Chapter 15

30.8K 666 27
                                    

NAKATULALA AKO habang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa bintana kung saan kami nakatira ni Caleb.

Nakarating kami kahapon dito sa probinsya ng Leyte, dito kami hinatid ni Ma'am Ruwi kahapon. Hindi muna ako lumabas ng bahay dahil hindi ko maintindihan ang lenggwahe ng mga tao dito. Si Caleb naman ay umalis kanina lang para bumili ng grocery sa bahay. Hindi niya na ako pinasama dahil baka mapagod lang daw ako.

Bago siya umalis ay pinag timpla muna niya ako ng gatas.

Mapait akong ngumiti ng maalala ko si Lucifier, siguro kung kasama ko lang siya ay malamang ito ang mag titimpla ng gatas ko. Pareho sila ni Caleb na maalaga kaya naalala ko si Lucifier.

Hinaplos ko ang tyan ko habang nakatanaw sa napakagandang tanawin. "Alam mo ba anak, ang ama mo adik na adik yun sa cerelac. Baka nga agawan ka pa niya ng pagkain kung kasama siya natin kapag lumabas ka." napa iyak nalang ako habang kinakausap ang anak ko sa sinapupunan ko.

Nang mapagod na ako sa pwesto ko ay agad akong tumayo saka tinungo ang bagahe ko. Napag desisyonan ko nalang mag ayos ng gamit ko habang hinihintay si Caleb.

Nahihiya nga ako kay Caleb, alam ko namang napipilitan siya sa ginagawa niya pero ginagawa niya parin. Bago kami umalis kahapon ay kinausap ni Ma'am Ruwi si Caleb na sila lang dalawa kaya hindi ko alam ang napag usapan nila.

Napatigil ako sa pagtiklop ng bumukas ang pintuan at pumasok doon si Caleb habang buhat buhat ang mga pinamili niya.

"Nag almusal kana ba?" tanong niya agad sakin na ikina-iling ko naman. "Uminom lang ako ng gatas, hindi pa naman kasi ako nagugutom." naka ngiwi kung sagot.

Agad naman siyang sumimangot at naglakad papunta sa kusina kaya agad ko siyang sinundan.

"Ayaw mo lang yata sa luto ko. Pasensya kana, hindi kasi ako ganon ka kagaling katulad ni Lucifier pagdating sa pagluluto." sabi niya.

Agad naman akong umupo sa upuan saka kinuha ang tinidor at agad na tinusok ang medyo nasunog na hotdog. Inirapan ko si Caleb habang ngumunguya sa niluto niyang hotdog, naiinis tuloy ako sakanya, sinabi ko na ngang wag na niyang babang'gitin ang pangalan ni Lucifier eh. Ang tigas talaga ng ulo niya.

"By the way, may binili akong mga kahoy, try kung gumawa ng crib ng baby mo." naka ngiti niyang sabi. Hindi na ako naka sagot dahil agad ito naglakad palabas ng bahay.

Kumuha muna ako ng hotdog saka sinundan si Caleb sa labas ng bahay. Mahina akong natawa na totoo ngang may dala siyang kahoy. Sinisipat-sipat pa niya ito na hindi ko malaman kung marunong ba siya gumawa.

Umupo ako sa upuan habang nakatingin kay Caleb na nag lalagari ng kahoy. Kinuha pa niya ang martilyo habang nakatingin sa cellphone niya.

"Caleb.."

"Hmm.." hindi man lang siya tumingin sakin, naka focus kasi ang mata niya sa screen ng cellphone niya.

"Marunong kaba gumawa?" tanong ko.

"Oo naman, may youtube naman eh," seryoso niyang sabi sabay pokpok ng martilyo sa pako habang ang mata niya ang nakatuon parin sa pinapanood niyang tutorial.

"Fuck!" mura niya sabay wasiwas ng daliri niya, mukang napok'pok yata ng martilyo. Mahina akong natawa sa hitsura niya habang hinihipan niya ang kanyang daliri. "Stop laughing, Heart." saway niya sakin.

Napatigil naman ako ng may pumasok sa isipan ko, hindi nga pala ako nakapag paalam kay Doc. Salem.

"Bakit ganyan hitsura mo? May masakit ba sayo?" tanong ni Caleb na agad lumapit sakin.

"Caleb, hindi ako nakapag pass ng resignation letter kay Doc. Salem." nag aalala kung sabi.

"Ah, yun ba?  Si Ruwi na ang gumawa n'on." sagot ni Caleb at agad na bumalik sa pag pokpok. Siguro nga ay ginawan na ako ng resignation letter ni Ma'am Ruwi, nagdu'duda parin ako sakanya at baka sabihin niya kay Lucifier kung nasaan ako. Sana lang talaga ay wag akong isuplong ni Ma'am Ruwi, hindi ko pa kayang makita si Lucifier sa ngayon.

Assassin Series 5: Lucifier MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon