HININTAY KO MAGDAMAG si Caleb kagabi pero hindi siya dumating. Ang sabi kasi niya ay may aasekasuhin lang daw siya sa Manila at uuwi din daw siya agad.
Pero nagmadaling araw nalang ay hindi siya dumating. Nakatulugan ko nalang ang paghihintay sakanya.
Bumangon ako sa kama at napatingin sa anak ko na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Agad akong tumungo sa banyo para maghilamos muna ng mukha. Nang matapos ako ay lumabas ako sa kwarto at agad tinungo ang kusina para magtimpla ng kape.
Nagsimula narin ako mgaluto ng agahan at baka dumating si Caleb. Mabilis ang kilos ko habang nagluluto ako at baka magising ang anak kong si Lufhier.
Simpleng almusal lang naman ang niluto ko habang kay Lufhier naman ay gulay na dinurog ko. Naka ready narin ang orange fruit niya para sipsipin niya mamaya.
Inayos ko lang sa lamesa ang niluto ko saka ako bumalik sa kwarto para silipin ang anak ko kung gising na. Nakita kong mahimbing parin naman 'tong natutulog kaya napagdesisyonan ko nalang na mag walis muna sa sala.
Nilinis ko na muna at pinunasan ang lamesa dahil mahilig pa naman si Lufhier mag laro dito. Saktong natapos ako sa paglilinis ng marinig ko ang iyak ni Lufhier. Dali-dali kong tinungo ang kwarto namin at nakita ko ang anak ko na nakaupo sa kama habang umiiyak at hawak-hawak ang laruan niyang kotse.
"Ayy.. kawawa naman ang baby nayan," nakangiti kong sabi sa anak ko saka ko siya kinarga at pinunasan ang luha niya sa gilid ng mata.
Tumigil naman siya sa pag-iyak kaya agad akong lumabas ng kwarto. Lumapit ako sa stroller niya at inilagay si Lufhier do'n.
Kinuha ko ang naka handang pagkain niya saka ko siya sinubuan. Pakakainin ko muna ang anak ko bago ako kakain. Wala pa naman din kasi si Caleb. Nag-aalala tuloy ako sakanya, hindi din kasi siya tumawag sa 'kin kaya nagtataka ako. Baka may nangyari na sakanyang masama.
Kapag kasi umaalis siya ay nag se-send yun ng mesaage sa 'kin kung pauwi na ba siya o hindi pa para hindi ako mag-alala.
Nang matapos akong pakainin si Lufhier ay ako naman ang kumain. Naglalaro naman ang anak ko sa laruan niya habang nasa gilid ng upuan ko.
Nasa kalagitnaan na ako ng pag subo ko ng may kumatok sa labas ng pinto namin. Kumunot ang nuo ko at nagtataka kung sino yun. Hindi yun si Caleb dahil may susi si Caleb sa bahay.
Tumayo ako para tignan kung sino ang kumakatok sa labas ng pinto. Nakasunod naman sa 'kin ang anak ko hanggang sa sala kaya binuksan ko ang tv para pa-panoorin siya ng cocomelon.
Agad namang naaliw ang anak ko kaya hindi na siya sumunod sa 'kin. Naglakad ako papunta sa pinto at pinagbuksan ang taong kumakatok sa labas.
Nang mabuksan ko ang pintuan ay hindi ko inaasahan na si Ma'am Ruwi ang makikita ko. Halata sa hitsura niya na wala siyang tulog na parang nag mamadaling pumunta rito. May problema kaya?
"Ikaw po pala, Ma'am Ruwi." Sabi ko at agad na niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan.
"How are you, Heart?" Tanong niya sa 'kin.
"Ayos lang naman po. Pasok ka po Ma'am Ruwi." Magalang kong sabi sakanya.
Pumasok naman siya at agad na ipinalibot ang tingin sa bahay hanggang sa nakita niya si Lufhier na tumatawa habang na nonood ng cocomelon.
"Kamukhang-kamukha niya si Lucifier." Sabi ni Ma'am Ruwi sabay upo sa pang isahang sofa.
"Malakas po yata ang dugo niya." Nakangiwi kong sabi.
"I see." Tipid na sagot ni Ma'am Ruwi.
"Ano po pala ginagawa mo dito?" Tanong ko. Nagtataka kasi ako kung bakit siya nandito. Masama talaga ang kutob ko. Hindi naman siguro siya pupunta dito ng walang kailangan sa 'kin.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 5: Lucifier Montenegro
Romance[✅Complete] || R-18🔞|| {Under Editing} The man with different eye color. Lucifier Montenegro, ang lalaking adik sa cerelac, banana flavor.