THREE MONTHS NA ang nakalipas simula ng magkabalikan kami ni Lucifier. Nagkaayos na si Lucifier at si Caleb pero minsan ay nagseselos parin si Lucifier kay Caleb. Paano ba naman kasi.. ang anak naming si Lufhier ay hinahabol si Caleb. Sa t'wing nakikita niya si ninong Caleb niya ay agad nag papakarga sakanya.
Kaya minsan naabutan ko si Lucifier na kinakausap ang anak namin na sakanya daw maghabol wag sa ninong niya. Nasanay naman kasi talaga si Lufhier kay Caleb. Simula kasi n'ong pinanganak siya ay si Caleb na talaga ang nag-alaga sakanya.
Kinakausap ko nalang si Lucifier at niyayakap para hindi siya magselos. Nakakatakot pa naman siya magalit.
Kwenento din sa 'kin ni Caleb kung paano daw siya binugbog at sinaksak ni Lucifier. Hindi ako makapaniwala na nagawa niya yun sa kaibigan niya dahil sa selos. Kaya nga lagi ko siyang nilalambing kapag nag seselos na siya.
Katulad ngayon, nagtatampo sa 'kin dahil ayaw ko daw siyang sabayan maligo. Ayaw ko kasing sumabay dahil masama ang pakiramdam ko. Last week ko pa 'to nararamdaman kaya lagi akong wala sa mood at tamad na tamad kumilos.
Si Lucifier na nga ang nag-aalaga sa anak namin at siya narin ang nagluluto. Inaalagaan niya muna kami bago siya pupunta ng restaurant niya para mag ikot-ikot.
"Wag ka na mag tampo," lambing ko sakanya sabay halik sa tungki ng ilong niya.
"Samahan mo kasi ako maligo," nakanguso niyang sabi, gusto na naman binababy siya.
"Masama kasi pakiramdam ko kaya hindi ako makakasabay." Sabi ko sakanya.
"Lagi nalang masama pakiramdam mo. Gusto mo ba dalhin na kita sa hospital. Baka naman may malala ka ng sakit, Heart ko." Natataranta niyang sabi na ikinatawa ko.
"Hindi naman siguro." Sabi ko sabay yakap sa leeg niya.
"Dalhin na kita sa hospital. Ayaw kong may dinaramdam ka," saad niya sa 'kin.
"I think may idea na ako kung bakit laging masama pakiramdam ko." Nakangiti kong sabi.
"Ano? Cancer? Sakit sa heart? Diabetes?" Sabi niya na mas lalo kong ikinatawa.
"Bakit.. sakit na ba ngayon ang pagiging buntis?" Tanong ko sakanya na ikinalaki ng mga mata niya.
"What? You're pregnant again?" Sabi niya habang malalaki ang matang nakatitig sa 'kin, nakabukas pa talaga ang bibig niya na mabilis kong hinalikan.
"Hindi pa naman sigurado. Haka-haka ko lang," sabi ko sabay higa sa kama.
Agad naman siyang tumayo saka lumapit sa 'kin. Lumuhod na naman siya saka hinalikan ang tyan ko.
Napangiti nalang ako sa ginagawa niya.
"Pano ba malalaman kong buntis ka? Gusto mo ba dalhin ko si Salem dito?" Pranning niya sabi.
"Hindi na. Punta nalang muna tayo ng mall para bumili ng pregnancy test. Hindi pa naman tayo sigurado eh. Tsaka, may gusto akong kainin." Sabi ko sakanya.
Hinalikan na naman niya ulit ang tyan ko bago nagsalita. "Please.. sana may baby na sa sinapupunan mo," saad niya sabay haplos sa tyan ko. Gustong-gusto kasi niyang masundan si Lufhier. Kaya wala siyang ginawa kundi angkinin ako. Malulungkot pa yan kapag dinadatnan ako.
"Bibili ako ng pregnancy test." Sabi niya at agad tumayo. Hinawakan ko naman ang kamay dahilan para mapatigil siya sa paghakbang.
"Sama ako!" Nakanguso kong sabi.
May kinuha kasing maid si Lucifier para tulungan akong mag-alaga kay Lufhier kapag wala siya at nasa restaurant. Pumayag naman na ako sa gusto niya pero ako parin ang nag-aalaga kay Lufhier. Gusto ko kasi masubay-bayan ang paglaki ng anak ko.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 5: Lucifier Montenegro
Romance[✅Complete] || R-18🔞|| {Under Editing} The man with different eye color. Lucifier Montenegro, ang lalaking adik sa cerelac, banana flavor.