin ni Kier.
"Ayos lang ako, Kier. Gusto ko lang talaga magpakalasing, kaya hayaan mo muna ako." saad ko saka ininom ang basong may lamang alak.
Bumuga naman ito ng hangin saka napasandal sa likod ng upuan. Ngunit agad din itong umayos ng upo ng may makita siya. Itinaas niya ang kamay niya na parang may kinakawayan.
"Kuya Caleb, nandito ka pala." naka ngiting bati ni Kier.
Agad akong napalingon ng marinig ko yun. Nandilim ang paningin ko ng makita ko si Caleb na nakatayo sa pinto, nagulat pa yata na nandito ako.
Agad akong tumayo sa pagkaka upo saka hinampas ang hawak kung bote sa mesa saka mabilis na naglakad papunta kay Caleb. Walang sabi-sabing inatake ko siya.
"Shit! Kuya Lucifier!!" sigaw ni Kier na pinipigilan ako.
"Umalis ka dyan Kier, papatayin ko ang lalaking yan." sigaw ko habang pilit na pumipiglas kay Kier.
Malakas kong itinulak si Kier saka sinipa ito para hindi maka bangon agad saka inatake si Caleb.
"Hayop ka!!" sigaw ko habang pilit siyang sinasaksak sa hawak kong bote.
"Kuya Lucifier, calm down." pag pipigil ulit sakin ni Kier kaya agad ko siyang sinugatan sa braso gamit ang basag na bote na hawak ko.
Tumutulo ang dugo sa tagiliran ni Caleb ng matamaan ko siya kanina. "Papatayin kita, Caleb. Papatayin kita!!" sigaw ko sabay atake ulit sakanya.
"Fuck!" mura niyang ng matamaan ko ang isa niyang binti.
Hindi ko siya tinigilan hanggang sa ibinaon ko ang hawak kong bote sa balikat niya at agad na hinugot yun.
Binitawan ko ang hawak kong bote saka mabilis na sinuntok sa mukha si Caleb dahilan para matumba ito sa sahig habang sapo-sapo ang nasaksak niyang tagiliran. Agad kong dinambahan siya saka pinag susuntok ang mukha niya.
"Inagaw mo na nga sakin si Heart, pati ba naman ang anak ko!!" nang gagalaiti kong sabi habang pinag susuntok ang mukha niya. Wala akong pakialam kung mapatay ko siya. Gusto ko siyang mawala sa landas ni Heart.
"Iniwan mo siya tapos magagalit ka sakin." sigaw niya saka ako malakas na inuntog gamit ang nuo niya kaya napatigil ako sa pag suntok.
Tatayo sana siya ng mabilis kong sinuntok ang sikmura niya.
"Bloody hell!"
Napatigil ako sa pag suntok ng marinig ko ang boses ni Salem. "Stop it, Lucifier you almost killing him." sigaw niya sakin sabay hila sakin patayo mula kay Caleb.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 5: Lucifier Montenegro
Romance[✅Complete] || R-18🔞|| {Under Editing} The man with different eye color. Lucifier Montenegro, ang lalaking adik sa cerelac, banana flavor.