Chapter 13

30.8K 662 88
                                    

NAKATULALA LANG ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Hindi parin natigil ang pag iyak ko simula nang makarating ako sa hotel kung saan muna ako nag stay. Wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak. Hindi rin ako pumasok muna sa hospital at nag text lang ako kay Doc. Salem na masama ang pakiramdam ko.

Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil gusto kong makita si Lucifier. Gusto ko siyang mayakap o maamoy man lang. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagbubuntis ko kaya ako nagkaka ganito pero talagang gusto ko siyang makita.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bedside table at tinignan kung may text ba sa 'kin si Lucifier. Ngunit, kahit isa ay wala.

Napabuga nalang ako ng hangin bago tumayo saka naglakad papunta sa banyo. Wala akong gana kumain pero may baby sa tyan ko kaya kailangan kung kumain. Naghilamos agad ako para lumabas ng hotel para maghanap ng gusto kong kainin.

Nang makababa ako ay agad akong naghanap ng makakain. Kaso hindi ko gusto ang mga pagkain na binebenta nila. Nakanguso akong lumabas ng restaurant na nasa hotel lang din. Agad akong lumabas para maghanap ng taxi para pupunta nalang ako sa mall. Pakiramdam ko kasi ay natatakam ako sa cheese. Hahanap nalang ako ng pagkain do'n na may overload na cheese.

Nakatayo lang ako sa entrance ng hotel at nag aantay ng taxi. Mga ilang saglit lang ay may humintong taxi sa harap ng hotel. Tinignan ko muna ang taxi dahil parang familiar sa 'kin. Napangiti ako ng mapagtanto ko na si kuya taxi driver na naman pala. Grabe na talaga 'to si kuya, lagi siya ang nasasakyan ko.

Agad akong pumasok sa backseat ng taxi. Nakangiti pa akong nakatingin kay kuya driver na nakatingin din sa 'kin. "Ikaw na naman pala kuya driver," nakangiti kong sabi.

"Oo, nga po Ma'am." Sagot niya habang nagkakamot sa likod ng ulo niya.

"Ang galing mong tumaymeng kuya," dagdag ko pa.

"Saan po ba kayo, Ma'am?" Tanong niya sa 'kin.

"Sa mall kuya. Sa pinaka malapit na mall." Tugon ko.

"Copy, Ma'am." Nakangiti niyang sabi at agad na pinausad ang sasakyan.

Nakatingin lang ako kay kuya taxi driver. Hindi pa naman siya matanda siguro ay nasa 29 lang ang edad niya. May hitsura din si kuya taxi driver kaya hindi halata sakanya na isa siyang taxi driver. Nong una ko nga siyang nakita akala ko matanda dahil sa suot niyang pang matanda habang nakasuot pa siya ng sombrero na akala mo'y nang galing sa palayan. Sa pangalawang sakay ko ay do'n ko napagtanto na hindi siya matanda. Ngayon ay nakasuot siya ng polo at hindi niya suot ang kanyang sombrero. Kaya kitang kita ko ang mukha niya. May tattoo din siya sa kanan niyang braso. Hindi ko alam kung hanggang balikat ang tattoo niya dahil natatakluban na ng suot niyang polo.

Napatingin ako sa labas ng mapansin ko na nasa harap na pala kami ng mall. Agad akong kumuha ng pamasahe sa dala kong wallet at agad na inabot kay manong driver.

"Magtatagal ka po ba sa loob ng mall, Ma'am?" Tanong niya habang nakatingin sa 'kin sa rear view mirror. Doon ko lang napansin na ang ganda pala ng kulay ng mata niya, kulay luntian.

"Ma'am?"

"Ha?" Tanong ko dahil hindi ko yata narinig ang simabi niya. Nawala kasi ako sa kulay ng mata niya, grabe kasi ang ganda.

"Ahm, hindi naman po manong. Bakit po?" Takang tanong ko.

"Gusto mo po ba hintayin nalang kita dito sa parking lot? Para hindi kana mahirapan maghanap ng taxi." Nakangiti niyang sabi.

Napa-iling naman ako agad dahil nakakahiya naman kung hihintayin niya ako. "Naku, manong.. wag nalang po. Nakakahiya naman po sa'yo. Baka wala po kayong kikitain kung hihintayin niyo pa po ako." Tangi ko sa offer niya.

Assassin Series 5: Lucifier MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon