HINDI ko makalimutan ang halik ni Lucifier sa 'kin two weeks na ang nakakalipas.
Naiinis tuloy ako dahil pati sa panaginip ko ay nakikita ko yun. Iniiwasan ko din siya lalo na kapag pumupunta ito sa office ni Doc. Salem.
Minsan nga, nagpapatulong pa ako kay Doc. Salem para lang maiiwasan ko si Lucifier. Nakakainis naman kasi.
Buti nalang talaga hindi pa kami nagkikita. Hindi ko pa kasi makalimutan ang malambot niyang labi. Tumigil narin naman siya sa pagpunta ng hospital na ikinapagtataka ko.
Napasabunot nalang ako sa buhok ko habang nakadapang nakahiga sa kama ko. Mabuti nalang pinag day off ako ni Doc. Salem. Wala kasi siya ngayon dahil may binabantayan daw siya. Kaya pinayagan niya akong hindi pumasok dahil wala naman daw akong gagawin sa office niya.
Mas mabuti nga yun para hindi ako puntahan ni Lucifier.
Nang maka-uwi ako sa bahay ng gabing yun ay para akong tangang naka tunganga.
Napabalikwas ako ng bangon ng tumunog ang cellphone ko. Agad ko yun inabot sa gilid ng kama saka ko tinignan ang caller.
Bigla akong kinabahan ng makita ko ang pangalan ni Lucifier. Ilang ulit na kasi itong tumatawag sakin ngunit hindi ko sinasagot pati mga text niya sa 'kin ay hindi ko nire-replayan.
Napabuga ako ng malalim na hininga ng hindi talaga tinigilan ni Lucifier ang cellphone ko. Minsan pa nga na lowbat ang phone ko dahil lang sa kakatawag niya.
Walang choice kong pinindot ang answer call saka ko ito ni loudspeaker.
"Thank God you answered my call." Bungad niya sa 'kin.
Hindi ako nagsalita at hinihintay ko lang ang sasabihin niya.
"Heart.." tawag niya sa 'kin.
"What?" Galit kong sagot sakanya.
He chuckled on the other line kaya napa-irap nalang ako sa hangin.
"Pwede kabang pumunta—"
"No! Ayaw kitang makita." Pagpuputol ko sa sasabihin niya.
"Please.. I need you right now." Sabi niya.
"Bakit? Ano ba nangyari sa'yo?" Tanong ko.
"Basta. Pumunta ka rito sa bahay ni Salem." Sabi niya.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Fine," sagot ko saka ko pinatay ang tawag.
Bumangon ako sa kama saka ko tinungo ang banyo at agad naligo. Mabilis lang ang ginawa kong pagligo dahil naligo na naman na ako kanina. Gusto ko lang talaga maligo ulit dahil sorbran init ng panahon. Nang matapos ako maligo ay agad ako lumabas ng banyo at nag lakad patungo sa orocan ko at naghanap ng damit.
Simpleng tshirt at fitted pants lang suot ko. Naglagay narin ako ng liptint sa labi ko pati sa pisngi ko.
Nang matapos ako ay agad ako lumabas ng apartment. Balak ko sanang sumakay ng jeep ng biglang pumasok sa isip ko na baka mag amoy pawis naman ako. Nakakahiya naman kay Lucifier.
Natampal ko nalang ang nuo ko sa iniisip ko. Paki ko ba kung mabahoan si Lucifier sakin. Hindi ko naman siya type.
Agad ako pumara ng taxi saka ako napahatid sa subdivison kung saan nakatira si Doc. Salem.
Nang nasa labas na kami ng gate ng subdivision ay hinarang ang sinasakyan kong taxi. Pinakita ko lang ang id ko at sinabi ko kung saan ako pupunta. Tinawagan pa talaga ng guard ang bahay ni Doc. Salem kung talagang kilala ako ni Doc.
Ganito ka strekto ang subdivion na ito. Pagmamay-ari ito ng isang pinaka mayamang tao na si Mr. Vandeleur.
Lumabas ako sa back seat para ipa'check ang dala kong shoulder bag. Pati si manong driver ay pinababa din. Nang matapos na ay agad kaming pinapasok.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 5: Lucifier Montenegro
Romance[✅Complete] || R-18🔞|| {Under Editing} The man with different eye color. Lucifier Montenegro, ang lalaking adik sa cerelac, banana flavor.